" Base sa paliwanag niya, pwede natin siyang kasuhan ng Violence, at Abuse."
Paliwanag saakin ni Ms. Suarez habang nakatingin sa akin, hawak hawak ko ang kamay ni Adara, nagkausap na sila ng abogado ko, kaya naman nandito siya sa aking tabi.
" Kapag sana tinanggap ng korte ang kasong ipapataw sa kaniya, ayaw kong makukuha sa pera at bayad ang pagkakalaya niya ng ilang araw o linggo lang." Matigas na bilin ko sa mga Pulisya na kasama ni Ms. Suarez, napalunok ito sa sinabi ko, bago niya ako tinanguan.
Tumayo ang mga Pulis at saka nagpaalam na doon na muna sa labas maghihintay.
" Here, Ms. Laudencio, pirmahan mo po dito para maumpisahan na at magkaroon tayo nang katibayan na gusto mong kasuhan ang manager mo." Ngumiti si Adara sa Attorney at saka niya malugod na tinanggap ang ballpen at papel, at saka siya nagpirma doon.
" Thank you so much, Atty." Ani Adara at nakipag kamay kay Atty. Suarez. Tumayo naman na si Ms. Suarez at saka nakipag kamayan din saakin.
Ngumiti ako at tinanggap iyon.
" Thank you, Ms. Suarez. I hope we finish this." Ngumiti siya.
" We will, Theodore. I gotta go." Paalam niya.
Nang makaalis si Ms. Suarez ay agad kong tinignan si Adara na nakayakap sa kaniyang sarili, ngumisi naman ako bago ko siya lapitan at yakapin. Hinalikan ko din ang kaniyang noo.
" Thank you, for this." Aniya.
" I love you. Your staff told me that you are having an interview, so go and fix yourself, I'll call your make up artist and wardrobe." Ngumiti siya sa sinabi ko, inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa hagdan lang, at saka ako naglakad palabas para tawagin ang mga staff niya na nasa labas at nagtayo pa ng tent.
Nadatnan ko silang nag aayos ng mga damit at make up na gagamitin ni Adara.
" Hello, pwede na kayong umakyat doon sa kwarto ko, hinihintay na kayo ni Adara doon." Lumapit din ang mga staff namin at saka itinuro at sinamahan sila sa kwarto kung nasaan si Adara, may mga damit silang dala paakyat, at isang maleta na puno ng mga make up.
Nagtayo muna ng tent ang mga staff ni Adara sa labas, pero naghanap na ako ng hotel na malapit dito sa bahay namin para kapag pupuntahan nila si Adara ay malapit lang at hindi hassle para sa kanila. Habang inaayusan nila si Adara sa itaas ay nakisama muna ako sa mga kasamahan ko na nagkukwentuhan sa sala.
Naupo ako sa tabi ni Brian, nakipag fists bump siya sa akin.
" Kamusta ang kaso?" Tanong nila sa akin. Saglit na nabaling saakin ang atensiyon nilang anim.
" Nagpirma na si Adara, mag uumpisa na sila mamaya o bukas. Babalitaan ako ni Ms. Suarez." Balita ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin, natahimik sila.
" Sigurado ka na ba kay Adara?" Tanong ni Cody sa akin.
Nagtaas ako ng kilay.
" Bakit mo itinatanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
" You know? Nagiging mabait ka na sa kaniya, kayo na ba? May relasyon na ba kayo?" Tumango ako, bago kinuha ang kinakain ni Brian.
" Yes." Nagtaas lang ng kilay si Cody sa sinagot ko.
Nagkibit balikat naman ang ibang kasama ko, wala naman din silang magagawa kung kami o walang kami ni Adara. Nasa akin parin ang huling halakhak, kidding.
" May interview siya, hindi ba?" Tanong ni Nathan.
" Oo, hindi ko alam kung saan at sino ang makakausap niya, may alam ka ba?" Nagkibit balikat si Nathan sa sinabi ko, kaya naman alam kong hindi niya din alam.
" Ako ang maghahatid sa kaniya, babalik ako kaagad kapag naihatid ko na siya." Bilin ko sa kanila.
" Will you chose her over your career? Just like Kyle, Brian, and Timothy did, Theodore?" Natigilan ako sa tanong ni Alex na kanina pa tahimik sa gilid, akala ko ay hindi siya nakikinig sa usapan namin dahil busy siyang kumain at manuod sa telepono niya.
Tinignan ko si Alex na nakatingin din pala saakin.
" I will, Alex. Sa tingin ko, matagal na ang pinagsamahan nating pito, kaya oras naman siguro para piliin ko ang taong mahal ko this time, iiyak ka ba kapag aalis ako?" Pabiro ko siyang tinanong sa huling parte ng sagot ko sa kaniya, ngumisi naman siya sa akin, at saka siya nagkibit balikat.
" Hindi ko alam, depende kung tatanggapin ka ni Ivor pabalik, hindi ako magsasayang ng luha ko, mahal ang luha ko para lang ibuhos sayo." Ani Alex.
" Wala kasing babae." Pang aasar ko sa kaniya.
Tumayo na ako para magpaalam sa kanila, aalis na ako, kailangan ko ding magpalit para naman mukha akong presentable kahit na driver lang ako ni Adara ngayong araw na ito.
" Sir, tapos na po si Ma'am Adara, lalabas na po siya maya maya." Sambit saakin ng staff ni Adara na nakasalubong kong naglalakad pababa sa hagdan, yumuko ako bilang paggalang sa sinabi niya.
" Thank you." Ani ko.
Pumasok ako sa kwarto ni Brian kung saan naroon ang mga gamit ko, dito na muna ako matutulog, baka kasi ayaw ako ni Adara doon sa kwarto kung nasaan siya, kaya dito na muna ako. Agad akong naglinis ng katawan at nag ayos ng sarili ko, at saka ko kinuha ang susi ng aking sasakyan, at saka ko kinatok si Adara sa kuwarto.
" Theodore, look.." Umikot siya sa harapan ko, at ipinakita ang suot niyang kulay pulang dress, at ang kulay pula niya ding heels sa harapan ko.
Napatawa ako sa ginawa niyang pag ikot.
" Wow, you're pretty, baby." Puri ko sa kaniya. Kinuha niya ang bag niya at ang telepono niya at saka na kami naglakad pababa sa sala.
Hawak ko ang beywang niya habang naglalakad kami pababa. Kita ko ang titig saamin ng mga staff niya, staff namin, at ng mga kasama ko na naririnig kong nagbubulungan, pinagti tripan nanaman ako ng mga ito kahit na nasa harapan ko si Adara.
" Aalis na kami." Nahihiyang sambit ni Adara sa mga kasama ko.
" Ingat kayo, Adara." Ani Brian. Nauna nang naglakad si Adara palabas ng bahay, agad kong tinignan ng masama ang mga kasamahan ko.
" Ang ganda niya, Theodore. Jackpot."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...