CHAPTER 52

1.2K 38 27
                                    

CHRIS POINT OF VIEW

"Welcome to our Team Chris" ang bati agad sakin ng coach namin pagdating ko sa dorm ng team."Welcome na welcome ka dito"

"Thank you" ang ngiti kong bati all member ng phantom filipino ang phantom ay isa sa pinaka magaling sa NBA na filipono team sa ladies.

Kaya maraming bumuo ng team sa NBA na mg filipino din para matalo nila yung phantom na isa sa legendary team sa NBA

"Let's go sa dorm mo hinahanap kana din ng mga karoom mates mo" ang sabi ni coach sakin tumango naman ako at sumunod sakanya sa paglalakad.

Pagdating namin sa isang room sa third floor ay kumatok na si coach bago buksan yung pinto.

"Girls nandito na yung kateammate nyo na bago at kadorm" ang sabi ni coach sa dalawang babae na nag aayos ng buhok napatingin naman sila sakin."Chris"

Pumasok naman ako sa loob at ngumiti sakin yung dalawa kong ka dorm mate.

"Sige na maiwan ko na kayo" ang sabi ni coach at sinara yung pinto.

"Chris right? Napanood namin yung bawat game mo dati sa tournament sa ng mga university ang galing ng galaw mo"ang ngiting sabi sakin ng isang babae na tinatalian ng babaeng nasa likod nya.

"True kaya hindi na ako mag tataka na yayain ka ng team na sumali ka kase napaka galing mo" ang sabi ng isa na babae."Btw I'm Charm at ito si Jae"

"Matagal na ba kayo na nandito sa team?" ang tanong ko sa dalawa at binaba yung gamit ko.

"Siguro mga 1 year na" ang sabi ni Jae pagkatapos nila mag tali ng kanya kanyang buhok ay tinulongan nila ako mag ayos ng gamit ko."Btw girlfriend mo diba si HavenLee Jean Xie?"

"Yes why?" ang tanong ko sabay tumingin sakanila."Bakit?"

"Kase sila yung may ari ng team na biggest rival ng team natin yung Thunders" ang sabi ni  Charm sabay tumingin sakin."Mahirap kalabanin team nila simula nung nawala si Hans dito sa Team"

"Oo si Hans kase yung kaya makipag sabayan sa new captain ng Thunders subrang bilis nya gumalaw as in" ang sabi ni Jae."Kaya tuwing nag lalaro kami at kalaban namin sila panay kami sub ni Charm kase nakakapagod sya bantayan kailangan ng subrang higpit na bantay"

"Sino ba yung team ng Thunders?" ang tanong ko sabay umupo ako sa higaan.

"si Chan" ang sabi ni Jae sabay may pinakita sya saking clip ng galaw ni Chan sa youtube. Nakita ko na subrang mabilis talaga sya gumalaw para syang shadow na mabilis makawala sa kalaban."Kaya sakto mukhang kaya mo syang sabayan"

"Baka nga mahigitan mo sya eh" ang sabi ni Charm."Kase base sa mga galaw mo nung napanood namin laro mo kunting practice pa mahihigitan mo si chan"

"Tingin nyo?" ang tanong ko at napaisip ako hindi ko alam kung kakayanin ko ba yang galing ng chan na yan pero parang naeexcite ako kalabanin sya kase ngayon nalang ulit ako makakaencounter ng ganyan kagaling na kalaban na gusto ko yung thrill at magaling.

"Oo may tiwala kami sayo chris" ang ngiting sabi ni Charm sakin sabay nag thumbs up si Jae at ngumiti din sakin.

Hindi sila mahirap pakisamahan kase friendly sila.


Makalipas ng isang linggo ay panay kami training sa umaga basic trainings tapos sa hapon pinamamatch kami hinahati kami sa dalawang groupo at pinag lalaban laban.

naging kaibigan ko yung mga kateam ko dahil mababait silang lahat palakaibigan tulad nila Jae at Charm kaya tuwing breaktime namin panay kami kwentohan at minsan naman pag pahinga namin ay namamasyal kami sa labas mall.

sa loob ng 1 week na nandito ako ay lagi kong tinatawagan si Haven at kinakamusta ko sila lagi ni janella.


"Kamusta practice hon?" ang tanong ni Haven sakin habang kumakain ako ng dinner nag cacall kami ngayon sa laptop ko dahil namimiss ko sya.

"okay lng hon nakakapagod lalo na't may laban next week at ako pa yung isasabak sa first five" ang sabi ko habang kumakain tumingin naman ako sakanga sa screen busy din sya mga papers."Wag ka masyadong mag pastress dyan okay?"

"hay hon namimiss na kita need ko na ng hug mo" ang malungkot nyang sabi sabay napahilot sa sintido."Marami din kase ako kailangan asikasohing papers ngayong linggo"

"if i was there kanina pa kita niyayakap, pero kahit wala ako dyan hon yakapin mo nalang yung unan ko amoy ko naman " ang ngiti kong sabi kinuha naman nya agad yung unan na lagi kong gamit at niyakap nya yun. Nalungkot naman ako dahil namimiss ko na sya kahit 1 week palang kami nag hihiwalay.

"I love you so much hon uuwi ako next month okay?" ang bilin ko sakanya

"I love you more hon namimiss na kita" ang sabi nya sabay Bumuntong hininga."aantayin kita next month ah?"

"Yes hon" ang ngiti kong sabi kay Haven.



Pagdating ng first laban ko sa NBA ay parang kinakabahan ako kase international na to at the same time naeexcite kase ito na yung pangarap ko yung makapag laro sa international basketball game.

First game ko to kaya gagawin ko best ko para mapanalo to.

"Goodluck satin Chris" ang sabi ni Gab na kasama ko sa first five sabay tinapik pa ako sa balikat."Wag ka kabahan"

"Salamat goodluck satin" ang sagot ko sakanya ngumiti naman sya sakin tumingin naman ako sa paligid ng court at maraming nanonood ngayon na mga tao at nasa kabilang side yung mga kalaban namin kaya tinignan ko din yung mga makakalaban ko para kabisado ko mukha nila.


"Everyone are you ready for Phantoms vs  Jacks?" ang tanong mc nung mag sisimula na. Agad naman nag ingay ang mga audience


"wooohh! PHANTOMS PHANTOMS!"

"GO GO JACKS JACKS!"


kanya kanyang cheer ang bawat audience habang ako kinakabahan na naeexcite na.

"Okay! Let's call the first 5 line up in Phantoms, Number 7 Clayton, Number 24 Ford, Number 34 Crowford, number 01 Handrix, Number 45 Lee." ang pag tawag samin ng mc kaya pumunta na kami sa court habang nag titilian yung mga audience.

Pagkatapos ay tinawag natin ang first 5 line up ng kalaban namin at nag puntahan na din sila sa court.

Ang Jump ball namin ay si Crowford dahil mas mataas sya tumalon kaya nyang makipag sabayan sa Jump ball ng Jacks.

*PRIIIIT!*

agad naman naging alerto yung dalawang Jumpball pag hagis ng bola ay agad na tumalon yung dalawa at nakuha agad ni Crowford yung bola kaya tumakbo kami agad lahat sa court ng kalaban.

Pinasa naman agad ni crowford kay ford yung bola at agad syang hinarangan ng dalawang kalaban kaya napatingin agad sakin si Ford. At pinasa nya agad yung bola sakin.

Agad naman may humarang sakin na dalawang kalaban at kaya drinibble ko ng pa v yung bola at nag isip ako ng way pano makatakas sa dalawang tao.

Pumunta naman ako agad sa right side nila kaya blinack nila agad ako at pinasa ko agad kay Lee ung bola kase isa lng yung nakabantay sakanya at malapit sya sa Ring

agad sya tumakbo papunta sa ring at nag lay up

0-1

------------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

A/N:Don't judge me po hindi po ako marunong masyado mag detailed ng Basketball

Clayton Series #7:EmeraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon