CHRIS POINT OF VIEW
"Ano ba chen?! tigilan mo na nga ako" ang sabi ni lei."Oo gusto ka ng pamilya ko pero mas gusto ko si chris sayo"
"Ayan? may ibubuga ba yan?" ang tanong ni chen sakin napangisi naman ako."Pwes tignan natin ngayon may mabubuga ba yan sa basketball? ay oo nga pala babae lng sya"
"Wag mo ko mamaliitin" ang ngisi kong sabi sakanya sabay tinanggal ko yung kamay ni lei sa pag kakapit sakin."let's see"
Tinanggal ko naman yung blazer ko at binigay ko muna kala camila sabay bumaba ako para pumunta mg court habang nag didribble.
pumunta naman ako sa may three points line at shinot yung bola.
"Ayaw ko sa lahat ng minamaliit ako kahit babae ako" ang sabi ko sa lalakeng yun na subrang yabang eh. tumingin naman ako sakanya habang hawak ko yung bola pagkatapos ko ishot.
"1v1" ang sabi ng lalake yun sakin at pinasa ko sakanya yung bola." let's see kung kakayanin mo ko"
"Ok" ang sagot ko tumakbo naman sya papunta sakin."Half court lng"
"Sure sisiguradohin kong madudurog kita sa harap ni lei" ang sagot nya habang nag didribble sya ngumisi naman ako. nag dribble naman sya ng pa v at sinusubukan nyang tumakas sakin pero hindi ko sya pinapatakas subrang higpit ng pag bantay ko bawat galaw nya sa gilid block ko agad.
"Tsk magaling kalang mag block" ang sabi nya ngumisi naman ako sabay tinapik ko yung bola sa kamay nya at tumakbo ako agad ako papunta sa ring kaso bigla syang humarang sa harap ko kaya dumaan ako sa left side at nag lay up."Ang daya ah!"
"Anong madaya don? ang bagal mo ngang gumalaw" ang ngisi kong sabi sakanya sabay binigay ko yung bola."Varsity ka tapos ganyan lng galaw mo?"
"wag mo ko mamaliitin kaya kitang talunin" ang sabi nya sakin natawa naman ako at nag dribble na sya kaya agad ako pumunta sa harap nya para mag block. Sinubukan naman nyang makalagpas sakin pero hindi nya nagawa dahil subrang higpit ko mag block.
nag pa.v naman syang dribble kaya tumingin ako sa bola sabay kumuha ako ng timing para tapikin ang bola at sucessful naman nakuha ko yung bola kaya pumunta ako agad sa may ring at blinack nya ako agad. ngumisi naman ako sakanya at pumunta ako sa right side pumunta sya kaya kinuha ko yung pag kakataon na yun para pumunta sa left side nya and mabilisan nag shoot.
2 - 0
"Hina mo nakakatamad ka kalaro" ang sabi ko sakanya umiling."Tsk"
"May araw kadin sakin" ang sabi nya sakin pero hindi ko pinansin umalis ako agad. napatigil naman ako sa pag lalakad nung nakarinig ako ng pumalakpak kaya napatingin ako kung sino yun.
"ang galing ah?" ang sabi ni tita Key ang coach ng varsity na asawa ni tita Serine ang kapatid ni mama Syrile
Lumapit naman sya sakin sabay hinawakan ako sa balikat.
"magaling pinakita mo halatang nasa lahi nyo pagiging athlete ah?" ang sabi ni Tita Key sakin napangiti naman ako."Bakit hindi ka sumali sa varsity sa girls basketball team dito sa university?"
"Ay hindi na po tita" ang sabi ko kay tita key sabay ngiti."Masyado kaseng nakakapagod maging varsity kaya wag nalang tita"
"Sayang naman kung hindi ka sasali? malay mo ikaw pumalit sa mama mo isa laging mvp" ang sabi ni tita. Nung panahon kase nila mama at mommy lagi si mama yung mvp sa mga laban nya university sa volleyball.
Subra nga akong hanga kay mama eh captain sya and ang galing nya mag handle ng team nya. nakakamotive talaga
May naalala nga ako eh
FLASHBACK
"Anak may gagawin ka ba ngayon?" ang tanong ni mommy sakin habang nasa dinning area ako at kumakain habang si mommy nasa may kitchen nag hahanda ata ng lunch ni mama."Pwedi bang ihatid mo to sa mama mo?"
"Sure mom after ko kumain" ang sagot ko naman kay mommy at binilisan ko pagkain para makapunta na ako agad kay mama.
"Atchaka nga pala wag mo kakalimutan na sabihin sa mama mo na wag syang mag papastress ah?" ang sabi ni mommy sakin at kiniss ako sa pisnge."Ingat ka papunta don"
"Yes mommy!" ang sagot ko at umalis an ako ng bahay at pumunta ng school para ideliver kay mama yung lunch nya.
Pagdating ko sa school ay pumasok na ako loob. dumiretso naman ako sa may office ni mama para ihatid to pero pagdating ko walang tao.
Sakto namang bumukas yung pinto ng office ni mama kaya napatingin ako don.
"Ahmm hello po ano pong ginagawa nyo sa office ni Mrs.Syrile?"ang tanong ng babae na kaage ko.
" Ahm... ihahatid ko lng sana tong lunch nya nasaan sya mama?"ang tanong ko sa babae napakunot naman sya ng noo kaya nag taka ako."A-ahh! sorry ako nga pala si Chris Sy Clayton anak ako Ni Syrile at Charlize Clayton"
"Ay ganon ba pasensya na ah kala ko kase may appointment ka sakanya busy kase sya ngayon nandoon sya sa gym" ang sabi nya sakin sabay ngumiti sakin.
"Ahh salamat salamat punta nalang ako don" ang sabi ko sabay tumango sakanya."Btw nasaan pala yung gym dito? hehe sorry kung hindi ko alam"
"Samahan nakita" ang ngiti nyang sabi kaya pumayag ako at umalis na kami ng office ni mama. pagdating namin sa Gym ay nakita ko si mama na busy sa pakikipag usap sa volleyball players na athlete dito sa school.
"I'm sorry po mrs.Syrile kung hindi maayos yung practice namin kase.. nawawalan na kami ng pag asa natalo namin yung last game namin at lalo na ngayon na magagaling yung mga kalaban" ang sabi ng isang player kay mama.
"Opo atchaka may injured din kase si Valentina kaya po nag hahanap po ng ipapalit sakanya" ang sabi ng isang player.
"May nahanap na ako atchaka ano ba kayo? wag kayo mawalan ng pag asa minsan talaga natatalo ka don mo matutunan yung pag kakamali mo sa pag katalo atchaka ok lng naman kung ganon nangyari eh bumawi nalang kayo sa next na laban nyo ok? atchaka wag kayo panghinaan ng loob dahil wala sa athlete ang mahina ang loob" ang sabi ni mama sabay hinawakan nya yung isang player sa balikat."kaya nyo yan may tiwala ako"
Ngumiti naman si mama sakanila kaya napangiti din ako nakakamotive yung sinabi nya for me hindi na talaga ako mag tataka kung bakit sya naging captain dati.
napatingin naman sakin si mama at lumapit sakin.
"Kanina ka pa ba nandito?" ang tanong ni mama sakin sabay napatingin sa hawak ko."Ayan na ba yung lunch ko?"
"Oo ma pinahatid sakin ni mommy wag ka daw mag papakastress" ang sabi ko kay mama napangiti naman sya sabay inabot ko yung lunch nya."Kumain kana din ma"
"Thank you nak" ang sabi ni mama sabay tumingin muna sya sa mga players before kami umalis don.
END FLASHBACK
------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
A/N:Next UD yung Bot
BINABASA MO ANG
Clayton Series #7:Emerald
Любовные романыSometimes the things that we deem perfect are nothing but a pathetic hurtful facade. And no matter how good you think you are at figuring things out, you cannot anticipate the unexpected. I'm Chris Sy Clayton daughter of Charlize Anne Clayton and Sy...