HAVEN POINT OF VIEW
"Nasaan si kim?" ang tanong ko sa secretary ko habang nag lalakad kami sa hallway breaktime ngayon but may ipapagawa akong powerpoint kay kim.
"Nandoon po sa department nila" ang sabi ng secretary ko kaya pumunta kami sa may department nila kim at nag taka naman ako nung pagdating namin don ay busy sila sa panonood.
"What's happening here?" ang tanong ko sa mag employees ko na nag kakagulo sa room kung nasaan yung office ni Kim. napatingin naman silang lahat.
"Miss.Haven"ang sabi nila nung nakita nila ako hinanap ko naman si Kim na nakatingin sakin.
" What's happening here?"ang tanong ko sakanila at tumingin sa monitor kung saan sila nanonood."Ano meron?"
"Ah nanonood po kami ng laban ng phantoms at Jacks live po kase" ang sabi nila."Nandoon po si Miss.chris"
Lumapit naman ako sakanila at tumingin sa screen kung saan sila nanonood at sakto namang pinakita sa screen si chris na nag pupunas ng pawis.
"Ang galing po ni Miss.Chris halos sya po yung nakakascore lagi" ang sabi ni Kim sakin habang nakatutok yung attention ko sa panonood.
4th quarter na at nangunguna sila chris sa score.
"Mananalo na yan sila kase ang gagaling ng phantoms lalo na yung number 7" ang sabi ng employee ko.
Napangiti naman ako habang pinapanood ko yung galaw ni Chris ganon padin talaga galaw nya tulad ng dati pero mas lalong bumilis yung ngayon at mas lalo syang naging hype sa paglalaro.
Makalipas ng ilang minuto na laro nila ay tinambakan na nila chris yung jacks.
*PRIIT!!*
"WOOAHH! sabi na eh!" ang masayang sabi ng mga employees ko nung nanalo sila chris at si chris pa yung last shot non lay up nya pa."Ang galing talaga Ni miss chris!"
"Ang galing talaga ng girlfriend nyo Miss Haven" ang sabi sakin ng secretary ko napangisi naman ako well magaling ako pumili eh.
MVP si Chris first game nya yan pero mvp I'm so proud of my girlfriend grabe ang galing nya talaga
"The new Mvp of phantoms!" ang masayang sabi ng mga member nga phantoms habang buhat buhat nila si Chris. Si chris naman natatawa nalang na parang gusto nang bumaba sa pag kakabuhat sakanya.
Pagkatapos ko manood non ay lumabas muna ako ng office ni kim at kinuha ko phone ko at tinawagan ko agad si Chris.
"Hello hon" ang bati ni chris sakin pag sagot nya.
"Congratulations hon napanood ko game mo" ang sabi ko kay chris."Ang galing talaga ng girlfriend ko"
"Thank you hon!" ang masayang sabi ni chris."I love you so much!!"
"I love you more" ang sagot ko habang nakangiti.
After a month na wala si Chris nakakalungkot at nakakamiss sya nasanay kase akong nandyan sa around me pati si Janella namimiss sya but we always calling her routine nadin.
hayss gusto ko na sya mayakap.
Habang kumakain ako ng breakfast ay narinig ko may tumawag sa phone ko kaya kinuha ko ito agad at sinagot yung tawag.
"Hello haven speaking" ang bati ko agad.
"Hello Haven apo" ang rinig kong boses ni lolo kaya napatigil ako sa pagkain."How are you?"
"Lolo.." ang tanging sabi ko lng.
"Kailan pa dumating si Lolo?" ang tanong ko kay Vincent habang nag babyahe kami papunta sa bahay."Bakit naman hindi nyo ininform na dadating si lolo?"
"I don't know ate kase tumawag lng din sakin si lolo" ang sabi ni vincent. Napailing naman ako biglaan pagdating ni lolo and kinakabahan din ako dahil knowing lolo he's homophobic yes yung relationship namin ni Chris public but hindi alam ni lolo yun kase hindi naman sya mahilig mag social media and hanggat maari tinatago namin kay lolo about it.
"What if alam ni lolo yung relationship namin ni chris?" ang tanong ko kay vincent."Alam kong magagalit yun"
"We all know about it kaya nga lahat ng IT ni Dad diba hinihide nila yung ipopost nyo and about sa mga articles ayaw ni dad na makarating kay lolo" ang sabi ni vincent napabuntong hininga naman ako nakakatakot kanina boses ni lolo."Btw where's Janella?"
"Nandoon kala tita" ang sabi ko habang nag dadrive."Don ko muna pinastay"
Pagdating namin sa bahay ay binati kami agad ng mga maids namin and dumiretso kami agad sa dinning area.
"Good afternoon" ang bati namin ni Vincent at nag bow kay lolo na kumakain kasama sila mommy.
"Nandito na pala kayo" ang sabi ni Lolo at napatingin pa sakin."Kanina ko pa kayo inaantay"
"I'm sorry may inasikaso lng saglit" ang panghihingi ko ng tawad. sumenyas naman si Lolo na umupo kami kaya umupo na kami ni vincent.
"I just wanted to say a goodnews sainyo" ang sabi ni lolo kaya nag taka ako at tumingin sakin."Nakausap ko yung kakilala ko and i want to arrange marriage my grand daughter na si Haven sa Pinaka mabait nilang anak na si James"
"WHAT?!!" Ang gulat kong sabi at napatingin naman ako kay lolo ng gulat na gulat."No way lolo why?!"
"Why apo?" ang tanong ni Lolo
"Why lolo? Bakit naman?" ang tanong ni Vincent."bakit naman arrange marriage?"
"Bakit? tradition na to right?" ang tanong ni Lolo at naging seryoso ang mukha napatingin naman ako kala mommy at daddy."Why?"
"I have a girlfriend lolo i can't accept that proposal" ang sabi ko ayaw kong itago to dahil mahal na mahal ko si Chris ayaw kong malayo sya sakin.
"Girlfriend? Are you gay haven?!" ang tanong ni lolo."kailan pa to?!"
"Dad" ang pag papahinahon ni mommy kay lolo dahil tumataas na boses nya sakin."Calm down"
"Kailan pa to HavenLee Jean Xie?!"ang tanong ni lolo sakin habang seryoso yung itsura sakin."Binibigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin Haven! Xie tayo kilala tayo sa china tapos gaganyan ka?!"
"lolo mahal ko sya at oo I'm gay just for her!" ang sagot ko kay lolo at umiling."Hindi nyo po ako mapipigilan"
Tumayo naman ako sa pag kakaupo ko at nag lakad paalis. Ngayon lng ako nag karoon ng lakas ng loob na sumagot knowing lolo magagalitin yan.
"HINDI KAYO MAGIGING MASAYA IPAG TATABUYAN KA DIN NYA HAVEN!" ang sigaw ni lolo pero hindi ko na pinansin.
-------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
![](https://img.wattpad.com/cover/310021810-288-k373718.jpg)
BINABASA MO ANG
Clayton Series #7:Emerald
RomanceSometimes the things that we deem perfect are nothing but a pathetic hurtful facade. And no matter how good you think you are at figuring things out, you cannot anticipate the unexpected. I'm Chris Sy Clayton daughter of Charlize Anne Clayton and Sy...