Chapter 38

6 0 0
                                    

" Anong tingin niyo sa color coding namin?"

Sabay sabay kaming napahawak sa aming mga sentido nang makita ang suot ng mga babae. Nakaharap sila saaming apat, at saka sila umiikot ikot sa harapan namin habang ipinakikita ang suot suot nila.

" What the heck, baby?" Hindi makapaniwalang tanong ni Brian kay Andra. Napatawa naman ako.

" Baby, what are you wearing?" Ani Kyle.

" Love, come on, what the fuck is that?" Tanong naman ni Timothy kay Cassandra.

Tumingin ako kay Adara, siya  naman ang original na nakaisip ng kulay ng dress, kaya hindi ako nagtanong pa, bagay na bagay niya ang suot niya.

Kulay grey ang kulay ng mga dress nilang apat, pare pareho sila ng kulay, iba iba lang ang style.

" Do you like it?" Tanong ni Adara saakin, tumingin ako ulit sa kaniyang damit, at saka ako ngumiti.

" Yeah, baby. It suits you so damn fine. I love it." Puri ko sa kaniya, ang ibang kasama naman namin ay hindi parin maka move on sa suot suot ng kanilang mga babae.

" Idea ito ni Andra, sinabi niya na makipag pair kami ng damit kay Adara, kaya naman bakit ayaw mo, ha?" Medyo galit na sambit ni Cassandra sa harapan ni Timothy na nakapameywang at hindi matignan si Cassandra sa style ng damit niya, may hiwa na nga ang dress sa isang side ng legs niya, kita pa ang kaniyang beywang.

Nakaka frustrate talaga.

" Baby, it's too sexy, hindi ba sinabi ko na hindi pwede ang mga ganiyan sa-" Hinawakan ni Cass ang bibig ni Timothy.

" Love, ngayon lang, just this time." Pagmamakaawa ni Cass.

Umiling si Timothy.

" No, baby. Change it. Bumili ka ng bago."

Tumingin naman ako kay Kyle na bumubulong bulong lang sa asawa at siguro ay pinagagalitan, wala namang nagawa si Brian, kaya hinayaan niya nalang ang suot ng asawa niya. Tumatawa naman kaming dalawa ni Andara habang pinanunuod sila.

" Mamaya na ang last na practice para concert namin, bago kami magpapahinga." Anunsiyo ni Nathan, tumango sila.

Hawak hawak ko ang beywang ni Adara.

" Adara! Welcome na welcome ka na talaga sa fam namin, wohoo!" Masayang sambit ni Andra.

" Salamat!" Sambit naman ni Adara sa kakambal niya daw.

Ang bilis ng panahon, ilaw araw nalang ay concert na namin kaagad. Kaya naman nakakatuwa at nakaka niyerbos kung minsan, pero mas nangingibabaw ang excitement ko na ipakilala si Adara sa mga fans namin.

" Okay! Let's start! Para maaga kayong makauwi at makapag pahinga na!" Sigaw nanaman ni Ivor gamit ang mega phone niya, tumango nalang kami sa sinabi niya at saka na kami pumwesto para makapag umpisa na kaming sumayaw at kumanta, gabi kami ngayon nagpractice para makita kung maayos at gumagana ba ng maayos ang mga ilaw na gagamitin sa concert, pati na ang mga malalaking screen at kung ano ano pang pampaliwanag ng venue sa gaganaping concert namin.

" Army! Make some noice!" Sigaw ni Timothy kahit na wala namang tao na nanunuod, nakita kong pumapalakpak ang mga staff para kunwari ay sila muna ang audience namin.

" Put your hands in the air~"

" I need you girl, why am I inlove alone, why am I hurting alone~" Kanta ni Timothy.

" I need you girl, why do I keep needing you, when I know I'll get hurt~" Dugtong ko naman sa lyrics ni Timothy, nag apir pa kaming dalawa nang makanta naming dalawa ng maayos ang parte namin sa kanta.

Sunod sunod ang kanta namin, at ang sayaw namin, may mga breaktimes naman pero nakakahingal at nakakapagod parin, kaya naman napagod ako nang matapos at huminto ang kanta. Nanatili ako sa aking upuan habang nagpapahinga ang mga kasama ko sa kanilang mga upuan din. Ang mga babae ay naghahanda na sila para sa concert bukas, sabi nila na double announcement daw, kaya nagtaka naman ako, ano naman kaya iyon?

Nakakapagtaka.

" Wow, handang handa na kayo sa concert niyo, ano?" Tanong ni Ivor na sinang ayunan namin.

" Palagi naman kaming handa, Ivor." Ani Kyle.

" Nakahanda na ang mga sasakyan, umuwi na kayo at magpahinga na kayo." Nang sumakay kami sa sasakyan namin, may mga Army's na naghihintay sa labas ng venue, alam nila na dito kami magko-concert kaya nag aabang sila dito.

Dahil tinted ang sasakyan namin ay hindi nila kami makita mula sa loob, pero nakikita namin sila, nagbukas kami ng flashlight sa aming mga telepono, at saka namin ito iwinagayway, kaya naman makikita nila sa labas na kumakaway kami sa kanila, dinig namin ang sigawan nila nang makita nila ang flashlight namin.

" Ang dami nila sa labas, baka mahamugan sila." Alalang sambit ni Alex na may hawak ng phone at nagpopost sa kaniyang weverse account, baka paaalalahanan niya ang mga Armys na umuwi na at huwag na magstay dito sa venue dahil uuwi naman na kami.

Mabuti iyon at susunod sila para umuwi na din sila. Gabi na kasi at madilim na sa daan.

" Hello, my love." Bati saakin ni Adara nang makapasok ako sa kwarto naming dalawa.

Humalik siya sa aking mga labi.

" Hello, kumain ka na ba?" Tumango siya.

" Yeah. Inaayos ko lang itong damit ko para sa concert niyo." Nakalagay pa sa manequin ang damit na susuotin niya sa unang araw ng concert, napangiti naman ako sa sinabi niya.

Hinila ko ang beywang niya para makalapit siya saakin.

" Thank you for chosing me, salamat kasi ako ang pinili mo kaysa sa mga ibang Aktor na nakakatrabaho mo, salamat kasi minahal mo ako at minamahal mo ako hanggang ngayon, pagkatapos ng concert, pakakasalan na kita, Adara." Niyakap ko siya, ramdam ko ang kaniyang kamay sa aking likuran, niyakap niya ako pabalik.

" Ikaw lang, palagi, Theodore. Hindi ako hahanap ng iba, and also, I'm not into Actors, I prefer something cool, iyong isang gwapong idol na ang pangalan ay Theodore." Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.

Hinalikan ko ang kaniyang noo, pumikit naman siya.

" I love you always, my Adara. Pakakasalan kita, pangako ko iyan sayo." Sabi ko.

" Dapat lang na pakasalan mo ako, Theodore. Hulog na hulog na ako sayo tapos iiwan mo ako?"

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now