Chapter 02

16 5 0
                                    

" Tigilan niyo nga ako."

Ani ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin. Kausap nina Kyle ang mga asawa nila, naga update kung nasaan na sila, mga ganoong bagay.

" Type niya si Adara, wala pa atang boyfriend iyon?" Tanong ni Nathan sa sarili niya habang naglalakad parin kami, kinukuha pa kasi namin ang mga gamit namin.

Tumingin ako kina Brian na nagtatawanan sa gilid ko.

" Huwag niyong inaasar si Theodore. Siya nalang natitira sa linya ng mga maknae, madedelikado pa." Tawa nanaman ni Brian sa akin, sinamaan ko siya ng tingin at saka ko siya tinapik sa braso niya.

Mas lalong lumakas ang tawanan nila nang makitang defensive ako pagdating sa pangalan na iyon.

" Tigilan niyo ako. Tinanong ko lang kung anong pangalan, tapos na." Nauna na akong naglakad sa kanilang anim, umakyat na ako sa aking kwarto at nag ayos ng aking sarili.

Nilabas ko ang maruruming damit ko sa bag at saka ako naglabas sa closet ng bago para handa na kapag tapos na akong maglinis ng katawan ko. Naupo muna ako sa gilid ng kama ko para makita ang aking telepono, magpopost na din ako ng update para sa mga Army's at magpapasalamat na din sa kanila.

Nagpose ako at saka ako nagselfie, at saka ko ito ipinost sa aking instagram account, ang inilagay ko pang caption ay pasasalamat sa mga fans namin.

" Theodore, kumain daw muna bago tayo maglinis ng katawan." Katok ni Cody sa pintuan ko, nakalimutan ko palang isarado ang pinto ko.

Lumingon ako sa kaniya at saka ako tumango. Ibinaba ko ang telepono ko sa lamesa ko at saka na ako bumaba.

" Hindi ko din alam kung kailan tayo doon pupunta. Hindi ko alam kung kailan ang flight." Dinig kong paliwanag ni Kyle habang naglalakad ako pababa sa hagdan.

Naghahanda na pala sila sa ibaba.

" Ano bang gagawin doon? Magi speech, hindi ba?" Tanong naman ni Nathan.

" Oo, speech lang, pero kailangang paghandaan. At saka isang araw at gabi lang tayo doon, kaya mabilisan lang." Umupo ako sa upuan ko, at saka na ako nagsandok ng kakainin ko.

Pinakikinggan ko lang sila na mag usap usap.

" Syempre kailangang paghandaan. Nasa ibang bansa tayo at sa white house pa, kaya dapat ay maimpress sila sa sasabihin natin, hindi ba?" Sabay sabay kaming tumango, at saka kami nagdasal at kumain na din.

Anong oras na, iyong trophies na nakuha namin, sa building iyon ididisplay, kaya naiwan na doon kanina. Dumaan kami doon bago kami umuwi.

" Nagpost ka pala sa instagram mo, Theo?" Bumaling silang lahat sa akin. Agad naman akong tumango at saka muling kumain.

" Oo, bakit?" Nangingiti sila nang pilyo sa akin, kaya mas lalong nangunot ang aking noo.

Naunang tumawa si Nathan, habang hawak ang telepono niya.

" Tignan mo nalang mamaya, Theo. Anyways, bukas, may dance practice daw, kaya maaga tayo." Anunsiyo ni Timothy. Hindi nalang ako umimik at nagkibit balikat nalang ako sa kanilang lahat.

Anong problema sa instagram post ko?

" Mauuna na ako sa taas. Masakit ang katawan ko." Pagpapaalam ko sa kanila nang matapos na akong kumain.

Uminom ako ng tubig at saka ako umupo muna ng ilang minuto.

" Ayos ka lang? Uminom ka muna kaya ng gamot?" Ngumisi ako at saka ako umiling.

Tumayo na ako.

" Hindi na. Ayos lang naman. Sige. Una na ako."

Umakyat ako. Dahan dahan akong naglalakad pataas dahil kakatapos kong kumain. Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay isinara ko kaagad ang aking pintuan. Naupo ako sa aking kama at saka ako tumingin ng magandang palabas sa TV ko.

Agad kong nakita ang mukha ni Adara sa TV, kung sinuswerte ka nga naman, oo. Bakit siya pa ang unang bungad sa telebisyon ko? Napatitig ako sa harapan ng TV ko. Napakaganda niya kahit nasa TV lang, pero mas maganda siya kapag sa personal.

" Adara Athaliah Laudencio." Ani ko sa sarili ko.

Well, magaling nga siyang umarte, hindi ko alam kung pang ilan niyang palabas ito pero maganda siya, magaling siyang umarte. Nakalimutan kong may sinasabi sila tungkol sa instagram post ko.

Kinuha ko ang aking telepono. Nakita ko ang instagram notifications ko, naparami. Umabot na ata ng milyon ang likes ko.

" Shit. This can't be." Bulong ko habang nakatingin sa mga naglike at comments sa post ko. Dahan dahan kong tinignan at sinuri ko kung tama ba ang nakita ko.

" Holy shit."

Did she just liked my post?

I mean, Adara?

" Fuck." Agad akong tumingin sa pintuan ko. May kumakatok doon, sino naman kaya iyon?

Agad akong tumayo at saka ko binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

" Ginulat mo ako, ano ba iyon?" Sigaw ko kay Brian.

" Kanina pa ako kumakatok, bakit hindi mo ako pinagbubuksan?" Naglakad siya papasok ng aking kwarto, naglabas siya ng alak na galing sa bulsa niya, agad tumaas ang aking mga kilay.

Anong gagawin niya sa alak? At bakit nandito siya sa kwarto ko?

" Bakit dito ka pa iinom? Pwede naman sa iba." Tumalon ako sa kama ko at  saka ko siya tinignan habang binubuksan ang alak.

Napakusilap ako sa harapan niya, tumawa naman siya saakin.

" Nakita mo na ang instagram mo?" Tanong niya.

" Hindi pa, bakit?" Tanong ko din.

" Ni-like niya ang mga post mo, she even followed you on your account. Bakit hindi mo pa nacheck?" Nilagok niya ang alak niya at saka siya muling tumingin saakin.

Tinago ko nang palihim ang aking telepono sa ilalim ng kama ko. Baka mamaya ay makikialam siya na buksan ang account ko.

" Okay. Oo na. Doon ka na sa kwarto mo magbulakbol, baka mamaya pagalitan ako ng asawa mo at sabihin na hinahayaan kita, shoo!" Pambubugaw ko sa kaniya. Tumayo siya habang umiinom sa dala niya, nagulat ako nang ubos niya na kaagad at iniwan pa ang bote na ginamit niya sa gilid ng lamesa ko.

Tinulak ko na siya palabas ng pintuan ko at saka ko siya pinagsarahan ng aking pintuan. Tumalon ako sa kama ko at saka ko binuksan ang aking telepono. Tinignan ko kaagad ang aking instagram at nakita kong naka follow nga siya saakin.

Tumunog ang notifications ko kaya binuksan ko ang messages ko.

Adara Athaliah Laudencio: Hi, Theodore.

" Shit.."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now