OL 28: Te Amo Mucho

3.1K 52 30
                                    

****
SASKIA'S POV

*ring tone alert

Gino'babes calling...

"Hello?"

[Babe?]

"Oh napatawag ka?"

It's already 11 in the evening. Matutulog na nga sana ako kaso eto nga, tumatawag si Gino. Almost 5 days na kaming hindi nagkikita.  5days na din matapos kong aminin sa kanya na mahal ko siya.

Hindi pa rin kami.
However, it's better now. Mas sweet siya kahit pa hindi niya pa din sinasabi na mahal niya ako. Mas consistent at mas mabilis na siya magtext ngayon. At madalas na din siyang tumawag sa akin.

Masaya kami. Masaya naman ako kahit may kulang. I'm still waiting for those 3 words consisting of eight letters. ':(

[Bakit masama bang tumawag? May magagalit ba?] he asked.

"Wala po. Gabi na kasi eh. Bakit hindi ka pa natutulog?"

[Naiisip kasi kita eh. I miss you babe.]

*kilig!
Nakagat ko yung labi ko.

"I miss you too babe. I love you."


Napapikit ako matapos kung sabihin yun.
Hindi siya nagsasalita. Para akong naghihintay ng milagro! Milagro na baka sabihin niya na... na mahal na niya din ako.

[Sige babe. Matulog ka na. Good night! mwuuaahh.]

BOOM!
Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Biglang kumirot. Alam niyo yun?!

Ano daw?! Matulog na ko?! Good night? Anong konek?
Paksyet! Ganu ba kahirap sabihin na mahal niya ako?


Mahirap Saskia. Mahirap yun sabihin lalo na kung hindi ka niya talaga mahal. Okay na din yan kesa magpanggap siya, diba? He's just being honest to you. (sabi ng isang tinig mula sa utak ko)

"Okay. Ikaw din hah? Bye." sabi ko na lang.

Pilit kong siniglahan ang boses ko para hindi niya mahalata na nadisappoint ako. I hide the pain.


[Opo. Sige, patayin mo na.]

"Ikaw na! Ikaw tumawag eh." sagot ko.

[Eh ikaw babae eh!]

"Kahit pa. Load mo to eh! Kaya ikaw na magpatay."

[Babe naman eh! Ikaw na nga kasi eh]

"Ikaw na nga po. Please?"

[Ano ba yan? Ang ungentleman ko naman kapag ako ang nag-end nito.]

"Hindi naman eh. Karapatan mo kasi dail ikaw nga ang tumawag."

[Patayin mo na sabi.]

"Ikaw na sabi!"

[Babe, nagagalit na ako. Patayin mo na.]

"Mas nagagalit ako! Oh anu?"



Deep inside natatawa ako. Parang mga tanga lungs! Eerr.

[Kasi naman eh. Sumunod ka na kasi!]

"IKaw kaya ang sumunod!"

[Babe!]

"I miss you."

[Tse! I miss you too. Lalo lang ata kitang namiss nung tinawagan kita.]

"Bolero! Tulog na nga ko. I'eend ko na tong tawag mo hah?"

[Okay. Dream of me, my Saskia.]

My Saskia?! Bakit ganun?
Pwede niya akong angkinin samantalang siya, hindi ko masabing akin! Unfair!

"Kdot! Labyu!" sabi ko.

Then, I pressed the end button.



*sigh

Madaya ka Gino! Magulang ka! Inaangkin mo ko! Samantalang ikaw, ayaw mong mapa sa akin!


Nawala tuloy ang antok ko.
Bumangon ako. Kinuha ko si lappy ko.

Magpe'facebook na lang ako! O kaya wattpad! Buti pa sa wattpad may happy ending! Yung lovestory namin ni Gino, tragic naman ata ang ending eh! Haaayyysss!

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon