OL 40: Starting Over

2.8K 60 22
                                    

A/N:

Kung umabot ka pa sa chapter na to, thank you so much!

Omaygad! Napagtiyagaan mo ang story ko?! Hahaha.Clap! Clap! Ikaw na!  But SRSLY, thank you talaga! :-*

And as I promised, here is my UD since we've reached 44 Votes on the previous chapter. Yahoooo! Ang galing! Hehe. At kung kailan ang next UD, as SOON as possible. =)) O kaya kapag maraming nagcomment. Hehe. Try to leave a comment para masaya! XD

NP: Kung Akin ang Mundo

By Erik Santos

"Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,

na sana'y maging akin, puso mo at damdamin,

Kung pwede lang, kung kaya lang,  Kung akin ang mundo,

Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...♫♫♪♫♫"

LSS ako sa kanta na to dahil sa MMK kanina kaya dinownload ko! Haha XD

Kakilig yung MMK kanina nuh?!

Enjoy reading!

Feel free to comment and vote.

-Temarrie♥

____________________________________________________

*****

GINO'S POV

"Nay?!"

"Ate?!"

Sigaw ko habang pababa sa hagdan. Nasan na ba ang mga tao dito sa bahay namin?!

Bakit ang tahimik?

Nasan si Nanay?

Si Ate at ang mga pamangkin ko?! -__-

Bullshit!

Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak! Naparami talaga ang inom ko kagabi dahil sa sama ng loob ko kay Saskia. At eto tuloy ako ngayon lulugo-lugo dahil sa labis na pagkalango sa alak kagabi. Pathetic!

Nang makarating ako sa sala namin, sumalampak ako sa sofa.

"Oh gising na pala ang magaling kong anak!"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Nanay!  Bigla na lang siyang lumitaw at nakatayo na siya ngayon sa harap ko. Galing siguro siyang kusina.

Nakatingin siya sa akin. Masamang tingin at alam ko kung bakit. -___-

"Nay, nasan sila Ate? Bakit ang tahimik? " tanong ko kay Nanay.

Umayos ako sa pagkakaupo. Hindi ko pinahalata sa kanya ang nararamdaman ko.

"Maaga sila umalis ng mga pamangkin mo. Mamamasyal daw."  sagot sa akin ni Nanay.

"Ahhh."

"Mag-usap nga tayo, Gino!"may kalakasan ang boses ni nanay.

Patay tayo dyan!

Sermon to sigurado. -__-

"Bakit nay? Nag-uusap naman tayo ahh!" sagot ko sa kanya.

 Nakatayo pa din siya sa harap ko.

"Wag kang pilosopong bata ka! May kasalanan ka pa sa akin! San ka galing kagabi at lasing na lasing ka?!"

Nakapamewang na siya habang nakatayo sa harap ko.

"Nay, naman. Hindi naman ako lasing kagabi eh! Nakainom lang po. Tingnan niyo nga oh, hindi masakit ang ulo ko. Wala akong hung-over."  sabi ko sa malambing na boses.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon