" Make some noice!!"
Sigaw ni Timothy sa mga audience nang lumabas kami sa backstage. Tumatalon talon na kami kaagad kahit hindi pa kami nakakasimula sa concert namin.
" Wohooo!" Sigaw ni Nathan sa audience, naka shades siya kahit na gabi naman.
Pero kasama sa damit iyan, kaya fashion iyan.
" Let me hear you scream, Army's!" Sigaw ni Brian sa mga audience. Dumadagundong ang buong venue, ramdam na ramdam ko ang dagundong niyon, at saka malikot na din ang buong lights sa stage, pinagana na din nila ang mga malalaking screens.
Agad kaming kumanta at sumayaw nang magsimula ang tugtog para sa unang kanta namin. Sunod sunod na nagfanchant ang mga fans namin. Mas lalo kaming ginanahan.
" Brian, iyong earrings mo." Pinulot ko ang nalaglag na hikaw ni Brian at saka ko ito ibinigay sa kaniya. Kinuha niya naman ito saakin, at saka niya tinapik ang aking likuran.
" I need you girl~" Panghuling sambit ni Timothy bago namatay ang mga ilaw at saka kami pumasok sa backstage para magpalit.
Mabilisan kaming nagpalit, hindi na nga kami naayusan ang mga staff at naayos ang aming mga make up, bigla nalang kaming umalis at bumukas kaagad ang stage, kaya naman tumakbo na kami papasok sa stage ulit. Bumukas ang mga ilaw, kaya naman pahayag na kailangan na naming magbigay ng speech.
" Hello, Army's! Nice to meet you again after 2 years!" Sigaw ni Kyle, nagwagayway ang kanilang mga lightstick at saka nila sinigaw ang aming mga pangalan.
" We are here again, nagsama sama nanaman tayong lahat para magkita kita at magsama sama. Nandito kami ulit para pasayahin kayo, at bigyan kayo ng magandang gabi na hinding hindi niyo makakalimutan." Ani Kyle. Yumuko siya sa mga tao, at saka siya ngumiti.
" Yes, tama iyan, Kyle. Nandito nanaman kami sa harapan ninyo para bigyan kayo ng magandang memory na hindi niyo makakalimutan sa buong buhay ninyo, alam naming hindi niyo makakalimutan ang araw na ito at ganoon din kami, hindi ba, Brian?" Tanong ko kay Brian, nagulat naman si Brian sa biglaang pagtawag ko sa kaniya.
Umingay ang buong venue nang makita nila ang nagulat na si Brian. Napapailing naman si Brian habang naglalakad na papalapit sa amin at saka naghahanda na siyang magsalita.
" Armys?" Pambibitin ni Brian, agad na naghiyawan ang mga tao.
" Wohooo!" Sigaw nila.
" Magiging masaya ang ating pagsasama ngayong gabi, sisiguraduhin naming magiging memorable ang ating pagsasama kahit na kaunting oras lang ang gugugulin natin para sa araw na ito, pero wala tayong sasayangin na oras kaya, ano pa ang hinihintay natin?" Nagtawanan kaming pito nang tignan kami ni Brian.
At sabay sabay kaming sumigaw bago namatay ang mga ilaw.
" Let's start!"
Masaya ang naging concert namin, masyadong nakakapagod, nakailang tubig na din ako sa sobrang pagod ko, hindi naman pwedeng kumain, kahit na nagugutom ka na. Basang basa na din ang towel ko, kaya nagpakuha na ako ng isa pang bagong tuwalya na magagamit ko. Nakita ko si Adara na inaayusan, lumapit ako sa kaniya at saka hinalikan ang labi niya.
" See you there. I love you."
" I love you too."
Bumalik kami sa stage after namin magbihis nang panghuli naming damit para sa araw na ito. Ibinigay na namin ang best namin dahil last part na ito ng concert at maya maya lang ay ipakikilala ko na si Adara sa mga fans namin, abala na din ang ibang babae sa backstage na mag ayos ng kanilang mga sarili para mamaya.
" Woohoo! Tapos na tayo sa exciting part, nakakalungkot pero hindi naman ito ang pagtatapos ng pagsasama at pagkikita natin, hindi ba?" Tanong ni Cody.
" Yes!" Sumabay si Alex sa sagot ng mga fans namin. Agad na bumukas ang lahat ng ilaw, at saka binigay saakin ang spotlight.
Ito na ata ang pagkakataon. Tinapik ako ng mga kasama ko, isa isa nila akong tinapik, ngumiti naman ako sa kanila.
" Hello guys, as you know, sa huling parte ng concert ay nagpapakilala ang mga kasama ko ng kanilang mga girlfriend o mahal sa buhay, kaya naman nandito ako, para ipakilala, the love of my life, the well-known Actress and model, Adara Athaliah Laudencio." Lumabas sa backstage ang apat na babae, nasa gitna si Adara.
Nakangiti sila sa mga tao, humihiyaw naman ang mga tao habang papalapit sila saaming pito. Hinawakan ni Adara ang kamay ko, pumunta naman ang tatlong babae sa mga kagrupo ko. Hinawakan ko ang beywang ni Adara.
" This is Adara Athaliah Laudencio, alam kong kilala niyo na siya, naisip kong isurprise kayo at ngayon ko na sinabi sa inyo ang tungkol saakin at hindi ko na patatagalin pa hanggang s last na concert namin." Yumuko ako sa mga tao. Alam kong tanggap naman nila kami, ramdam ko iyon dahil malakas ang hiyawan nila at winawagayway nila ang mga lightstick nila sa amin.
Ngumiti si Adara sa mainit na pagtanggap ng mga fans namin sa kaniya.
" As you all know, this is Kyle's wife, Deianira. Brian's wife, Andrasteia, and Timothy's girlfriend, Cassandra, and the newest member of our fandom, our family, and my life, Adara Athaliah Laudencio. Lubos po akong magpapasalamat kung tatanggapin niyo po sa pamilya natin si Adara, maraming salamat." Yumuko ako ng bahagya, nangunot ang noo ko nang kunin saakin ni Adara ang mic.
Akala ko ba ay nahihiya siya?
" Hello, thank you po kung tatanggapin niyo ako sa fandom at pamilya ninyo. Tatanggapin ko naman din po kung hindi niyo ako matatanggap kaagad, ayos lang po saakin, nagpapasalamat ako kay Ivor, dahil tinanggap niya ako sa entertainment niya as his artist and part of his growing family." Nanunuod lang saamin ang mga kasama namin, nakangiti sila sa aming dalawa ni Adara.
Humarap sa akin si Adara, nginitian ko naman siya, tagaktak pa ang pawis ko kaya hindi ako masyadong lumalapit sa kaniya, masyadong maganda ang damit niya para matuluan lang ng pawis ko. Hinintay ni Adara na tumigil ang mga audience sa ingay nila bago siya nagsalitang muli.
" This is a double announcement anyways, because Theodore, you know what happened between us, right, and I am here to announce that.."
Kinabahan ako.
" I'm pregnant."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...