****
SASKIA'S POV
Napahinto ako sa paglalakad ng matanawan ang isang pamilyar na pigura. Nakatayo si Gino sa gate ng paaralang pinapasukan ko. I didn't know what to do. Aatras sana ako pero huli na dahil nagtama na ang mga mata namin. Pinili kong ipagpatuloy ang paglalakad ko kahit pa nanginginig ang buong katawan ko at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. I don't know why I'm acting like a high school girl who saw her crush. Darn! I shouldn't feel this way. Boyfriend ko na siya at dapat immune na ako sa ganitong pakiramdam. But, it seems like I'm not. Siguro dahil limang araw na kaming hindi nagkikita dahil iniiwasan ko siya. I don't even answer his calls or texts.
“Saskia...” usal niya sa mababang boses ng magtapat kami. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating ako sa bus stop.
“Iniiwasan mo ba ako?” Hinawakan niya ang braso ko.
“Hindi. Busy lang talaga ako sa Thesis namin.” Tipid na sagot ko tapos pinara ang parating na bus.
“Ganun ka ba kabusy para hindi man lang ireply ang mga text ko?” sabi niya ng makaupo na kami. May himig ng pagtatampo sa boses niya.
“Sorry.”
“Sorry? Yun lang? You owe me an explanation, Saskia! My god! Mamatay na ko sa pag-aalala sayo. Minsan kapag tinatawagan kita, nakapatay yung phone mo. May problema ba tayo? May kasalanan ba ko sayo? Tell me.”
Hindi ko siya nilingon dahil ayokong mabasa niya ang nararamdaman ko. Why do I have to explain? Siya nga, hindi niya alam iyong kasalanan niya sa akin eh. Bakit ako magpapaliwanag? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari noong monthsary namin. Hindi lang puso ko iyong nasasaktan pati din iyong pride ko. Pakiramdam ko nagmukha akong tanga dahil mas pinili niya yung ex niya kesa sa akin na mahal daw niya. Darn!
“I'm breaking up with you...” walang kagatol-gatol na sabi ko na hindi man lang siya tinitingnan.
“You're what? Breaking up---iiwan mo na ko? No! Hindi ako papayag, Saskia. Maayos natin to. Wala naman tayong pinag-awayan diba?”
“I'm not asking for your permission. I'm breaking up with you whether you like it or not.” Nakita ko ang paglatay ng sakit sa mukha niya at pagguhit ng takot sa mga mata niya. He hugged me and burried his face on my shoulder.
“No. Nagbibiro ka lang, diba? Nagpapamiss ka lang sa akin kaya hindi mo ko tinetext. I miss you damn much, Saskia. Umayos ka na oh!”
“Maayos ako. Ikaw ang umayos. You're acting so pathetic! Madami pang babae dyan. Let go of me.” Pilit kong pinapatatag ang boses ko kahit sa totoo lang nanlalambot na ang mga tuhod ko.
“I won't. You know how much I love you. We've been through a lot of storms. Ngayon pa ba tayo susuko? Umayos ka na kasi! Hindi ako natutuwa sayo.”
“Sinabi ko bang matuwa ka sa akin? Wag mo nga kong hawakan!” Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.
“Isa! Sabi ko hah, umayos ka na! Hindi pa tayo break!”
“Kahit magbilang ka pa hanggang one hundred dyan, wala akong paki!”
“Hah! Galit na talaga ako sayo!” Humalukipkip siya.
“Mas galit ako sayo.”
“Mas galit na galit ako sayo. I hate you! Hindi na kita mahal.”
Hindi mo na ako mahal kasi si Quincy na ulit yung mahal mo. Pakiramdam ko tinusok na naman ng mga aspile ang puso ko. Peste! Kahit anong pigil ko, eh talagang nakakapagselos talaga. Nakakagalit. Nakakagigil.

BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
Ficción GeneralMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T