" Ayaw ko sa bahay si Adara, Theodore. Ilang beses ko bang sasabihin sayo?"
Galit na galit na saad niya sa harapan ko. Ngumisi naman ako.
" Kung ayaw mo, aalis na din ako." Pagbabanta ko sa kaniya, kita ko naman ang inis sa kaniyang mukha, ano, wala ka na bang choice?
" Theodore, makinig-"
" Ivor, hindi na muna kita pakikinggan ngayon, si Adara ang priority ko ngayon, kahit ngayon lang, pakinggan mo naman ako." Pagmamakaawa ko sa kaniya, hindi siya nagbigay ng reaksiyon sa sinabi ko.
" Ganiyan ka na ba ka-attach sa kaniya? Theodore? Magdesisyon ka ngayon, sige." Nagpameywang siya sa sinabi niya.
Anong desisyon? Sa career ko o si Adara?
" Adara." Maikling sagot ko sa kaniya.
" Bibitawan mo ang career mo para kay Adara? Para sa babae mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Ivor saaking harapan.
Lumapit ako kay Ivor, at saka ko hinawakan ang mga balikat niya.
" Kung ayaw mong tanggapin si Adara sa pamilyang ito, bubuwag ako sa grupo, Ivor. Tandaan mo iyan."
Wala sa sariling nagpunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom, kinuha ko ang mga alak na makukuha ko at iniinom ko lahat ang mga iyon. How come hindi niya matanggap si Adara? Natanggap niya nga ang ibang babae dito,bakit saakin ayaw niya? Hinahayaan naman ako ng mga kasamahan ko na uminom, hindi pa bumababa si Adara kaya hindi niya pa ako nakikita na umiinom.
" Theodore, masyadong marami, hindi na tama iyan." Banta saakin ni Cody.
Ngumiti lang ako.
" Nathan, tawagin mo na si Adara. Lasing na si Theodore." Dinig kong utos ni Kyle kay Nathan.
Ilang minuto pa, nasa ibaba na si Adara at nag aalala niya akong hinawakan sa aking pisngi. Nagtaka ako nang matawa siya sa akin imbes na magalit.
" Why are you laughing?" Bulol bulol na tanong ko sa kaniya habang papikit pikit ang aking mga mata.
Tumatawa parin ito.
" You're cute, Theodore. Your cheeks are red." Isinandal ko ang mukha ko sa leeg niya, tinanggap niya naman iyon.
Hinahagod hagod niya ang aking buhok, kaya mas lalo akong inantok.
" Theodore, you're doing too much, bitawan mo na kaya ako?" Tinignan ko si Adara. Tinapik ko ang labi niya, at saka ko siya tinignan.
" Gusto mo bang bitawan kita?" Tanong ko din sa kaniya.
" Hindi, pero nahihirapan ka e, pinahihirapan ka, narinig ko ang pinag usapan niyo kanina, Theodore." Ani Adara. Ngumisi ako, hinaplos ko ang mukha niya kahit na hindi ko na maaninag nang maayos dahil inaantok na ako.
Umiling iling ako.
" Ayos lang ako, hindi mo kailangang isipin iyon." Pangungumbinsi ko sa kaniya na huwag alalahanin masyado ang narinig niya kanina.
" Theodore.."
" Saakin ka, Adara. Kapag binitawan kita, maaagaw ka saakin. Alam na ng mga tao na ikaw ang mahal ko, kaya bakit kita bibitawan?" Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi ko.
Hinalikan ko si Adara sa mga labi niya.
" But you're suffering too much because of me." Ngumiti ako.
" I won't let you go, baby, you're mine."
Ang mga kasama ko ang nagbuhat saakin sa kwarto ko, si Adara ang nag aasikaso saakin, dito niya ako sa kwarto ko pinabuhat, kaya dito ako matutulog sa tabi niya. Ramdam ko ang malamig na tuwalya sa noo ko. Alam kong si Adara ang nagpupunas saakin.
" Love, drink this, para hindi sasakit ang ulo mo." Inabot saakin ang isang baso at tablet, ininom ko sila kaagad.
" I love you, Adara.." Sambit ko sa kaniya.
" I love you too. I'll undress you, papalitan kita ng damit."
" Remember this, baby, hmm? I won't let you go, ever. Never. I will never let you go. Even if my career will fall down, even if the people hate me, I don't care, as long as you're with me, as long as you're mine, I'm happy, I'm contented. Don't leave me, baby. Please.." Ramdam kong hinalikan niya ang aking noo, ngumiti ako.
Hinubaran niya ako ng damit, pinunasan niya muna ang katawan ko, bago niya ako binihisan kaagad.
" Theodore-"
" I'm sorry for drinking too much." Hingi ko ng tawad sa kaniya.
" No, you don't have to say sorry, my love. Come here." Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama, at saka yumakap saakin si Adara, isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko, hinagod hagod ko naman ang kaniyang buhok.
Hawak hawak niya ang kamay ko at pinaglalaruan niya pa iyon. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya sa mga kamay ko.
" Kumain ka na mamaya, I'll cook for you, what do you want?" Tanong ni Adara saakin.
" It's up to you. Are you sure you want to cook for me?" Tumango siya.
Bakit ba hindi matanggap ni Ivor si Adara? Bakit hindi niya magawang isama sa pamilya? Iniisip niya ba na ako nalang ang natira sa maknae line na walang babae kaya bawal pa ako? Bawal pa saakin? O ayaw niya lang talaga dahil ikakasira na ng grupo namin kung magpapakilala ako ng bagong babae sa pamilya namin? Bakit ang hirap niyang intindihin? Bakit ayaw niyang pakinggan ang gusto ko?
Fuck, ang sakit sa ulo.
" May schedule ka ba bukas?" Pag iiba ko ng usapan sa harapan ni Adara. Malungkot ang mukha niya, alam kong bumabagabag sa kaniya ang mga narinig niya kanina, alam ko naman din na medyo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ko.
" Hindi pa sinabi saakin ng mga staff ko, mamaya palang kapag tapos na daw silang kumain." Sagot niya naman saakin.
" You have to eat na, Adara. Susunod na ako doon sa ibaba, maglilinis muna ako ng katawan ko." Hindi na ako nakakaramdam ng pagkahilo kaya naman tumayo na din ako.
Tinulungan naman akong tumayo ni Adara.
" Baby.." Tawag ko sa kaniya. Agad niya akong nilingon sa sinabi kong iyon.
" Hmm?"
" You want to shower with me?" Pilyong tanong ko sa kaniya.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at saka niya ako hinalikan, tinutulak tulak niya pa ako papasok sa banyo, kaya napangisi ako. Tinatanggal niya niya na din ang butones ng polo na isinuot niya kanina saakin.
" Theodore.."
" Are you mine, Adara?" Malambing na tanong ko habang hinahalikan ang leeg niya.
Tumango siya.
" I'm yours, Theodore."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...