Chapter 19

4 2 0
                                    

" So, Adara Athaliah and Theodore are dating?"

Dinig kong saad ni Ivor sa ibaba ng bahay, nandito ako sa kwarto ko at dinig na dinig ko ang sigaw niya sa ibaba.

" Hindi nga namin alam, Ivor. Siya nalang ang tanungin mo, tsaka ano naman ang ebidensiya mo na nagkikita sila?" Pagtatakip ni Nathan saakin, napapakagat ako sa labi ko habang naririnig ang usapan nila, pinagtatakpan nila ako, hindi ko nga din alam kung may ebidensiya ba si Ivor o wala.

" May nakakita at nakamukha daw sa kaniya na staff sa condo kung saan nakatira si Adara." Dinig ko ang tawa ng iba.

" Alam mo naman na may mga gumagaya na saamin simula palang noon, hindi kaya sinisiraan lang nila si Theodore dahil siya nalang ang natitirang Maknae na walang babae?" Singit ni Cody, napabuntong hininga ako sa mga pinagsasasabi nila kay Ivor.

Akala siguro nila ay tulog ako dito sa kwarto ko.

" Alalamin ko kung sino ang lalaking kinikita ni Adara, sa oras na malaman kong si Theodore iyon, lagot kayo saakin." Ilang segundo lang ay nakarinig ako nang bagsak ng pintuan sa ibaba.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko, at saka ako naglakad papunta sa hagdan.

" Nice one, Theodore. Ayan, magtago ka pa." Sigaw ni Alex mula sa ibaba nang makita niya akong nakahawak sa hawakan pababa ng hagdan.

Ngumiti naman ako sa kanila.

" Aalis nga pala ako, babalik ako kay Adara. Hayaan niyo na si Ivor, ako na mismo ang magsasabi sa kaniya sa susunod." Ani ko.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at wallet ko, saka na ako umalis. Hindi naman maipinta sa inis ang mga mukha nila saakin habang naglalakad ako pababa sa hagdanan.

" Sumaglit ka lang, ha? Maaga daw bukas, baka mamaya ay doon ka nanaman makitulog." Ani Nathan, kumaway lang ako sa kaniya.

" Kung may sinat pa siya, doon muna ako, pakisabi nalang na nandoon ako kina Mama, bye!" Isinarado ko ang pintuan at hindi na pinakinggan pa ang gusto nilang sabihin at isermon saakin. Habang naglalakad palapit sa kotse ay tinawagan ko na ang numero ni Adara, dadaan ako ng grocery store baka kasi may ipabili siya saakin.

" Hello? Where are you?" Bungad na tanong nito saakin.

" I'm on my way. Dadaan muna ako sa grocery store, may gusto ka bang ipabili?" Pinaandar ko na ang sasakyan ko.

Madali lang naman ang byahe kapag gabi, dahil walang masyadong sasakyan at tao, kaya hindi na traffic.

" May nagpadala din dito sa bahay, at nagpabili na ako kanina sa kaibigan ko, diretso ka nalang dito."

" Okay, wait for me." Dumaan muna ako sa flower shop bago ako dumiretso sa bahay niya. Nagpadala na ako kanina pero iba pa din kung sa akin mismo manggagaling at ako mismo ang magbibigay sa kaniya.

Bumusina ako nang makarating ako sa bahay niya, pinagbuksan naman nila ako ng gate kaya nakapasok ako at naipark ko kaagad ang sasakyan ko. Hindi pa ako nakaka katok ay pinagbuksan na ako ni Adara, magaling na ata siya.

" Flowers for you." Bati ko, at saka ko hinila ang beywang niya para makipag beso sa kaniya.

" Thank you, Theodore. Hindi ko pa nga naayos ang ipinadala mo kanina e." We both chuckled. Nang makapasok ako ay naupo ako kaagad sa sofa ng bahay niya, namataan ng mata ko ang kaibigan niya na nakatingin sa amin habang may ginagawa sa kusina.

Ang weird ng kaibigan niya.

" Magaling ka na ba? Bakit nakatayo ka na kaagad?" Alalang tanong ko sa kaniya.

" Oh, yeah, I'm all good na. Bukas ay hindi pa naman ako papasok para makapag pahinga pa ako, gusto lang kitang paghandaan ng pagkain mo ngayon dahil inasikaso mo ako kahapon kahit na kailangan at hinahanap ka sa building niyo." Mahabang litanya niya, ngumiti naman ako sa sinabi niya.

" Kailangan mo ako, kaya ititigil ko ang ginagawa ko para sayo." Nabaling ang tingin namin sa kaibigan niyang biglang naubo, alam ko naman ang ibig sabihin niyon.

Tinignan ko ang kaibigan niya.

" You know it's bad when you are eavesdropping, right?" Masungit na tanong ko sa kaibigan ni Adara, agad naman nagtaas ng kilay ang kaibigan niya.

" I'm sorry, I can't help it." Tinaasan ko din siya ng kilay ko, bago ako ayain ni Adara na umakyat at magpunta sa terrace ng bahay niya.

" Pasensiya ka na sa kaibigan ko, ha? Nasa Dispatch pala iyan nagta trabaho, siya ang taga post ng mga nahuhuling couples na nagdi date nang patago, sinabi niya nga saakin na iyong ibang photos na nakuha ng mga stalkers na tayong dalawa ang laman ay binura niya." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, humarap ako sa kaniya.

" Really?" Tumango siya.

" Iyong mga papprazzi na nakasunod saatin doon sa beach at sa kung saan pa tayo nagkikita, binubura niya tuwing kailangan na nilang ipost para hindi tayo maissue, in short, pinoporotektahan niya ang pagkikita natin kaya hindi tayo binabatikos at sinusundan ng mga tao." Bumilog ang bibig ko sa sinabi niya, kaya naman pala wala pa akong nababalitaan na dating issue ko sa iba't ibang social media platforms.

Ganoon pala iyon.

" Malaking tulong pala ang kaibigan mo kung ganoon, mabuti at hindi siya pinatatalsik sa pwesto niya?" Alalang tanong ko dito, ngumiti naman siya saakin.

" Siya ang head doon, kaya hindi siya kailanman mapapatalsik, siya pa nga ang nagpapatalsik sa mga nahuhuli niyang lumalabag sa utos." Natawa nalang ako sa sinagot niya, akala ko ay normal na empleyado lang siya, head pala doon at nakatataas, kaya pala hindi nag aalala si Adara tuwing lalabas kaming dalawa.

" Kailangan ko na palang umuwi mamaya kapag nakakain na tayo, nagagalit kasi ang manager namin kanina dahil may nagsabi daw sa kaniya na may nakakita saating dalawa sa condo mo." Balita ko.

Bumaba na kaming dalawa para makakain na kami, kailangan ko na ding umalis dahil baka biglang bumalik doon sa Ivor.

" Ganoon ba? Salamat pala sa pagpunta mo, sa susunod na mga araw pa ako papasok, congratulations pala sa successful na pagri release niyo ng album niyo, here." May iniabot siya saaking maliit na box.

Bubuksan ko na sana nang may tumawag sa telepono ko.

" Nandito si Ivor. Umuwi ka na."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now