OL 34: Wanna Have Fun

3K 30 9
                                    

 A/N:

Hello folks! :))

Namiss ko kayoooo! 

Namuo ang tensyon sa previous chapters. May mga nagalit kay Gino at Saskia! Kaya pahinga muna tayo sa kaguluhan nilang dalawa. XD Atsaka nagtatago si Gino dahil natatakot sa gang rape niyo! Hahaha!

This chapter is not made to offend someone or a group of people. Kung anuman pong mababasa niyo, don't take it seriously! Kinakailangan lang ng pagkakataon at ng kwento ang ilang mga bagay na nakapaloob sa part na to! Yun lamang! Thank you! :))) Love you all!

Let's get it on! XD

Feel free to COMMENT and VOTE. ♥

Enjoy reading!

___________________________________________________

"Hello?"

[Hello Saskia?! Good morning!] masiglang bati ni Rozen sa akin na nasa kabilang linya. Feeling ko habang sinasabi niya yun ngiting-ngiti siya.

Napangiti din tuloy ako. Nakakahawa ang kasiyahan niya. Maliligo na sana ako ng bigla siyang tumawag. 7:30 pa lang ng umaga.

"Oh?! Ang aga mo naman tumawag. Anong meron?"

[Wala lang! Namiss lang kasi kita.] May kalandian ang dating ng boses niya.

"Ang aga mo na nga tumawag, ang aga mo pang mambola! Bakit ka nga napatawag?" natatawang sabi ko.

[Hahahah! Hindi bola yun. Totoo yun! Anyway, yayain lang sana kita lumabas.]

"Treat mo? Kailan ba?" *grins

Siyempre dapat makasigurado ako na libre niya bago ako pumayag, diba? XD

[Oo naman treat ko. Ngayon sana. Sunduin kita diyan sa inyo by 11 AM? Okay lang ba?]

"Nga--yon? Eh kasi Roz, may lakad ako eh."

Sayang naman! Wrong timing!

[Ahh..Ga--ganun ba? Importante ba?] sabi niya. May kalungkutan ang boses niya.

"Oo. Magpapaenroll kasi ako eh." sagot ko.

Last day na ng enrollment namin. Hindi ko na pwede ipagpaliban pa. Papagalitan na ako nila mama. Sayang talaga! Masarap pa naman kasama si Roz! Idagdag mo pa ang pagiging galante niya. Tsktsk

[Sasama na lang ako sayo. Pwede ba? Tapos diretso gala na tayo!] Muling sumigla ang boses niya.

"Sa--sama ka?" tanong ko.

Sigurado siya? Sasama siya?  

Patay tayo diyan! Nadala ko na nga si Gino sa school tapos ngayon si Roz naman? Magmumuka naman ata akong lalakero niyan sa mga mata ng mga classmates ko! Eeerr. -___-

[Oo. Kaso ayaw mo naman ata eh.] sagot niya. May himig ng pagtatampo sa boses niya.

"Hindi naman sa ganun. Maiinip ka lang kasi dun eh."

Nilambingan ko ang boses ko.

"Sabi mo eh." sagot niya sa boses na halatang nagtatampo.

"Sige ganito na lang, magkita na lang tayo sa bayan mga 11. Pipilitin ko matapos agad sa pagpapa'enroll. Okay ba yun sayo?"

Waaaaahh!  Para akong nakikipag-usap sa bata. Kailangan malambing, kailangan ipaunawa mo maigi. Hahaha! Nakakatuwa lang.

[Talaga?]

Napangiti ako. Ang sigla-sigla na ulit ng boses niya.

"Opo. San ba ruta natin mamaya?" natatawang tanong ko.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon