Chapter 05

8 5 0
                                    

" I don't know if it's like that, Brian."

Nakasimangot na sambit ni Timothy sa harapan ni Brian na naka posing sa harapan. Tumatawa nanaman ang mga kasamahan namin sa gilid.

" Maganda naman e. Sexy nga lang, baka magalit ang asawa mo." Nagtawanan kami sa sinabi ni Alex sa gilid namin.

Kumukuha kasi kami ng ipopose na iaupdate sa mga fans namin, kaya naman naguunahan kami sa pagpopost. Nauna naming kinuhanan ng litrato si Brian.

" Maganda naman kahit iyong mga stolen photos nalang, babatukan ka noon ni Andra." Nagtaas ng kamay si Cody, kaya bumaling kami sa kaniya.

" Kapag babatukan ni Andra si Brian, aanakan niya nanaman iyon." Nalaglag sa upuan niya si Nathan na tawang tawa sa sinabi ni Cody.

Nang matapos na kaming kumuha ng aming mga litrato ay bumalik na ako sa aking kwarto, may gagawin ako. Sinara ko ang aking pintuan, binuksan ko ang aking TV at saka ako nagpatugtog gamit ang HDMI ng jazz music, at saka na ako nag ayos ng gamit ko para bukas.

May practice kami at photoshoot. Magiisip din kami ng speech namin para sa pagpunta namin sa white house. Sumasabay ako sa tugtugin habang nag eempake ako ng mga gamit ko, sumasayaw sayaw pa ako habang nagtutupi.

Bumaling ako sa cellphone ko nang tumunog siya, kaya lumapit ako para hatakin sa cable ang phone ko.

" Theo.." Nangunot ang noo ko sa boses ng babaeng kausap ko.

Si Adara naman ang kausap ko, pero bakit ganito ang boses niya?

Lasing?

" Hello? Adara? Are you  okay? Where are you?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

" I'm tipsy. And I'm alone. I can't drive." Napalunok ako. Agad akong nagbihis ng damit ko, iyong hindi ako mamumukhaan ng mga tao. Kinuha ko ang susi ng isang kotse na ginagamit lang for emergency, at saka ako pumunta sa back door at doon ako lumabas.

Tulog na din siguro ang mga staff kaya naman hindi na nila malalaman ang pag alis ko.

" I'm going, Tali. Wait for me." Pinatay ko ang tawag.

Dali dali akong nagmaneho at pinuntahan kung nasaan si Adara. Lasing siya at wala daw siyang kasama, baka tumakas din siya sa mga guards niya para mag inom, at para narin makatakas siya gawain niya. Ilang minuto lang ay nakarating na ako, masyado akong mabilis magmaneho, at nagmamadali ako, kaya naman mabilis akong nakarating sa kaniya.

Nakita ko siyang nakaupo at halos nakapikit na sa inuupuan niya. Agad akong lumapit.

" Adara, I'm here-"

" Theo." Hinila niya ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako kaagad.

Tinaas ko ang aking mga kamay para hindi ko siya mahawakan sa kung saan man ako didikit at kung saan man didikit ang kamay ko sa katawan niya.

" Adara, just tell me where's your condo unit or your house, ihahatid na kita doon." Tumingin siya saakin, tumayo siya at saka niya kinuha ang bag niya.

" Malapit lang ang condo ko dito, naroon din naghihintay ang mga staff ko saakin, kanina pa nila ako hinihintay." Tumatawa siya habang sinasabi iyon saakin, napapailing nalang ako sa sinasabi niya.

Kinuha ko ang bitbit niya at saka ko hinila ang kamay niya. Nakakalakad naman siya ng maayos, umaalalay lang ako sa likod niya.

" May kotse ka bang dala?" Tanong ko.

" Wala. I'm sorry." Napailing ako. Hinila ko siya sa kotse ko, pinagbuksan ko siya ng pintuan, at saka na ako nag drive kung nasaan ang condo niya.

Nakasandal siya sa upuan niya at nakapikit.

" Bakit ka umalis mag isa? Baka mamaya ay makilala ka ng mga tao, paano kung dumugin ka? Wala ka ding mga bantay." She pouted, halos mamula ang mukha ko sa ginawa niya sa harapan ko.

Napakagat ako sa aking labi.

" Gusto ko lang umalis, napagod kasi ako mag photoshoot, nagpapaalam ako na iinom pero hindi nila ako pinayagan, kaya tumakas ako. Ngayon, hinahanap na nila ako doon, baka nga galit na galit na ang manager ko sa akin e." Mahabang saad niya sa harapan ko, tumingin ako sa kaniya at saka siya ngumiti saakin.

Iba parin pala kapag nasa tabi mo at harapan mo siya, ang puti niya, ang kinis ng balat niya, lalo na ang mukha niya, makapal ang pilik mata, at kulay pula ang labi niya, matangos din ang ilong niya. Mahaba at medyo may kakapalan ang buhok niya na kulay itim at may highlight na kulay gold.

" Paano ka papasok bukas? Bakit ka kasi, damn it." Napapailing nalang ako habang nakikita siyang nakasandal sa upuan at pipikit pikit na ang kaniyang mga mata.

Nang makadating at makapag park ako sa condo kung saan siya nakatira ay agad akong tumingin sa kaniya at saka ko siya hinarap.

" I don't know, bahala na bukas. Sorry kung ikaw ang tinawagan ko, wala akong ibang kilala na matatawagan e." Paghingi niya ng tawad saakin, nakatulala lang ako sa mukha niya, ang ganda niya.

Sobra.

Sobrang ganda niya.

" It's fine. Here's my number. Mabuti at online ako kanina. Kapag may problema ka, you can call me, always." Inilagay ko sa loob ng bag niya ang contact number ko, at saka ko ito inayos at isinara.

Nakita kong may mga nagkalat na guards sa labas ng condo kung saan siya tumitira.

" Thank you, Theo. So much, I'm sorry. I'm sorry. Sorry." Nakayuko siya sa harapan ko, sa pagkakataong iyon ay hinawakan ko ang baba niya at saka ko pinagpantay ang mga tingin namin sa isa't isa.

Nakatitig siya sa mga mata ko, ganoon din ako.

" No, no, you don't have to. Ganiyan din ako minsan. Tumatakas, pero sa susunod, huwag kang aalis mag isa, o kung aalis ka man, magpapa alam ka, or you can call me if you want to drink, para hindi ka magkakaroon ng problema kapag makita at dumugin ka ng tao. Mahirap na, babae ka at mag isa mo, baka may humila sayo sa daan." Binuksan niya ang bintana ng kotse ko, at saka siya tuminging muli saakin.

" Dito na ako, nandito na din ang mga guards ko, baka makita ka nila. Salamat kasi hinatid mo ako, sorry sa abala." Agad akong nagtakip ng mukha nang nagtama ang mata namin ng isang guard niya.

" Ma'am, sino po ang kasama niyo?"

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now