Chapter 28

4 1 0
                                    

" Bakit nandito ka? Hindi mo ba alam na may gagawin sa building ngayon?"

Nagkuyom kaagad ang mga kamay ko sa biglaang pagpasok ni Ivor sa dressing room ni Adara, takot ding pumasok ang staff ni Adara dahil galit na galit si Ivor nang pumasok siya sa loob.

" May sinabi ka bang may gagawin?" Walang emosyong sambit ko sa kaniya.

Napamura naman siya.

" Sinabi ko kanina-"

" Kanina nandoon ako sa bahay pero wala silang sinabi saakin, ngayon na nandito ako, susundan mo ako at mang eeskandalo ka? Hindi ba dapat ang mga staff ang pagsabihan mo at hindi ako?" Mas lalong nag igting ang panga niya sa galit, hindi naman siya maaaring sumigaw at magalit dito dahil nakakahiya naman kay Adara at  sa iba pang mga taong nandito.

" Mag usap tayo sa bahay, Theodore. Sumunod ka saakin." Sambit ni Ivor at tuluyan na siyang umalis sa kwartong ito.

Agad akong nilapitan ni Adara, hinawakan niya ang aking kamay at pilit akong pinakakalma, napapailing ako sa tuwing maaalala si Ivor, nakakainis na din siya kahit kailan.

" Theo, sumama ka muna, iwan mo muna ako dito, tutal, may mga guwardiya ka naman na ipinadala, sila na muna ang bahala saakin." Mahinahong saad ni Adara sa harapan ko, tumingin ako sa kaniya, at saka siya ngumiti saakin, nawala naman nang saglit ang galit ko dahil sa ngiti niya, nakakahawa ang mga ngiti niya.

Hinigit ko ang beywang niya at saka ko hinalikan ang noo niya.

" Ako ang susundo sayo, alam ko kung anong oras ito matatapos, hintayin mo ako dito, saglit lang ako doon kay Ivor." Bilin ko sa kaniya, tumango naman siya sa sinabi ko. Nakita kong dalawa lang kaming nandito sa loob kaya agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang labi niya.

Ngumiti naman siya sa ginawa ko.

" I'll wait. Ingat ka sa pagda drive. I love you." Napangiti ako.

" I love you too."

Nagmamadali akong lumabas ng venue dahil baka may makakita saakin, mabuti na lamang at busy ang mga tao kaya hindi nila ako nakikita. Agad akong sumakay sa kotse ko, at nagmaneho papunta sa bahay namin.

" Hayaan mo nalang muna kasi siya, Ivor. Galit na galit ka nanaman." Dinig ko ang mga kagrupo ko na pinakakalma si Ivor sa loob ng bahay, napangisi naman ako.

Kahit kailan talaga ay supportive ang mga kaibigan ko.

" Hindi ko na kinakaya ang ugali ni Theodore, ano ang nangyari sa kaniya? Bakit ganoon?" Agad akong pumasok ng bahay, nakita kong may iniinom si Ivor na nakapatong sa lamesa sa sala.

Tumayo ako sa harapan niya, walang emosyon kong tinignan ang mga kaibigan ko na nag aalala para saakin.

" Wow, akala ko hindi ka susunod saakin, nasaan na ang babae mo?" Sarkastikong tanong saakin ni Ivor.

" Hindi lang basta babae ko si Adara, Ivor. Bantayan mo iyang bunganga mo." Nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko.

" Bastos ka na talaga-"

" Ilang taon na ako sa kompanya mo, ilang taon kong ginagawa ang gusto mo, at hindi kailanman sinuway ang mga iyon, ilang taon ko nang ginagawa ang makakaya ko, para makasabay sa mga kagrupo ko at makamit ang ganitong klaseng buhay kung nasaan ako ngayon, ako naman ang nabigyan ng pagkakataon na magdesisyon para sa sarili ko, para sa future ko, para sa ikasasaya ko, iisa lang, Ivor. Si Adara lang, siya lang. Iisa lang iyon pero hindi mo magawang respetuhin, hindi mo muna tignan kung saan kami aabot, hindi mo muna tignan kung kaya ba namin, hindi mo ako nirerespeto sa desisyon ko, kaya hindi kita rerespetuhin, anong gusto mo? Ikaw lang ang palaging nasusunod? Tauhan mo kami, oo, pero hindi ibig sabihin na wala na kaming karapatan para sa mga sarili namin!" Natigilan silang lahat sa sinabi ko, galit na galit ako, hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamay ko, pinipigilan ko lang dahil mamaya ay makasuntok ako, hindi pwede.

Ilang minuto pa akong tumayo doon, naghihintay kung may sasabihin ba siya o wala, pero nang malaman kong wala na siyang balak magsalita ay nagpunta na muna ako sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit ni Adara.

Sa kwarto ko.

Hanggang kailan ko ipaglalaban si Adara? Hanggang kailan nila kami matatanggap? Bakit sa mga kasamahan ko, ang bilis nilang pumayag? Bakit saakin tutol na tutol sila? Masama bang nakahanap na ako ng para saakin? Masama bang subukan ko ding magmahal?

Masama ba?

Hindi ba pwede?

Oras ang itinagal ko doon sa kwarto ni Adara bago ako nag ayos ng sarili at bumaba na para magpunta sa interview niya. Naroon pa ang mga kasamahan ko sa ibaba pero wala na si Ivor, hindi ko sila tinapunan ng pansin, at agad na akong lumabas ng bahay para magpunta sa sasakyan ko. Ayaw ko muna silang makausap, maraming bumabagabag sa utak ko, ayaw kong madagdagan.

Naghintay ako sa backstage at naupo sa upuan kung nasaan si Adara kanina. Nakasalang na siya sa interview, hindi ko alam kung kauumpisa o malapit na siyang matapos, ayaw kong magtanong sa mga staff.

" Hello, Sir. Gusto niyo po ba ng kape?" Singit na tanong saakin ng staff habang may ginagawa ako sa salamin at hawak hawak ang mga make up ni Adara.

" Iced coffee nalang, salamat."

" Noted, Sir." Ani ng staff at saka na siya umalis.

Naghintay ako hanggang sa makita kong tapos na ang interview ni Adara. Nagliligpit na ang mga staff niya, tumayo na din ako hawak ang iced coffee at saka ko hinintay si Adara na makapunta dito sa akin. Nagaalis na ng mga gamit ang mga staff, nagpa pack up na sila dahil tapos na ang kanilang trabaho dito.

" Yes, Sir. I am so overjoyed, pinaunlakan ninyo nanaman ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpunta dito para interview-hin, kaya hindi na ako nakakaramdam ng kaba." Tumatawa si  Adara habang kausap ang host na naroon kanina. Kilala ko ang host dahil nag guesting na din kami dito noon.

Napakaganda ni Adara kahit na nasa malayo.

Shit.

" Sa susunod bumalik ka ulit, ha?" Tumango si Adara.

Agad na nabaling saakin ang tingin ng host, namukhaan niya ako kaagad.

" Theodore from BTS?" Tanong niya.

Yumuko ako.

" Sir, this is Theodore Montegrande. My boyfriend."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now