Chapter 06

8 4 0
                                    

" Delikado ka na, Theodore."

Pang aasar saakin nina Brian at Nathan. Nangunot naman ang aking noo sa sinabi nila. May hawak silang telepono at saka sila may tinitignan doon.

" Ano nanaman iyan?" Iritang tanong ko sa kanilang dalawa.

Ipinakita nila ang phone nila saakin, agad akong napalunok. Litrato ni Adara na nasa kotse at may kasamang lalaki sa driver's seat, ang kuha ay nakaharap ang lalaki kay Adara at ang isa naman ay nakahawak sa bag ang lalaki.

Wait.

Ako ba iyon?

" Patingin nga ako, akin na." Kinuha ko ang telepono ni Brian at saka ko tinitigan nang mabuti.

Mas lalo akong napalunok nang makumpirma ko kung sino iyon.

Ako nga. At si Adara.

Noong naglagay ako ng calling card sa bag niya at noong oras na humarap ako sa kaniya dahil magpapaalam na ako sa kaniya at pinagsasabihan ko siya.

" May lalaking nakuhanan ang dispatch na kasama niya kagabi, maging mismo daw ang guards niya ay nakita kung sino ang nasa loob, baka may dine date na si Adara, Theodore. Delikado ka na." Mas lalo silang tumawa sa sinabi ni Nathan, napangisi naman ako sa kanila. Paano ako naninilekado, e ako iyang kasama niya?

Ako iyong nasa litrato.

Damn it.

" Alam niyo? Tigil tigilan niyo ako ha? Umalis na nga kayo dito sa harapan ko, shoo!" Pambubugaw ko sa kanila. Tumayo sila at saka nila ipinakita saakin ang litratong muli.

Napapangisi ako sa dalawang ito.

" Delikado ka na~" Kanta nila habang naglalakad paalis sa tabi at harapan ko. Dinig ko ang tawanan nila hanggang sa makapasok sila sa kwarto nila.

Mga sira.

Adara: Theo, I'm sorry.

Basa ko sa text message saakin ni Adara kaninang umaga. Hindi pa ako nakakapag reply dahil katabi ko kanina sina Nathan, ngayon palang.

Theodore: Ayos lang. Huwag mong problemahin, masakit ba ang ulo mo?

Adara: A little bit, but I can manage. Nasa dispatch ka, mabuti nalang at balot na balot ka kagabi, natatakot ako.

Theodore: Alam kong mangyayari iyon kaya nag ayos talaga ako. I'm fine, and it's fine, don't worry.

Adara: I'm sorry.

Hindi nanaman ako nakapag reply dahil pinapunta kami sa building, may gagawin kasi kami doon, at saka kailangan naming mag practice para sa MV, at may fitting pa. Kaya maghapon kami sa building ngayong araw.

" Iyong speech, tutulong lang ako ng kaunti, tapos kayo na ang bahalang magdagdag, kung may gusto kayong sabihin, at idagdag na mga sayings or quotes niyo, you can add them." Ani Ivor sa amin. Tumango naman kami sa sinabi niya.

Nga pala, malapit na ang punta namin sa white house, iinterviewhin din kami doon, at saka kami magbibigay ng speech.

" Iyong photoshoot niyo para sa isang brand ay mamaya na, at saka iyong practice niyo for the music video, nandoon na si Gil, start na daw kayo, ilang oras lang iyon, tapos maghanda na kayo for your speech." Tumayo kami, nagpunta kami sa dance room, at saka na kami pumasok, nakita kaagad namin si Gil na sumasayaw at nagpa practice na.

Tumigil siya sa pagsayaw at saka siya naglakad papunta saamin, at saka niya kami binati.

" Finally! Maganda po ang next steps natin at madaling sundan, kaya madali po natin itong matatapos." Bati niya saamin, binaba ko ang aking bag, binuksan ko muna ang cellphone ko.

Itetext ko muna si Adara.

Theodore: I'll see you later. I'll text you the address. See you.

Nagsimula niya na kaming turuan, tama nga siya, hindi ito masyadong mahirap, nakaka enjoy din habang sinasayaw namin, ang ganda kasi ng vibes ng kanta, kaya naman nakaka enjoy.

" And, pasok!" Sigaw ni Gil sa amin na papasok sa isang step, sinunod namin siya at saka kami sumayaw.

Nagwa wacky pa kami sa salamin habang sumasayaw kami at inaasar ang isa't isa. Nakakalito kasi ang step, tapos kung may matawa dahil sa pang aasar ay may magkakamali, kaya naman natatawa kami sa ginagawa namin. Kahit si Gil.

"Done!" Sigaw ni Gil, natapos na kami sa chorus namin. Susunod na ang bridge at iba pang parte ng kanta namin na wala pang steps.

Nagapir kami ng mga kasama ko, at isinama namin si Gil. Kahit pagod ay tumatawa kami dahil talaga namang nag enjoy kami sa pagsayaw namin.

Adara: Sure. Pwede naman ako. Iyong wala sanang masyadong tao.

Basa ko sa reply saakin ni Adara, naupo muna ako at saka ako nagreply sa kaniya.

Theodore: Let see each other later, sa beach. Walang masyadong tao doon kapag gabi na. Ayos lang ba sa iyo?

Adara: Pwede naman. I'll drive? Or you know?

Natawa ako sa text niya.

Anong you know?

You mean, I'll fetch her?

Theodore: I know where is your condo unit, so I'll fetch you. Sa likod nalang tayo magkita, para walang makakapansin saatin.

Adara: Oh yeah. I remember, may number nga pala ako sayo, tatawag nalang ako mamaya.

Theodore: Sure.

Nang matapos kaming magsayaw ay nagtipon tipon kaming pito sa iisang kwarto para pag isipan ang speech na gagawin naming pito, isa isa kasi kaming magsasalita, tapos may interview pa, si Kyle na ang bahala doon. Kidding.

" Syempre, kailangan nating isama ang mga Army's sa speech natin. Hindi natin pwedeng makalimutan ang mga Army's." Ani Kyle. Nag thumbs up ako sa sinabi niya.

" Kahit ikaw na ang may maraming masabi, Kyle. Kahit katiting na speech lang saamin, okay na kami doon." Paliwanag ni Alex, tumingin saamin si Kyle na nakakunot ang noo.

Umiling siya.

" No, lahat dapat tayo ay pantay pantay ng minuto sa pagsasalita sa harapan. Ayaw kong lumamang, kaya pagtulungan natin ito." Tumingin ako sa kaniya.

" Thank you, Kyle." Wala sa sariling sambit ko sa kaniya. Ngumiti at tumango siya saakin.

Nag isip kami ng mga gagawin namin, at sasabihin namin. Maganda ang speech na nagawa namin, at excited na akong sabihin ito sa harapan ng mga manunuod saamin doon, at excited akong malaman ng mga Army's ang speech namin.

" Hello, Theo?" Sinagot ko ang tawag ni Adara saakin. Aalis na din kasi kami, kaya baka naghahanda na si Adara.

" What are you wearing?" Tanong ko kaagad.

" Shorts, backless top-"

Kinagat ko ang labi ko.

" Change your clothes, baby. A dress and flats will do."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now