" Album release niyo na bukas, kailangan niyong maghanda, iyong music video niyo, sa susunod na mga araw na ilalabas iyon."
Paliwanag ni Ivor sa harapan naming pito, tumango naman kami, napaghandaan naman na namin lahat, kailangan lang namin ng suporta sa mga Army's namin.
" Sige, kailangan ba naming magpost ng update sa mga fans namin?" Tanong ni Kyle.
" Pwede naman. Selca ganoon, tapos video greet, pwede naman, kayo na ang bahala." Tumango kaming pito, tumayo na si Ivor sa inuupuan niya at saka na siya nagpaalam na aalis na.
" Sige, aalis na muna ako, bahala na muna kayo dito."
Nang makaalis siya ay nagpunta kami sa recording room para mapakinggan namin ang bagong kanta na ilalabas namin bukas. Nagkaroon na din pala ng pre-order ng albums namin, limited edition naman siya kaya pwede siyang maorder kahit kailan.
" Sino na nga ulit ang unang line? Si Timothy ba?" Tanong ni Brian saamin habang naglalakad kami papunta sa recording area.
Tumingin si Timothy saamin, at saka siya tumango.
" Ako nga." Maikling sagot niya.
Pinagbuksan kami ng pintuan ng mga staff, at saka kami pumasok doon, si Timothy na ang unang nagpindot sa computer para mapakinggan naming lahat. Naupo kami sa mga upuan na nandito at saka kami nakinig.
Yet To Come ang title ng kanta na ilalabas namin.
Nanahimik kami nang nagsimula na ang kanta.
" Oh, ang lamig ng boses ni Timothy." Ani Nathan habang hinahagod ang kaniyang braso. Nagkaroon siguro siya ng goosebumps.
Maging ako naman.
Gandang ganda ako sa boses ni Timothy.
" Iyong rap, grabe iyong message, ang galing!" Palakpak ni Cody. Ngumiti naman ako sa kanila.
Bago kami naglalabas ng kanta, ilang ulit naming pinakikinggan bago namin tuluyang ilabas sa tao. Hindi din naman kami gumagamit ng auto tune, kaya mas madali ang proseso. Ang iba kasi ay gumagamit pa ng auto tune kaya matagal tagal ang editing.
" Magpopost ba kayo mamaya? O magla live nalang tayo?" Tanong ni Nathan.
Nagkibit balikat ako. Umalis kami sa recording area at saka kami nagpunta sa dance room, tatambay kami doon dahil malamig sa kwartong iyon.
" Live nalang, mas maganda. Para minsanan nalang." Paliwanag ni Kyle. Tumango naman kami.
Nakaramdam nanaman ng katarantaduhan ang mga kasama ko, nag play sila ng kanta at saka sila sumayaw sa harapan ng malaking salamin.
" Hoy, madaya ka, nauuna ka,Timothy!" Takbo ni Brian sa harapan ng salamin.
Tumatawa naman ako habang pinanunuod silang magsayaw. Si Nathan, Cody, Alex, at Timothy ang naglalaro sa harapan ng salamin. Hip hop dance ang sinasayaw nila.
" Ganito, teka nga, hindi ko makuha." Ani Alex.
" Hindi ka na kasi makagalaw ng maayos, iyang buto buto mo kasi." Pang aasar ni Brian. Agad na binato ni Alex si Brian ng sapatos.
Ilang oras pa ang tinagal nila sa harapan habang nagsasayaw, at saka sila naupo at lumapit na sa amin.
" Mag live na tayo, para mamaya hindi na natin isisingit sa schedule natin." Pag aaya ni Kyle sa mga kasama namin na umiinom ng tubig.
Kinuha ni Nathan ang camera na ginagamit namin sa pagla live at saka kinuha at sinet-up ko naman ang ringlight para mas maliwanag ang aming paglalive, sinamahan din kami ng mga staff namin na maglive, sila ata ang magbabasa ng comments.
" Nandito na ang ipad, mag start na tayo, lagyan niyo nalang ng title para mas madaling makakuha ng atensiyon." Ani Kyle. Umayos na kami ng upo sa sofa, at saka kami naghintay na mag simula ang live.
Unang minuto palang ng live ay milyon na kaagad ang nanunuod saamin, hindi pa naman kami nagsisimulang magsalita pero ang dami na kaagad nanunuod.
" Hello, how are you all doing?" Kaway ni Nathan sa camera.
Tinapik naman namin ang kaniyang hita, dapat ay sabay sabay kaming babati, pero inunahan niya.
" We are here at the dance room, kakatapos magsayaw ng mga kasama namin." Paliwanag ko naman. Kinuha ko ang Ipad kay Kyle at ako na mismo ang nagbasa ng comments nila sa live namin.
Nagsalita na ang mga kasama ko, nagkukwento sila tungkol sa aming ilalabas na kanta bukas.
" Nailabas naman na ang teaser kaya alam na nila ang title." Singit ni Cody.
" Oo nga pala, may teaser pala, nakalimutan ko." Ani Timothy.
Tumawa sila sa sinabi ko nang mabasa ko ang comments nang iilang mga nagcomment sa live namin.
" Cody marry me-"
" HAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay sabay na tawa nang mga kasama ko. Halos malaglag sa upuan si Brian, si Cody naman ay nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin nang diretso sa camera.
" Seriously? I don't want to marry so early." Ani Cody habang nakahawak sa sentido niya.
" Please, I want to tell you this, Army's. Support our new song and album tomorrow, we are looking forward for that." Ngiting paalala ni Kyle sa camera.
Nag vibrate ang cellphone ko, kaya ipinasa ko ang Ipad sa mga kasama ko. Kinuha ko ang cellphone ko, at tinignan ko ang kung sinong nagmessage saakin.
Adara: Theo, where are you?
Theodore: Naka live kami, why?
Adara: I'm not fine. Wala akong kasama.
Theodore: Where are you?
Nakatingin ako sa live, halos 30 million na ang nanunuod saamin, hindi ako basta basta pwedeng umalis dito.
Adara: In my house. I'm alone.
Theodore: Baby, they need me here.
Adara: I can't walk. Pero ayos lang kung hindi ka makakarating, wala akong ibang matawagan, or maybe after your live.
Theodore: No, our live will end after 2 hours or 1. Baka hindi ka na makahintay.
Napailing ako. Umayos ako ng upo ko, handa na akong tumayo at umalis. Aalis na muna ako, kailangan niya ako.
" Kyle, kailangan ako ni Adara, may emergency." Bulong ko. Tumango naman siya kaagad.
Lumapit ako sa camera at saka ako kumaway at nagpaalam.
" Bye." Paalam ko.
Tumakbo ako palabas at kumuha ng masasakyan ko, agad akong nagdrive papunta sa bahay ni Adara, hindi ko pa pala nasabi sa kaniya kaya tatawagan ko na muna siya.
" Theo?" Sagot niya sa tawag ko.
" Kamusta ang pakiramdam mo-"
" Wala ka na sa live niyo." Malungkot na saad niya.
" I'm on my way to you, Adara. Wait for me."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanficLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...