OL 45: Finally!

2.8K 47 18
  • Dedicated kay Reza Lentejas
                                    

'Special ang chapter na to para sa akin kaya sa special na tao ko din to idededicate. Siya yung dakilang reader ng OL na madalas ay pinagtataguan ko! Hahaha. Kasi naman lagi niya akong chinachat, "Ate, kelan ka mag'U-UD?" "Ate, mag-UD ka na!" Kaya naman kapag nakita kong on-line siya. Off-line agad ako!  Wahahahaha. Ngayon, alam niyo na? Hahaha. Magpopost pa yan sa MB ko minsan. Hahaha. But, I love her despite of her kakulitan. <3 I really do!

Dedicated to @RezaLentejas. Maraming salamat sa lahat ng pangungulit mo sa akin! :"> Dahil sayo, minsan napipilitan akong mag-UD ng OL. Hahaha! Eto na bebe, enjoy reading! Keep safe! <3

Enjoy reading folks! :">

Play the song at sana magustuhan niyo! I personally love the song that I put here on this chapter. Hahaha.

Feel free to COMMENT and VOTE.

-Temarrie / Nics ♥

*****

SASKIA'S POV

Tok...tok...tok...

Dali-dali kong iniayos at ibinalik sa drawer ng cabinet ko ang lipstick na ginamit ko. Pagkatapos ay agad kong dinampot ang nakita kong hair brush. Damn it! Sobrang natataranta na ako.

"Saskiaaaa! Hurry! Bilisan mo nga!" Si Fiona, na kanina pa sigaw ng sigaw at walang humpay sa pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Lalo tuloy akong natataranta sa ginagawa niya.

"Oo na! Wait, okay?! Mas excited ka pa sa akin eh! >.<"

"Kasi naman eh, bukas ka pa ata matatapos dyan! Nagtext  na sa akin si Gino, malapit na daw siya. Nasa kanto na."

"Waaaahhh! Ano?! Okay. Wait! Wait! Huwag kang magulo matatapos na ko!" sigaw ko kay Fiona habang patuloy sa pagsuklay sa buhok ko.

Peste! Narinig ko lang ang pangalan ni Gino, nanginig na ang kamay ko! Woooh.! Bigla akong kinabahan. Pag-ibig nga naman. Tsk -_-

Maya-maya kumatok na naman si Fiona. "Nasa labas na si Gino at kausap na ng mama mo. Bilisan mo! Daliiiiii!" patiling sabi ni Fiona. Syet! Lalo akong kinabahan ngayong alam kong nasa labas lang sya. Ano ba to?! Para akong tanga! Tsk. Peste ka Saskia! Si Gino lang yan! Hindi yan si Chris Tiu! Kaya wag kang mag-inarte. Okay?!

Inhale.

Exhale.

 Inhale.

Exhale.

Nang maramdaman kong medyo bumagal na ang tibok ng puso ko, tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a  black sleek knee-length dress. Hinayaan ko lang nakalugay ang long brown hair ko. (As seen in the multimedia. Tingnan mo! Daliiii! :">) Okay na siguro tong itsura ko. Peste! Bahala sya. Kung mahal nya talaga ako, kahit anong itsura ko dapat tanggap nya. Love me for who I am!

"How do I look? Okay na ba?" tanong ko kay Fiona ng makalabas ako sa kwarto ko. " Hoy! Ano nga?! Makapal ba yung blush-on ko? Yung lipstick ko baka lagpas-lagpas! Look at my eye liner, baka nagkalat na! Yung suot ko bagay ba?! Eh yung buhok ko magulo ba?" Niyugyog ko ang balikat ni Fiona dahil hindi nya ako sinasagot. "Hoy! Tae ka naman eh! Ano nga?!"

"Ang ganda mo, friend." usal nya.

"Peste! Ano nga kasi?"

"Tanga ka ba o bingi? Ang ganda mo nga! Gusto mo iispell ko pa? Letter G-A-N---------"

"Puro ka naman kalokohan eh! >.<"

"Ang kulit mo kasi! You're pretty. There's nothing wrong with your dress, your hair nor with your make-up. You're perfect." seryosong sabi ni Fiona sa akin. Nakatingin sya sa akin ng diresto. Kaya alam ko, she's telling me the truth. "Tara! Labas na tayo. Baka tinubuan na ng ugat sa labas si Gino'babes mo."  Magkahawak kamay kami ni Fiona palabas ng bahay namin. Sa labas, naabutan namin si Gino at si Mama na nag-uusap.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon