Chapter 20

6 2 0
                                    

" Saan ka galing?"

Agad akong napahinto sa narinig kong boses nang makapasok ako sa pintuan ng aming bahay. Napalunok ako nang makitang si Ivor ang lalaking iyon.

" Kina Mama?" Patanong din ang aking sagot sa kaniya.

" Tinawagan ko ang Mama mo, sinabi niya na wala ka doon." Matalim na sagot niya saakin, nanlaki ang mga mata nang mga kasama ko na nasa likuran ni Ivor.

Napakamot ako sa aking uluhan.

" Okay, fine. Kay Adara." Pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso sa harapan ko.

" Bakit ka galing doon?" Tanong niya nanaman saakin. Inilagay ko ang susi ng kotse ko sa sofa, ibinato ko lang doon iyon.

Sinalubong ko ang mga mata ni Ivor na hindi ko alam kung galit o hindi.

" Sinamahan ko siya. Kailangan niya ako." Seryosong sagot ko dito. Nagsasabi naman ako ng totoo, kaya wala akong kailangang itago.

Lumapit siya sa akin, at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.

" Bakit ka niya kailangan? Kaano-ano ka ba niya?" Tinaasan ko siya ng kilay.

" I'm courting her." Matapat na pag amin ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa sinabi ko, kinuha niya ang susi ng kotse ko, at saka niya ito ibinulsa sa kaniyang pantalon.

" Hindi ka aalis at hindi ka lalabas gamit ang kotse mo, alam kong wala akong karapatan na pakialaman ang gamit at ari-arian mo pero sobra na, Theodore. Tandaan mong may iniingatan kang pangalan." Mahabang litanya niya sa akin habang naglalakad siya palapit at papunta sa kusina namin, binuksan niya ang ref at saka siya naglabas ng maiinom.

Tinignan ko ang mga kasama ko, nakatingin sila sa akin na animo'y kinaaawaan nila ako, sinamaan ko sila ng tingin.

" I'm going upstairs-"

" Hindi pa tayo tapos mag usap." Putol sa akin ni Ivor. Nilingon ko siya habang kinukuha ang coat na suot suot ko kanina.

May hawak siyang wine glass, at umiinom siya nito. Napakusilap ako.

" Tapos na, Ivor. Kinuha mo na ang susi ng kotse ko. Uulit ulitin mo ba ang palagi mong sinasabi saamin tuwing may nakikita kang babae na kausap at nakakasama namin? Alam naming may pinoprotektahan kaming pangalan, at alam ko iyon, tao din naman kami, may hinahanap din iyong puso ko, siguro naman ay pwede din akong magmahal katulad ng ibang mga kasama ko?" Natigil sila sa pag uusap nang marinig ang sinabi ko.

Nagtaas si Ivor ng kilay sa sinabi ko sa kaniya. Maging ako ay nagulat at nakapag salita ako ng ganoon sa kaniya.

" Alam kong nagmamahal at magmamahal ka din balang araw, Theodore. Pero hindi sana muna ngayon, huwag ka munang sumabay, kaka amin lang nila Timothy sa buong mundo, tapos susunod-"

" Susunod ako kung sinagot at umamin na saakin si Adara. Hindi ako gagawa ng gulo kung iyan ang iniisip mo, alam ko kung paano kumilos nang hindi nakikita at nasusundan ng kung sino, kaya huwag kang mag alala. Aakyat na ako." Hindi ko na pinakinggan pa ang gusto niyang sabihin saakin.

Padabog kong sinara ang shower nang matapos akong makaligo. Iniligo ko nalang ang nararamdaman kong inis kay Ivor. Pati ba naman ang status ko sa pag ibig ay kailangan niyang kontrolin, hindi ba masyado na atang nakakasakal ang ganoon?

" Theodore, kumain na daw sa ibaba, hihintayin ka namin." Katok ni Cody sa labas ng kwarto ko.

" Huwag niyo na akong hintayin. Kakain ako mag isa." Malamig na tugon ko dito, hindi naman na siya nagsalita pa kaya alam kong umalis na siya sa pintuan ko.

Napakamot ako sa aking uluhan nang maisip nanaman ang sinabi saakin ni Ivor. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa aking telebisyon, binuksan ko iyon at nanuod ako ng balita.

Agad na bumungad saakin si Adara. Live Interview pala ang nakita kong palabas. Manunuod muna ako bago ako kakain.

" Kabi-kabilang projects nga ang natatanggap mo, at sinabi na iyan ng manager mo sa isang interview, payag ka ba na may ibang lalaki na hahalik sayo gayong may nababalitang nakakasama ka na daw na lalaki?" Tumawa si Adara sa tanong sa kaniya ng interviewer. Tumingin si Adara sa camera.

" Well, kung papayag man ang lalaking idine-date ko ngayon, siguro naman ay makakapayag na din ako, at saka alam niya naman na trabaho itong gagawin ko, kaya mapapapayag ko naman siguro siya, hopefully." Tumango ang Interviewer kay Adara.

" Totoo nga ang balita na may kinikita kang lalaki?" Tumango siya at saka siya ngumiti.

" Yes. I am dating someone, and I can't just reveal it to you guys, I'm really sorry."

Napangisi ako sa sinabi niya sa lalaking kausap niya. Naramdaman kong namula ang aking pisngi sa sinasabi at isinasagot niya sa nagtatanong sa kaniya. Alam ko kasi na ako ang tinutukoy niya sa mga sagot niya, kaya mas lalo akong nakakaramdam ng kung ano sa aking tiyan.

" Is he an Actor also? Or an Artist like you?" Pangungulit pa ng interviewer sa kaniya.

Umiling si Adara.

" He's an Idol, Sir." Matapat na pag amin niya.

Napahiyaw naman ang mga taong nanunuod sa kanila sa sinabi niya. Mas lalo akong napangiti sa sinagot niya.

I know it, it's me.

The one and only.

Theodore.

" Wow, an Idol and a veteran Actress, hindi nakakapagtakang baka nagkita na kayo sa isang event at doon niyo nakilala ang isa't isa." Biro pa ng interviewer, tumatawa nalang si Adara sa mga sinasabi sa kaniya.

Agad kong kinuha ang aking telepono, at kinuhanan ng litrato si Adara, para ipakita na pinanunuod ko siya at napakinggan ko ang mga sinabi niya sa telebisyon. Alam kong hindi niya pa makikita dahil naka live sila, pero maya maya ay tapos na din iyan.

You sent a photo to Tali.

" Yeah, actually we have our hobbies and nagkakasundo kami sa isang iyon, and I am happy and surprised na nakahanap ako ng taong makakasama ko sa ganitong mga bagay kaya masayang masaya ako ngayon." Ngumiti ako.

" Wala bang clue kung sino man iyan? Para lang mas lalong maintriga ang mga tao sa relationship status mo ngayon." Biro nanaman ng interviewer sa kaniya.

Napalunok ako sa tanong niya.

Ngumiti si Adara.

" His names starts with letter T."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now