" Buntis ka?! Bakit hindi mo sinabi saaming lahat? Kahit sana saaming mga babae nalang."
Dinig kong pagtatampo ng mga babae sa harapan ni Adara, gulat din sila sa naging anunsiyo ni Adara. Akala ko nga ay alam nilang mga babae, pero hindi din pala.
" Kahapon ko din lang nalaman noong nagpacheck up ako, kaya naisipan kong isabay nalang sa announcement ni Theo, at huwag sabihin sa inyo para surprise talaga." Ngiting sambit ni Adara. I know that we did the thing many times already, pero hindi ko inaakala na sasabay niyang malalaman before our concert at hindi niya din sinabi saakin na delay siya or whatsoever.
Kanina pa ako hindi kumikibo kay Adara dahil hindi talaga ako makapaniwala. Magiging Daddy na ako, hindi man ako handa dahil hindi ko inasahan ang ganitong balita, pero nandiyan naman ang mga kasama ko para bantayan ako at turuan ako sa mga kailangang gawin para sa paghahanda sa pagpapalaki sa anak namin.
" Tignan mo, naunahan pa ni Theodore si Timothy." Naiiling na biro ni Deianira kay Cassandra na tahimik sa isang sulok, nagtaas ito ng kamay.
Tumayo siya at saka siya tumingin saamin.
" Actually, I am not feeling well this past few days din, and I think, I am pregnant? Nurse ako kaya alam ko kung buntis ba o hindi ang isang tao base sa syptoms na nararanasan niya, I bought a PT, and this is the result." Nagkumpulan kami sa harapan ni Cass habang dahan dahan niyang binubuksan ang laman ng paper bag.
Ipinakita niya ito kay Timothy.
" You're pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong ni Timothy kay Cass, tumango naman si Cassandra.
Naghiyawan ang mga babae, at saka nag apir kami ni Timothy, parehong buntis ang mga girlfriend namin.
" Wow, sabay na sabay! Marami tayong ise-celebrate, ha?" Pang aasar ni Deianira kina Adara at Cass na pareho ngang may revelation ngayong araw at gabi na ito.
Hindi ko mapigilang ngumiti.
" Theodore, kanina mo pa ako hindi kinikibo." Singit bigla ni Adara sa akin, nilingon ko siya at saka ako tumingin sa mga mata niya, nginitian niya ako, mas lalong sumaya ang puso ko sa kaniyang mga ngiti.
" Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon, Adara, kaya hindi ako makapag salita. Bakit mo ako binigla ng ganito, hindi ko alam paano ako makakatulog nito." Yumakap siya sa akin, at saka niya isiniksik ang kaniyang uluhan sa aking leeg, hinalikan ko siya.
" It's a surprise, hon. Kaya doon ko na mismo sinabi sayo." Tumango ako.
" I know, thank you for telling me and surprising me that you are carrying our child, Adara. I love you two."
Nagpahanda ang mga kasama ko, pinagsama sama namin ang mga inorder namin mula sa mga kakilala naming online stores at saka ipinadeliver sa bahay, hinanda namin sila sa lamesa at saka nagsalo salo kami para kumain na. Bukas ay may concert nanaman kami, nawala lahat ang pagod ko sa ibinalita ni Adara saakin, kahit na maghapon akong mag concert mag isa, kayang kaya ko.
" Syempre buntis na ang mga iyan, kailangan na sila ikasal." Pang aasar ni Andra sa amin nina Brian, tumawa naman si Timothy.
" Malamang na magpapakasal kami, mauuna na kami ni Cassandra, ayoko siyang maglakad na malaki pa na ang tiyan, ayos lang ba na mauna kami, Theodore at Adara?" Bumaling si Timothy saamin, tumango naman si Adara sa sinabi niya kaya pumayag na din ako.
So, may kasalan nanaman na magaganap.
" Edi mauuna na nga kami, paghahandaan ko muna kung kailan." Ani Timothy.
" Kapag naman tapos na akong manganak at nakakalakad na ang anak namin ni Theo, saka na kami magpapakasal." Nagtaas ng kamay si Deianira.
" Parang sa ginawa namin, kasama ko kaya naglakad si Ayu sa altar noon, maganda iyan." Suhestiyon niya.
Puno ng tawanan at kwentuhan ang buong sala namin, nakagawian na namin na doon na kumain dahil marami na kami at dadami pa kami sa susunod na mga taon. Nakangiti ako sa kanila habang pinagmamasdan silang magkwentuhan at magtawanan, napakasaya na may ganito kang itinuturing na pamilya kahit na hindi ko sila kadugo, napakasaya kasi tanggap ka nila at sinusuportahan ka nila sa kahit anong bagay na gusto mong gawin, kaya nakakataba ng puso, sana hindi kami magkahiwa-hiwalay, alam kong may isasaya pa kami kapag may dadagdag pa sa pamilya namin kaya maghihintay kami.
" Kahit hindi na kayo sumama sa iba pang concert, hassle lang, pero kung gusto niyong manuod, pwede naman." Ani Nathan sa mga babae, hassle na kasi syempre may mga anak na ang iba, pero may mga taga alaga naman kaya hindi naman siguro sila mahihirapan at kaya naman nila, gusto kasi nila na manuod sila ng concert namin bukas nang magkakasama.
Hinawakan ko ang kamay ni Adara.
" Hon, I love you.." Bulong niya saakin.
" I love you more, Adara." Sagot ko din sa kaniya na ikinangiti niya.
Nang matapos ang lahat na kumain ay pumasok na sila sa kani kanilang mga kwarto, dito sila matutulog, kaya pumasok na kaming dalawa ni Adara sa kwarto ko, inalalayan ko siyang maupo sa kama. Ngumiti siya saakin.
" Are you happy?"
" Wala nang mas sasaya pa sa akin ngayong gabi, Adara, ngayon na magiging Daddy na ako sa susunod na mga buwan, hindi ako makapag hintay na maging Tatay para sa anak natin." Hinalikan ko ang kaniyang mga balikat, napapikit siya sa ginawa ko.
Hinawakan niya ang aking mga braso.
" Mangako ka saakin na aalagaan natin at hindi pababayaan ang magiging anak natin, Theo." Hinarap niya saakin ang kaniyang pinky finger, tumawa naman ako ng mahina nang gawin niya iyon.
Kinuha ko nalang at saka ko tinanggap ang pinky finger lock na ginawa namin.
" I will. We will, baby. We'll take good care of our baby, we'll do our best to raise him well and be a good parent, hmm?" Tumango siya saakin.
Nagkatitigan kaming dalawa nang matagal, walang bumibitaw sa aming mga tingin.
" You did well today, Hon. Ang galing galing mong sumayaw at kumanta kanina." Hinawakan ni Adara ang aking pisngi at saka ito kinurot habang pinupuri ako.
Hinalikan ko ang labi niya bago siya hatakin sa kama at mahiga kaming dalawa. Ito na ang simula ng aming bagong buhay, bubuo na din ako ng pamilya kagaya ng isang normal na tao na walang iniingatang kung ano.
Sobrang saya ko.
" Tulog na tayo. Pakakasalan pa kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/285630733-288-k864247.jpg)
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...