" Ahh.."
Daing ko nang makagising ako sa sofa. Hindi ko namalayan na dito na ako inabutan ng antok ko kagabi dahil hindi ko mapatahan si Adara na umiyak, nang makabangon ako ay agad kong tinignan ang kalagayan niya.
" Adara, may sinat ka nalang ngayon, may mga gagawin ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya saakin.
" Pinaalam ko na sa manager ko, sinabi niya na magpahinga daw muna ako ngayon, ikaw? Hindi ba song release niyo ngayon?" Dahan dahan akong tumango sa kaniya, dinig ko ang buntong hininga niya.
" Yeah, I have to go to our company, hinahanap na nila ako doon." Pagpapa alala ko.
" Magtatawag nalang ako ng kaibigan ko para may magbantay saakin-"
" After ng live at album release namin, pupunta ako kaagad dito, itext mo saakin kung may ipapabili ka at may kailangan ka, hmm?" Hinawakan ko ang mga kamay niya, ngumiti at tumango naman siya saakin.
" Okay." Maikling tugon niya.
" Magluluto muna ako ng pagkain mo, bago ako aalis."
Dumiretso ako sa kusina niya. Pancake nalang ang iniluto ko, mas madali kasi at may kabigatan siya sa tiyan kaya kung anong oras pa makakarating ang kaibigan niya, hindi siya magugutom habang naghihintay siya. Dinamihan ko na din para may kakainin ang kaibigan niya o kung gusto niya pa ng pancake mamaya.
" Here, pancakes. Kumain ka ng marami, here's your water, your medicines, your ice pack and your dessert." Sunod sunod kong inilagay sa lamesa ang mga kailangan niya, hindi muna siya tatayo dahil baka hindi pa siya maayos.
Ngumiti siya saakin bago niya kinain ang iniluto ko.
" Thank you so much, hindi ko alam na magaling ka din pala magluto, Theodore. Kumain ka na din." Kumuha ako ng isang tinidor, at kumain na ako ng pancake.
Nathan: May damit ka na dito sa building, may ilang oras ka pa, pumunta ka na dito.
Theodore: Mamaya pa, pinaiinom ko pa siya ng gamot, hihintayin ko lang makarating ang kaibigan niya dito, para may kasama siya.
Nathan: Anong oras pa naman, sige, diyan ka muna.
Theodore: Sige. Salamat.
Tumingin ako kay Adara na nainom na ang gamot niya.
" About my friend, nasa daan na daw siya." Tumango ako. Nag ayos ako ng sarili ko, at naghahanda na akong umalis.
Kinuha ko ang mga pinagkainan niya, at saka ang mga gamot niya at tubigan.
" Adara baby, naghanda ako ng damit mo, baka gusto mong mag shower. Hot bath, ha? Hindi pwede ang cold, masama iyon." Nagtaka ako nang tumawa siya sa sinabi ko.
Humarap ako sa kaniya.
" Why are you laughing?" Tanong ko.
She giggled. Damn.
" Daig ko pa ang may Doktor sa bahay e." Naupo ako sa kama niya.
" Mag iingat kayo, ha? Magpapadala ako ng guards dito mamaya kapag naka alis na ako." Agad akong tumayo nang may narinig akong nag doorbell.
" Yes, boss." Pilyang sagot naman ni Adara.
Tumakbo ako sa labas para tignan kung sino ang nasa labas, ang kaibigan na pala ni Adara. Babae naman kaya ayos iyan.
" Theodore?" Tumango ako.
" Yes. Hello. Aalis na ako dahil nandito ka na." Saad ko sa kaniya.
Pumasok ako sa kwarto ni Adara, mag papaalam na ako.
" I'm going. Babalik ako dito mamaya, okay?" Hinalikan ko ang noo niya, napangiti naman siya sa ginawa ko.
" Thank you for today and last night. I'll wait for you, take care."
Nilingon ko ang kaibigan niya at saka ako nagbilin.
" Pakibantayan ng maayos, kapag may ginawa siyang ikagagalit ko, sabihin mo saakin kapag nakabalik na ako. Saglit lang ako at babalik ako dito kaagad, salamat." Ngumiti siya saakin.
" Ingat ka. Salamat."
Tumakbo na ako sa sasakyan ko, bumusina ako ng tatlong beses bago ako nagmaneho palabas ng bahay niya. Nasa gate palang ako ay huminto ako para matawagan muna si Adara bago ako aalis.
" Yes?" Sagot niya sa tawag ko.
" Naka alis na ako. I love you."
Nang makarating ako sa building ay naroon na silang lima, wala si Kyle? Kinuha ni Nathan ang kamay ko at saka siya may ibinigay na bag saakin, mga damit ko ito.
" Nasaan si Kyle?" Takang tanong ko sa kaniya.
" Nasa Asawa niya, nagta tantrums daw si Ayu at hinahanap si Kyle kaya umuwi muna saglit." Tumango ako, kinuha ko ang bag at saka ko binuksan ang banyo sa building, dito na ako maliligo habang wala pa si Kyle.
" Maliligo muna-"
" Kamusta pala si Adara?" Tanong ni Nathan sa akin.
" May sinat pa, kapag natapos na ako dito, babalik ako doon." Tumango siya.
Mabilisan akong naligo, at saka ako nag apply sa mga katawan ko nang kung ano ano, mabuti at dinala nila ang mga body mist ko at mga pabango ko. Sa bag ko din lang nilagay ang mga madumi kong damit. Mabuti at simpleng damit lang ang kinuha nila. Cargo pants na black at white na tshirt, at saka sapatos ko na white ulit. Hindi ako mahihirapan sa aking suot. Wala din naman kaming gagawin ngayon e, live lang.
Theodore: Baby, I'm here already.
Adara: Take care. I'll wait for you here.
Theodore: Tumawag na ako ng guards, nasa daan na sila.
Adara: Thank you.
Theodore: I love you.
Sinabihan ko ang mga guards na bumili ng bulaklak at ibigay kay Adara, para naman masiyahan siya kahit papaano. Nang makarating si Kyle ay nagsimula na kami sa live namin, magla live muna kami bago namin ire release ang kanta namin.
" Hello! We are BTS!" Bati namin nang sabay sabay sa live namin.
" Hello guys, how are you all doing?" Tanong ni Nathan sa kanila. Hawak ko naman ang Ipad para makita ko ang mga comments nila.
Adara: Are the flowers for me?
Napangiti ako sa sinabi ni Adara sa text niya.
Theodore: Yes. It's for you. Kapag nakabalik ako diyan dapat wala ka ng sakit.
Adara: I'm getting better, the flowers are so beautiful.
Theodore: Just like you.
Adara: I'm watching your live. Mag focus ka muna diyan.
Tumingin ako sa camera kung saan kami nagla live.
I love you, Adara. Bulong ko doon sa camera ko. Agad nag vibrate ang phone ko.
Adara: I love you too, Theodore.
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...