Chapter 22

4 1 0
                                    

" Sorry, saan?"

Tanong ko sa mga kasama ko. Nakayuko sila sa harapan ko. Seryoso silang nakatingin sa akin. Tinignan ko lang sila ng masama. Para mas lalo silang yumuko at matakot saakin.

" Sorry kasi sinabi-"

" HAHAHAHAHHAAHA." Agad akong tumawa sa mga itsura nila. Nangunot naman ang noo nila sa pagtawa ko. Sinamaan nila ako ng tingin nang sabay sabay at saka nila ako pinalibutan kung saan ako nakaupo.

" Bakit tumatawa ka diyan? Alam mo bang takot na takot kami kasi nagalit ka?" Dinambahan nila ako ng yakap, agad naman akong napatumba at napahiga sa sahig nang nayakap ako ni Alex.

Tumatawa naman ang iba naming kasamahan.

" Naisip ko na bakit ba ako nagagalit? E totoo din naman na nagkikita kami, at alam kong malalaman niya din naman, ayaw kong sirain ang pagkakaibigan natin dahil lang sa ganitong pag aaway." Paliwanag ko sa kanila.

" Sorry talaga, Theodore, ha? Alam naming nagalit ka namin, pero hinayaan mong ilayo muna ang sarili mo saamin para hindi ka makasambit nang masasakit na salita sa amin. Salamat sa pag intindi mo." Nakipag fists bump ako sa kanila at saka ko sila niyakap isa isa nang tumayo ako sa kinauupuan ko.

" Ayos lang iyon, ngayon na tapos na tayong mag shoot, uwi na tayo at may interview pa tayo mamaya." Ani ko. Tumawa naman sila. Naka akbay kaming pito sa isa't isa, masaya kaming naglalakad papalabas ng building at pasakay sa sasakyan namin.

Si Nathan ay parang bata na nakasandal ang uluhan sa balikat ko.

" Anong oras pala ang interview?" Tanong ni Brian kay Kyle.

" Hapon pa iyon, kaya doon muna tayo kakain sa bahay, doon na din ididiretso iyong mga damit na gagamitin natin tapos sa building na tayo aayusan." Tumango tango ako.

Adara: I'm worried, bakit hindi ka nagrereply?

Theodore: My friends and I had a misunderstanding, so I have to deal with them, I'm sorry.

Adara: Oh, really? Bakit naman kayo nagaway away?

Theodore: It's a long story. After my interview, let's meet. I'll fetch you.

Adara: Sure. Call me later.

Theodore: I love you.

" Theodore, susi mo." Inaasar nila ako habang nakatingin sa akin at iniaabot ni Kyle ang susi ko sa akin.

" Nice. I'm meeting her later after the interview." Tumango lang sila.

Nang makarating ako sa bahay ay saka na ako nagpahinga muna, basa din kasi ang damit na suot ko, kaya naligo na muna ako. At saka kami nag order ng pagkain namin, hindi na kasi makaluto si Alex e.

" Sir Theodore, bumaba na po kayo maya maya para makakain na kayo at makapag bihis na kayo." Dinig kong sambit ng staff sa harapan ng kwarto ko, agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan.

" Susunod na ako, salamat." Sagot ko dito.

Theodore: I'm preparing for our interview later, hope you can watch me.

Adara: Sure. I'll watch you.

Theodore: See you later.

Adara: I'm excited. See you.

" Theodore, kain na." Aya saakin ni Brian nang makababa ako sa hagdan, ngumiti naman ako.

" Kain na tayo."

Tahimik kaming kumain ng mga kasama ko, wala din naman kaming ibang pagkukwentuhan, hanggang sa magsimula ng topic si Timothy.

" 150 million views na ang Yet To Come MV sa youtube." Anunsiyo niya.

" Talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex.

Tumango naman si Timothy.

" Wow, Army are the best." Napapalakpak nalang sa tuwa si Cody at Kyle. Maging ako ay sumama na ding pumalakpak sa kanila.

Nakakabilib talaga ang mga fans namin, hindi ko alam kung paano kami nagkaroon ng ganito karaming fans around the world at napaka supportive nila saamin, kaya mahal na mahal namin sila dahil hindi sila nagsasawang suportahan kami sa bawat journey ng aming buhay bilang isang idol.

" Mag live tayo mamaya para makapag pasalamat sa mga fans natin?" Napalunok ako, nagtaas ako ng aking kamay para magsalita.

" Magkikita kami ni Adara pagkatapos ng interview. Pwede bang pagkauwi ko nalang tayo mag live?" Tanong ko. Tumango naman sila kaagad saakin.

" Pwede naman. Sige, ganoon nalang. Saglitang live lang din namin dahil magpapahinga pa tayo."

Sumakay kami sa sasakyan papunta sa building nang matapos kaming kumain at makapag palit ng suit namin para sa interview. Sabay sabay kaming sumakay, hindi kami maghihiwalay ngayon.

" Sir, dito ka po." Ani ng stylist ni Kyle.

" Sir Theodore, here!" Sigaw ng stylist ko. Umupo ako sa upuan at hinayaan kong galawin niya ang mukha ko.

Theodore: I'll sent you some flowers. Send me a picture holding them.

Adara: They're here already, they're all beautiful.

Theodore: As always, just like you, baby.

Adara: Thank you for this. I'll send a photo later.

Theodore: I'll wait.

Ngumisi ako nang matapos akong magtype ng mensahe para sa kaniya. I never thought I'll be inlove and will fall for her like this, so hard. I never thought I'll love her and will take care of her, damn. What's wrong with me? But if something's wrong with me, I love it. 

" Nag meryenda ka na ba, Stacy?" Tanong ko sa aking stylist na busy pa sa pag aayos ng aking mukha.

Umiling ito.

" Mamaya pa po kami kakain kapag natapos na kayong ayusan." Paliwanag niya sa akin, tumango naman ako sa sinabi niya.

" Kumain ka mamaya kapag natapos ka sa akin, ha? Anong oras na, malilipasan kayo niyan." Tumawa siya nang mahina sa sinabi ko, at saka niya nilagyan ng lipstick ang aking labi.

Nakatingin lang ako sa salamin, kita ko din ang mga kasamahan ko na hindi pa tapos sa mga make up nila.

" Yes, Sir. Noted po." Sagot ni Stacy.

" Akala ko hindi kami sasayaw? Bakit biglaan ata?" Ani Kyle habang kausap ang staff ng venue.

" Yes, Sir. Kailangan daw po e, o kahit iyong bagong labas ng kanta niyo nalang po ang iperform ninyo para hindi na kayo sasayaw at mapapagod." Mahina lamang ang boses ng babae, mukhang nahihiya at naiilang siya kay Kyle.

" Ayos lang ba na kakanta lang? Hindi, sasayaw parin kami, sige."

" Sasabihin ko po sa director namin, salamat po."

Naglakad kaming anim palapit kay Kyle, bumuntong hininga si Kyle bago siya tumingin sa aming anim.

" We have to dance, guys."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now