" Yeah, I saw you on TV, baby."
Ngisi ako nang ngisi habang kausap ko sa telepono si Adara.
" I'm really sorry, I have to mention your initial." Nahihiyang saad niya sa linya niya.
Tumawa naman ako.
" No, it's fine, Adara. How are you? Nagpahinga ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
" I'm on my way home, nagpabili pa ako ng foods ko." Sagot niya.
" You should rest, bye." Agad kong ibinaba ang telepono ko. Hindi ko na ba pwedeng idistansiya ang sarili ko kay Adara? Masyado na akong nahuhulog, hindi naman ako takot para sa sarili kong career, natatakot ako sa kalalabasan kay Adara dahil siya ang babae dito, at may iniingatan din siyang career niya.
Napakahirap naman nito.
" Bakit mag isa mong kumakain?" Hindi ko nilingon ang nagsasalita na nasa sofa. Wala ako sa mood ngayon makipag usap dahil sa naging sagutan namin ni Ivor.
Kumusilap ako sa nagsalita at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
" Hindi namin mapigilang hindi sabihin kay Ivor, Theodore. Nanakot siya." Mas lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
Uminom ako ng tubig.
" Umakyat ka na. Ayaw kong may kausap." Malamig na utos ko sa kaniya. Nang lingunin ko siya ay nakita kong si Brian pala ito.
" Sorry-"
" Umakyat ka na." Putol ko sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita at saka na siya umalis sa harapan ko. Nagpatuloy ako sa pagkain ng aking hapunan. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko, kaya naman kumuha ako nang maiinom at saka ko ito iniakyat sa aking kwarto.
" Pakibilisan na daw!" Sigaw ni Timothy kinabukasan, kagigising ko lang ay sumisigaw na sila sa ibaba. Maaga dapat ata kami ngayon, kaya lang ay hindi ako nakatulog kaagad kagabi.
Kinuha ko na kaagad ang tuwalya ko at saka na ako naligo, kung aalis sila, edi umalis na sila, susunod nalang ako.
" Theodore-"
" Mauna na kayong umalis. Susunod na ako!" Sigaw ko mula sa banyo.
Sinadya kong bagalan ang pagligo at pag aayos ng sarili ko, para mauna silang aalis at hindi ko sila kasama sa sasakyan. Kumuha ako ng gamit ko at inilagay ko sa bag ko. Kinuha ko ang phone kong naka charge pa, at saka na ako bumaba.
" Bakit nandito pa kayo?" Masungit na tanong ko sa kanila nang makita ko silang nakaupo pa sa sofa, kumpleto silang nakaupo doon, at tahimik na naghihintay saakin.
" Hindi tayo pwedeng umalis nang hindi magkakasama." Ngumisi ako.
" Kaya iyan. Hindi ba dati ay magkakahiwalay tayong umaalis. Gawin muna natin ngayon." Aalis na sana ako nang kunin ni Brian ang kamay ko, at pinaharap niya ako sa kanilang lahat.
Umiwas ako ng tingin sa kanila, at saka nag igting ang mga panga ko.
" Bakit ba galit na galit ka? Malalaman at malalaman din naman ni Ivor na nagkikita kayo e." Ani Kyle. Tumawa ako ng mahina.
" Alam kong malalaman niya naman, pero sana hinintay niyo akong sabihin sa kaniya at hindi kayo nakialam, bakit? Noong kayo pa nina Deianira, Andra, at Cassandra, nagsalita ba ako? Sinabi ko ba kay Ivor? Hindi ba hindi?" Mahabang litanya ko sa kaniya.
" Huwag mong idadamay si Andra sa usapan." Dinig kong sambit ni Brian.
" Bakit nasama si Cass?" Tanong naman ni Timothy.
" Hindi ka nga nagsalita, pero may magagawa ba kami kung tinakot niya kami?" Ani Nathan.
" Hindi nga kayo natakot na ipakilala ang mga babae niyo, sana hindi din kayo natakot na itago at hindi muna sagutin ang tanong niya bago ako umuwi." Ani ko.
Umalis ako sa harapan nila, sumakay ako sa sasakyan.
" Wala na bang ibang sasakyan?" Mahinahong tanong ko sa staff namin.
Umiling siya at saka siya ngumiti.
" Wala na po, Sir."
" Bwisit." Napakamot nalang ako sa aking uluhan. Magkakasama parin kami sa sasakyan na ito.
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata nang makasakay na sila sa sasakyan. Nasa pinakadulo ako, at may nakasalpak din na headset sa aking tainga para hindi ko marinig ang usapan nila.
" Here's your keys, Theodore." Bungad saakin ni Ivor. Ibinalik ko sa kaniya kaagad.
" I don't need that. Sayo na iyan." Ani ko, at saka ako dumiretsong maglakad papasok sa dance room.
" Hayaan mo nalang muna siya." Dinig ko pang sambit ni Cody bago ko isara ang pintuan sa dance room, nag ayos na ako at saka ko isinayaw ang dance step namin, dadalo kasi kami sa isang event at kailangan naming mag practice.
Patuloy parin na tumataas ang bilang ng mga nanunuod at nakikinig ng bagong labas na kanta namin, kaya naman masaya ako para doon, hindi kami pinababayaan ng mga fans namin, at patuloy nila kaming sinusuportahan.
" Magpractice muna tayo, isang pasada, tapos irecord na din daw natin yung dance practice video para sa youtube channel natin." Dinig kong anunsiyo ni Kyle sa amin, hindi naman ako nagpakita ng kahit na anong reaksiyon.
Agad na tumunog ang music, kaya sumabay ako sa ritmo, nakikisabay akong sumayaw at gawin ang part ko, kaya lang ay nakapoker face lang ako.
" 1,2,3 and go!" Sigaw ng aking trainor.
Sabay sabay kaming sumasayaw kasabay ng music. Nagtatawanan pa nga sina Nathan sa practice, ako naman ay nakapoker face lang. Nang matapos ang practice ay agad akong naupo at hindi na muna nakisama sa yell namin, kailangan kong palamigin ang ulo ko.
" Theodore-"
" Nandiyan na." Inayos ko ang buhok ko nang magsisimula na ang video shoot namin, ngayon ay kailangan kong ngumiti, kaya naman sana ay magawa ko nang maayos ito.
" Ready, lights, camera, and go!" Sigaw ng video director namin.
Naunang nagsayaw sa harapan si Timothy, sumunod naman si Nathan, at ako na. Maayos naman ang bawat galaw at sabay sabay naman kami, ngumingiti din ako tuwing part ko na at nagkukunwaring tumatawa ako para mukhang masaya ako.
" Cut! Good job!" Anunsiyo nila.
Inabutan ako ng tubig ng aming mga staff, naupo ako sa upuan ko, at saka ako uminom. Maya maya pa ay nakita kong palapit ang anim na kasama ko dito sa pwesto ko, nag igting ang panga ko nang makitang dito sila papunta saakin.
Tinignan ko sila.
" Theodore, sorry."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanficLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...