Chapter 13

3 2 0
                                    

" This is too many, bumili tayo ng lalagyan nila."

Ani ko nang makalabas kami sa beach dala dala ang mga seashells na nakuha niya. Masyadong marami, kinuha niya lahat, at ngayon, wala kaming lalagyan, baka kasi makilala kami kapag humingi kami doon sa kubo kubo.

" I'm sorry, nadumihan at amoy dagat na ang panyo mo, I just can't help it, I really love seashells, kaya hindi ko sila maiwan doon." Sumimangot ang mukha niya sa sinabi niya.

Tumawa naman ako.

" Adara, I find it cute. You're so adorable while picking up those shells from the sea."  She giggled from what I said. Tinitigan ko ang mukha niya, napakaganda, siguro ay isa siyang sirena noon, kaya mahal na mahal niya ang seashells?

Kidding.

" Since I was little, hilig ko na talaga ang seashells, everytime na magpupunta kami sa beach, maraming lalagyan ang dala dala ko, para marami din akong huhulihin." Pagku kwento niya, ngumiti naman ako.

" So, you have your seashells collection?" Takang tanong ko, tumango naman siya kaya manghang mangha ako.

" Yeah. Pero pine-preserve ko muna siya, para mawala ang amoy dagat, at saka manatili yung color niya, kapag kasi ang shells, namatay, nagiging color white nalang ang color ng shells nila, pero kapag may nailalagay kang gamot, hindi siya nawawala, iyon ang ginagawa ko sa kanila." Napabilog ang bibig ko sa paliwanag niya, magastos ata ang ganoon, sa pagkaka alam ko.

" May mga nakuha ka na bang rare na mga shells? Nakatago ba sila?" Tumango siya, iyong tango na excited siya, tapos malawak ang ngiti niya.

" Yes. Madami, ipapakita ko sayo kapag may oras ka-"

" Pwede naman ngayon na." Saad ko. Lumawak ang ngiti niya sa harapan ko.

" Really?" She giggled.

" Yes."

" Yes! Okay! Copy!" Aniya.

Tinuro niya saakin kung nasaan ang bahay niya. Malaki ang bahay niya, may mga guards pa sa labas. Maliwanag ang labas niya at automatic ang gate niya. Agad akong nagpark sa harapan, aalis din kasi ako kaagad kaya dito na ako nagpark.

" Welcome-"

" Teka, may tao ba diyan?" Kabadong tanong ko.

" Wala naman. Ako lang mag isa dito." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pumasok kaming dalawa sa loob, agad na bumukas ang mga ilaw mag isa nang mabuksan ang pintuan, nakita ko ang kabuuan ng bahay niya.

" Your house is so cool, ang unique naman." Puri ko. Tinignan ko ang mga gamit niya, mukhang mamahalin ang mga furnitures, at saka simple at eleganteng tignan ang bahay niya mula sa pintuan, maganda din ang ilaw at chandeliers niya.

" Really? You think my house is cool?" Tumango ako.

" Yeah-"

" Punta na tayo sa kwarto kung saan nandoon ang mga shells?" Hindi na ako nakasagot nang hilahin niya na ako pataas sa bahay niya. Dalawa ang hagdan at magkasalubong, marami ding steps ang magagawa mo dito, kaya naman nakakapagod.

Nakita ko ang kusina niya, malaki, at maraming gamit, kumpleto siya sa gamit, lalo na ang mga gamit sa pagbi bake, siguro ay hilig niya din iyon.

" Here. Ta-da!" Tumawa ako sa ginawa niya. Nang pumasok ako ay nakita ko kaagad ang mga shelves na may mga iba't ibang seashells. Iba iba ang kulay nila, ang laki, at texture nila. Lumapit ako sa mga shelf at tinignan sila isa isa. Magaganda nga ang mga ito, at bawat shells ay may mga pangalan, base sa uri nila.

" Gaano ka na katagal nagcocollect ng shells?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga shells niya.

" 16. Nag start na ako, hanggang ngayon, iyong iba diyan, galing pa sa ibang bansa kung saan kami nag beach noon." Humarap ako sa kaniya.

" Wow. So all this time, nagcocollect ka parin, ilang seashells na ang nandito sa kwartong ito?" Tanong ko.

" I don't know. I lost count. Hindi ko na nabilang kung ilan na sila. Basta marami, ayos na ako doon." Sabay kaming tumawa sa sinabi niya. Halos shelves lang ang nandito sa kwarto, panay shells lang. Infairness, hindi nga talaga siya maamoy, hindi na amoy dagat ang amoy nila, patay na ang mga shells, pero buhay na buhay parin ang color niya.

" May idadagdag ka pang shells, may nakuha ka kanina at marami rami iyon, you want me to buy you an extra shelves for your shells?" Lumapit siya saakin, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, umiling naman siya.

" Hindi na, nakakahiya naman-"

" Nah, Adara. If you have time, mamili tayo, para mas marami ka pang mailagay, okay?" Nag thumbs up siya saakin at saka siya ngumiti, inaya niya akong bumaba kaya sumunod na ako sa kaniya.

Nakakatakot din na makasira doon, mabilis nalang kasi mabasag ang shells kapag patay na sila, kaya kapag nakalaglag ka doon, basag na kaagad. Paano kaya kapag may lindol, ano? Edi basag sila lahat?

Kidding.

Nang makababa kami ay inabutan niya ako ng juice at cupcakes, iba pa ang naka box at iba pa ang nakalagay sa plato kaya nagtaka ako.

" Para saan ang box na ito?" Tanong ko sa kaniya.

" Itong cupcakes na naka box, iyan ang iuuwi mo, tapos itong nasa plato, you can taste it. Ako ang nagbake niyan." Ngiting saad niya. Agad kong tinikman ang isang pirasong cupcake, hindi naman ako nagpakita ng reaksiyon ko muna.

" Masarap ba?" Alalang tanong niya.

" It's good, Adara. Sabi ko na nga ba mahilig kang mag bake e." Ani ko.

" Paano mo naman nasabi?" Tanong niya.

Tinuro ko ang kusina niya na sagana sa mga baking equipments, at saka ako muling humarap sa kaniya.

" Kumpleto ang baking equipments mo, kaya alam ko na nagbi bake ka. Halatang halata naman." Kinuha ko pa ang isang cupcake at saka ko kinain, tatlo lang ang nasa plato, at malapit ko na silang maubos.

Umupo si Adara sa tabi ko, at saka niya ako tinignan na ubusin ang cupcake na ginawa niya.

" Theo, pwede bang samahan mo akong magbake sa susunod?" Tinaasan ko siya ng kilay.

" Wala ka bang ibang kasama?-"

" Wala na kasi si Mom, dati rati, kaming dalawa ang nagluluto, pero noong nawala siya, bihira nalang akong mag bake." Biglang lumungkot ang itsura niya, kaya hinawakan ko ang mga kamay niya.

" Let's bake then."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now