Chapter 26

6 1 0
                                    

" Here, careful, baby."

Hawak hawak ko ang ibang bagahe ni Adara papasok sa kwarto ko, makikitulog nalang muna siguro ako sa mga kasamahan ko, para mag isa niya dito sa kwarto ko.

" Inalis ko na ang mga make up ko dito sa cabinets, ilagay mo muna ang sayo diyan." Tinuro ko ang cabinet ko, at ipinakita na wala na itong laman, tumango naman siya sa sinabi ko, dalawang maleta ang dala niya, babalik nalang daw siya sa bahay niya kapag may kailangan pa siyang kunin doon.

Nilibot niya ang kabuuan ng kwarto ko, kahit sa banyo ay tinanggal ko muna ang mga ginagamit ko doon, inayos ko talaga ang kwarto ko, dahil alam kong dito matutulog si Adara.

" Your room is nice, Theo." Puri niya sa kwarto ko.

" Really?" Tanong ko.

" Yeah."

" Alam mo bang ako ang may pinakamakalat na kwarto sa aming pito?" Tanong ko dito, hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin, at saka niya ako nilapitan.

" Talaga? E maayos naman ang kwarto mo, anong problema dito?" Aniya.

" Maayos lang ngayon dahil alam kong dito ka titira, kaya ipinalinis ko." Tumawa siya sa sinabi ko.

Tinulungan ko siyang iayos ang mga gamit niya, damit, make ups, at kung ano ano pa ang inayos namin, kaya naman nakaramdam ako ng pagod nang kaunti. Mabuti nga at iyan pa lang ang dinala niya, sa susunod na araw ay babalik pa siya sa bahay niya.

" May gusto ka bang kainin? Baka kaya kong iluto o kaya pwedeng magpa deliver nalang tayo." Pag aaya ko sa kaniyang kumain, nadatnan kong nakatingin siya sa bintana at sinisilip niya ang kung ano sa labas nito.

Naglakad ako palapit sa kaniya.

" Mag order nalang, nakakahiya naman at sinamahan mo pa akong mag ayos ng gamit ko." Nahihiyang sambit niya sa akin, ngumisi naman ako at saka ko tinignan ang kabuuan ng kwarto ko, halata mo ngang may babae na natutulog dito, amoy palang.

Naglakad ako sa side table ko, at kinuha doon ang cellphone ko, mag oorder na ako.

" Here. Mag order ka muna bago ako, tapos magpahinga ka muna." Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko, at saka niya ito tinanggap. Pumili siya ng makakain niya at saka niya ito pinindot, nang matapos ay ibinigay niya pabalik saakin ang telepono ko.

" Maglilinis muna ako ng katawan ko." Paalam niya.

Tumango ako.

" Sure. Tatawagin nalang kita mamaya. Bababa muna ako."

Bumaba at iniwan ko muna si Adara sa kwarto ko, para magkaroon siya ng katahimikan doon at hindi siya makaramdam ng hiya. Naglalakad palang ako sa hagdan ay sinalubong na ako ni Nathan na may hawak na calling card.

" Theodore, ito iyong number ng abogado natin, ibinigay saakin ni Ivor ito." Tinignan ko ang inaabot niya bago ko ito kunin sa kamay niya.

Atty. Suarez.

" Salamat, ha? Tatawagan ko ito mamaya." Ani ko.

Nagdiretso ako sa labas ng bahay at saka ko nilabas ang calling card na nakuha ko mula kay Nathan.

" Hello? Is this Attorney Janice Suarez?" Sambit ko nang tanggapin nila ang tawag ko.

" Yes, this is Attorney Janice Suarez, how can I help you?" Tanong niya pabalik sa akin.

Abogado namin ito, kaya lang hindi niya ako nakilala dahil sa tuwing tatawag kami sa kaniya, ang numero ni Ivor ang ginagamit namin.

" This is Theodore. Theodore Montegrande." Pagpapakilala ko.

" Oh, you are one of the BTS members, right?" Tumango ako kahit na sa telepono ko lang siya kausap.

" Yeah." Maikling tugon ko.

" How can I help you?"

" I want to meet you tomorrow. I want to discuss something with you. May kakasuhan sana ako."

Pumasok ako sa loob ng bahay nang makapag usap na kami ni Ms. Suarez, mabilis naman siyang kausap at nakapag sched na kami ng araw kung kailan kami magkikita at mag uusap para sa kaso na gusto kong ipataw sa manager ni Adara.

" Baby? Are you done?" Katok ko sa pintuan ng kwarto niya.

" Not yet. Malapit na." Sigaw niya pabalik.

Sakto naman na nag doorbell na ang delivery man kaya naman bumaba akong muli sa hagdan, at saka ko sinalubong ang order naming dalawa. Agad akong nagbayad, at saka inabot ang mga pagkain namin. Inilapag ko iyon sa lamesa, wala naman ang mga kasama ko, nasa kwarto sila, kaya walang gagalaw niyon.

Inihanda ko ang pagkain namin, at saka ko hinintay si Adara na makababa ng kwarto niya. Naupo ako sa lamesa kasama ang mga pagkain habang naghihintay sa kaniya.

" I'm sorry, napag hintay na kita." Mahinahong saad niya sa harapan ko nang makababa na siya.

Umiling naman ako.

" It's fine with me. Come on, kumain na tayo." Tinignan ko ang kaniyang suot, naka dress siya na kulay puti, at naka sandals lang, napaka simple, walang arte, kumbaga.

" Natawagan ko na ang abogado namin, paniguradong makukulong ang manager mo, Adara." Pagsisimula kong magkwento sa kaniya.

Natigil naman siya sa pagsubo niya sa pagkain niya.

" Ayaw ko sanang gawin ito, kasi napamahal na saakin ang manager ko-"

" Kahit na napamahal na siya sayo, Adara, kung sinasaktan ka niya, kailangan mong lumayo, okay? Magkakaroon ka ng trauma kapag kasa kasama mo parin iyan sa susunod na mga taon, kaya gagawin natin ito, trust me." Hinawakan ko ang kamay niya, tinignan niya naman ito at tumango siya sa akin.

Pinagmamasdan ko siyang kumain, bakas sa mukha niya ang pag aalala, pero mas nag aalala ako sa kaniya, hindi ko lang ipinakikita sa kaniya.

" Bukas nandito ang abogado namin, kasama ang ilang Pulisya, sabihin mo sa kanila ang ginagawa sayo ng manager mo, para malaman nila kung anong parusa ang ibibigay nila sa kaniya, okay?"

" Yeah. Thank you for doing this, Theodore. Matagal ko na ding balak na ireport siya kaya lang, wala akong lakas ng loob dahil takot ako sa kaniya." Nag igting ang panga ko sa sinabi niya, kumuyom ang kamay kong nakatago sa ilalim ng mesa.

Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit na naiinis at galit na galit ako sa mga pinagsasasabi niya saakin ngayon dahil sa manager niya.

" I'll do anything to sue her, baby. I don't want anyone hurting you."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now