" I saw her with her Manager."
Paliwanag ko kay Ivor kinabukasan, kasama ko si Adara sa opisina ni Ivor. Nakayuko si Adara sa harapan ni Ivor, habang si Ivor naman ay nakasalikop ang mga kamay habang nakatingin sa aming dalawa.
" And?" Sarkastikong tanong nito saakin.
" She is abusing her, Ivor. I saw it. Muntik niya na ngang saktan si Adara." Medyo may galit na sambit ko sa harapan niya.
Bumuntong hininga si Ivor sa sinabi ko, at saka siya tumingin nang masungit kay Adara.
" What do you want me to do then? Ipasok siya dito sa atin? Alam mo naman na panay Idols, singer, at dancer lang ang ipinapasok ko dito, hindi ba?" Masungit na saad niya sa akin. Tumango ako, at saka ako tumingin kay Adara na nakatingin sa opisina ni Ivor.
" Yes? Nagawa mo nga akong ipasok sa mga drama drama na iyan, baka naman-"
" Lagi nalang nagawa mo nga akong at kung ano ano pa, Theodore. Itigil mo na." Ani Ivor sa gusto kong suhestiyon sa kaniya. Dinig ko ang buntong hininga ni Adara sa tabi ko, hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka ko siya nginitian nang pasimple.
" She's a well-known actress, Ivor. Kilala din siya sa iba't ibang bansa katulad namin, kaya kung ipapasok mo siya sa grupo natin, baka mas lalong makilala ang building natin at mas lalo kang makilala, ano sa tingin mo?" Natigilan si Ivor sa sinabi ko, at saka niya ako tinitigan, alam kong napaisip siya sa sinabi ko, kaya hindi siya kaagad nakasagot sa sinabi ko.
" And? Sa tingin mo makakahabol siya sa mga activities niya? Ang mga staff niya? Paano sila?" Sunod sunod na tanong niya.
" Theo-"
" Baby, stop." Pagpipigil ko kay Adara na magsalita.
" Looks like you two are in a relationship, huh?" Nakangising sambit saakin ni Ivor, napalunok ako at saka ako tumango.
We have to make it easy.
" Yeah, she's my girlfriend, at kung hindi mo siya tatanggapin sa entertainment mo, ako mismo ang aalis." Nanlaki ang mata ni Ivor sa sinabi ko, kumuyom ang mga kamao niya habang nakatitig saakin, napangisi ako sa naging reaksiyon niya.
" How dare you scare me, Theodore?" Nanggagalaiti na tanong niya saakin.
Kinuha ko ang kamay ni Adara, at saka ko siya nilingon bago kami umalis.
" Doon siya matutulog sa bahay. Tatawag ako ng abogado para kasuhan ang dati niyang manager, pag isipan mong mabuti ang sinabi ko, Ivor. Aalis na kami."
Hawak hawak ko ang kamay ni Adara habang naglalakad kami palabas ng opisina ni Ivor. Tahimik siyang naglalakad, tumigil ako at saka ko siya tinignan.
" Baby, why are you so quite?" Tanong ko.
" I'm scared." Maikling saad niya.
" You don't have to. I'm here. Ilipat mo ang mga gusto mong dalhing gamit sa bahay namin, hahanap ako ng abogado para sa manager mo, okay?" Tumango siya sa akin, at saka siya ngumiti.
" Sir, any help?" Tanong saakin ng staff habang naglalakad kami.
" Kailangan ko ng mga staff na tutulong kay Adara kumuha ng mga gamit niya, mamaya pa naman, tatawagin ko nalang kayo." Ani ko. Ngumiti ang staff sa akin, nang magtama ang mga mata nila ni Adara ay ngumiti ito at saka kumaway, ganoon din ang ginawa ni Adara.
My baby is so damn cute. Fuck it.
Nadatnan namin sina Kyle sa dance room, naroon silang anim, agad naming napukaw ang atensiyon nila nang makapasok kami doon, kumuha ako ng upuan at pinaupo ko siya doon. Ngumiti naman siya saakin.
" Siya ba talaga si Adara?" Hinila ako ni Brian sa isang sulok.
Tumingin muna ako kay Adara na tahimik na nakaupo at saka ako ngumiti.
" Oo, bakit?" Tanong ko.
" Ipinakilala mo talaga siya kay Ivor? Anong sinabi?" Ngumisi ako.
" Tumawag ako ng abogado, kakasuhan ko ang manager niya, dito na siya magta trabaho sa entertainment natin." Napahawak siya sa bibig niya sa ibinalita ko, tumatawa naman akong tinitignan ang mga reaksiyon nila.
" Talaga? Ganoon ka kalakas? Theodore?" Tanong naman ni Cody, tumango naman ako.
" Wala siyang ibang magagawa. She's a well known actress after all, it will be a big time for Ivor." Paliwanag ko sa kanila, tumango at nagkibit balikat naman sila sa sinabi ko.
Tinignan nila si Adara na nakaupo at inaayos ang kaniyang mukha, naglalagay siya ng make up at inaayos ang kaniyang sarili. Dahan dahan silang naglakad papalapit kay Adara.
" Hi." Nahihiyang bati ni Brian. Agad na tumayo si Adara at saka siya ngumiti sa mga kasama ko.
Nakipag kamayan sila kay Adara.
" Hello, nice meeting you all. Ngayon ko lang kayo nakita nang malapitan." Nahihiyang sambit ni Adara sa kanila. Tumawa naman ang mga kasama ko habang nakatingin sa kaniya.
Nakasalikop ang mga braso ko, at saka ko siya pinagmasdan kasama ang mga kasama ko. Nakangiti ako sa kanilang pito habang nag uusap usap sila.
" Ngayon ka din lang namin nakita nang ganitong kalapit at katagal, kamusta ka naman? Nabalitaan namin na sinasaktan ka ng manager mo?" Tanong ni Kyle kay Adara, lumingon si Adara saakin, ngumiti naman ako at saka ako tumango sa kaniya.
Panunuorin ko muna silang kasama si Adara, ako naman mamaya.
" Oo, nagkataon na nakita ni Theodore kahapon, kaya balak naming magkaso sa kaniya. Matagal na din akong nananahimik sa ginagawa niya saakin, kaya ngayon ay magsasampa na ako ng kaso." Nakangiting pag kukwento ni Adara sa kanila, tumatango tango naman ang mga kasama ko.
Namataan ng mata ko si Timothy na nasa likod lang at nakikinig, nagtama ang mata naming dalawa, natawa ako nang mag thumbs up siya sa akin nang pasimple at patago, at saka siya sumenyas.
" Okay." Aniya. Pahiwatig na okay sa kaniya si Adara at sa iba naming kasama, ngumiti naman ako at saka nag thumbs up pabalik sa kaniya.
" Salamat." Senyas ko din pabalik dito.
" Mabuti iyon. May mga magagaling kaming mga abogado, baka matulungan ka namin, at kung sakaling matutuloy na dito ka na magta trabaho at magiging artista ka sa aming entertainment, welcome na welcome ka dito." Ani Nathan, niyakap naman ni Adara si Nathan, at saka sila nag ngitiang dalawa.
Umubo ako nang kaunti.
" That's mine. Move."

YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
Hayran KurguLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...