OL 15: The Untold Stories

3.6K 33 8
                                    

POV pa rin po eto ni Gino :))

_____________________________________

*Gino's POV

Saturday. 

11 am

Nasa bahay na namin ako. Malapit lang naman kasi yung bahay nila Jigger.

Isang tricycle lang. Nagdecide ako umuwi agad kasi may lakad pa daw si Jigs.

Mejo puyat ako kaya nahiga na lang ako. Hindi rin naman kasi ako makatulog.  Iniisip ko si Saskia. Iniisip ko kung pano ko siya nakilala. Naalala ko yung hayskul days namin.

FLASH BACK. FLASH BACK.

1st week ng July, 3rd year pa lang kami.

It was around 5pm. 

I was sitting on a bench near our canteen. Hinihintay ko yung mga barkada ko. Bumibili kasi sila sa canteen. Ako naman pinapanuod ko lang yung mga nadaan sa harap ko. You know, girls hunting?!

Acquaintance Party kasi namin. 

Everyone is wearing their most beautiful dress, malamang. Kaya magandang magtingin-tingin tapos wala akong girlfriend.

"Ano par may nakita ka na bang bebot?" si Liam.

Nagulat ako ng magsalita siya mula sa likuran ko. Nakabalik na pala sila.

"Sa 1st year pare marami." si Harry.

"Sus. Kumbaga sa mangga, eh bubot pa yung mga yun!" -si Jigger. Best friend ko.

"Oo nga. Tama si Jigs! Wala talaga kayong taste! Mamaya hindi pa nga nagkakaroon tapos popormahan niyo na? Okay lang kayo?" sabi ko. Nakaupo pa rin ako sa bench. Umupo na sa tabi ko si Jigs. 

Habang si Harry at Liam ay nasa likuran namin, nakatayo at nakain ng tokneneng. Iyong itlog na pinagulong sa harina at food color na orange. Big version ng itlog pugo kasi itlog ng manok siya.

"Bastos Par ah! Nakain kaya ako." sabi ni Harry.

Hindi na ako sumagot. Habang sila nagtatawanan. Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila.

Somebody caught my attention. Nakatikod siya. She's wearing yellow skinny jeans and a black shirt. 

Sexy niya! S-E-X-Y talaga.

Hinintay ko siya humarap. Baka kasi hipon. Katawan lang ang maganda. Tagal niya humarap. Nakikipagkwentuhan kasi siya. May kalayuan sila samin.

"Par, sino ba yang tinitingnan mo? Kanina ka pa namin kinakausap." tanong ni Liam na tinapik pa ako sa balikat.

"Sssshhh!" sabi ko.

"Yung naka red ba?" Harry asked.

"Baka yung naka-pink." sabi ulit ni Liam.

"Yung naka-black yan tas nakayellow. Eh yun lang naman ang sexy dyan eh!" sabi ni Jigger.

Wala naman kasing ibang tao sa direksyon na tinitingnan ko kundi ang grupo ng babaeng tinitingnan ko.

Maya-maya pa, humarap na siya.

Hindi siya panget! MAGANDA siya! M-A-G-A-N-D-A!

Heck! Kailangan ko malaman ang pangalan niya.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon