" Stop right there."
Naglalakad ako papasok habang nakatingin sa manager ni Adara na sinisigawan siya sa loob ng sarili niyang bahay.
" Theodore?"
" Bakit alam niya ang address ng bahay mo?" Galit na galit na tanong ng manager ni Adara. Nakayuko si Adara sa harapan naming dalawa.
" Could you please stop scolding her?" Masungit na tanong ko sa kaniya.
" I am her-"
" Isa pang magsalita ka, tatawag ako ng Pulis. You are abusing her." Nakita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, at saka napaatras ang mga paa niya sa harapan ko. Tinignan ko si Adara, kinuha ko ang kaniyang kamay, at saka ko siya inilapit saakin.
" She can't love you, Theodore." Ngumisi ako sa sinabi niya.
" We can love each other. So step out of this house right now, or I'll call some Police." Ipinakita ko ang aking telepono at ipinakita kong nagda dial ako ng numero doon, kinuha niya ang bag niya at saka siya umalis mag isa.
Tinignan ko siyang maka alis, bago ko tinignan si Adara. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. Itinaas ko ang kamay ko para hindi mahawakan ang likod niya, pero kalaunan ay naramdaman kong nakayakap na din ako sa kaniya.
" She's so mean, as always." Tumatawa niyang sambit saakin, agad na nag igting ang panga ko sa sinabi niya.
" Sinasaktan ka ba niya tuwing may mga issue na naipapatong sayo?" Alalang tanong ko sa kaniya, tumango siya sa tanong ko.
" Yeah , especially dating issue-"
" Umalis ka na sa entertainment niya. Doon ka na sa amin." Anunsiyo ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, at saka nagkibit balikat siya sa sinabi ko.
Hinagod ko ang kaniyang likod. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay, at saka ako lumuhod sa kaniyang harapan.
" Paano ang mga-"
" Walang paano, walang mga tanong, Adara. Sinasaktan ka niya, malinaw na malinaw iyon sa akin, ayaw kong sinasaktan ka niya at mas lalong ayaw kong masasaktan ka pa niya. Paano kung hindi ako nakarating dito? Edi nasaktan ka na?" Tumulo nang sunod sunod ang kaniyang mga luha sa mga sinabi ko.
Naglakad ako sa kusina niya, habang tinatanggal ang aking jacket. Kumuha ako doon ng tubig, at saka ko siya ibinigay kay Adara.
" Paano ka? Natatakot ako para sayo." Ngumisi ako.
" Huwag mo akong alalahanin, kakausapin ko si Ivor, at saka doon ka na lumipat sa amin, okay?" Tumango na lamang siya sa sinabi ko sa kaniya.
" Kumain ka na ba?"
" Hindi pa." Aniya.
" Let's cook." Hila hila ko ang kamay niya papunta doon sa kusina niya. Naghanap ako ng maluluto para sa hapunan niya. Marami naman siyang mga pagkain dito, healthy parin ang iluluto ko para sa kaniya.
" You can't cook. Umupo ka muna dito." Nagulat siya nang buhatin ko siya paupo sa sink.
" Diyan ka lang, ha?"
" But I want to help you, Theodore." Umiling ako.
Naghiwa ako ng mga kailangang ingredients para sa lulutuin ko, pinalambot ko din muna sa tubig ang karne na nakuha ko sa fridge niya, napuno kasi ng yelo, kaya matigas na. Kinuha ko na ang gagamitin kong kaldero na paglulutuan, at saka ang iba pang kailangang gamitin.
Hinarap ko muna si Adara habang hinihintay ko ang karne na lumambot muna. Nakita ko siyang unti unti nang bumabagsak na ang mata habang nakasandal ang ulo niya sa cabinet sa itaas. Naglakad ako palapit sa kaniya, at saka ko pinagmasdan ang mukha niya.
" Adara, if you're sleepy, you can sleep on your room, I'll wake you up when I'm done." Hindi siya sumagot saakin, mas lumapit pa ako sa kaniya.
Tinitigan ko ang kaniyang mga labi, namumula ang mga labi niya, normal bang nakapout siya kapag natutulog?
" Adara.." Maingat kong hinawakan ang kaniyang labi, at saka ko ito maingat na hinalikan, idinampi ko lang nang maliit ang labi ko sa kaniya.
Napabalikwas ako nang magising siya. Kaya naman itinuon ko ang pansin sa karne na lumalambot na din pala.
Ang lambot naman ng labi niya. Ang bango pa ng lipstick na gamit niya. Sana lang ay hindi niya naramdaman na nagnakaw ako ng halik sa kaniya.
Napangisi ako.
" Theodore, akala ko ba galit ka sa mga kasamahan mo? Maayos na ba kayo ngayon?" Takang tanong ni Adara sa akin, dahil nasa likod ko siya, hindi ko siya malingon dahil nagluluto ako.
" Yeah, we're all good. Naayos ko din lang kanina, kaya maayos na kaming pito. Bakit?" Naamoy ko na ang niluluto ko, maging ako ay natatakam na sa niluluto kong ulam e.
" Wala lang. Baka kasi mas magalit sila sayo kung nagpunta ka dito saakin at hindi pa kayo maayos." Humarap ako sa kaniya, at saka ako ngumiti.
" Maayos na kami. Ilan lang ang natira sa bahay ngayon dahil umuwi sina Brian at Kyle." Tumango tango siya sa akin, at saka na ako ulit nagsimulang nagluto.
Nagluto na din ako ng kanin kanina, para kapag tapos na ang ulam na niluluto ko, sakto at luto na din ang kanin mamaya.
" Theodore, ano ba talaga tayo?" Biglaang tanong niya. Natigilan ako sa sinabi niya.
" Kung anong tingin mo na tayo, iyon din ang sagot ko." Simpleng sagot ko sa kaniya.
" Paano kung ang naiisip kong kalagayan natin ay magkarelasyon, anong sagot mo doon?" Hinalo ko ang sabaw nang niluluto ko.
" Then, you're my girlfriend. And I'm yours." Nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin.
" What if, bestfriend lang ang tingin ko sayo?" Tanong niya nanaman saakin.
" Edi liligawan kita para mahulog ka saakin at maging girlfriend kita." Tumawa siya sa sinagot ko sa kaniya.
" Theodore-"
" Kung gusto mong ligawan kita, sure, I'll court you, hanggang sa maramdaman mong mahal mo na ako at hindi lang kaibigan ang tingin mo saakin."
" Then court me, Theodore. I'll let you court me." Lumapit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
" Really, huh?" Tumango tango siya sa sinabi ko.
" Yeah." Ngumiti ako, hinalikan ko ang noo niya.
Tinulungan niya akong maghanda para sa pagkain naming dalawa. Pinaghila ko siya ng upuan niya at saka ko siya sinandukan ng kaniyang makakain.
" Theodore, you kissed me, awhile ago, right?" Tinignan ko siya.
" Yeah. I kissed you."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...