****
"What can you say about the place?"
"Wow, Sir! Ang ganda po. Sobrang ganda. O__O" sabi ko.
"Parang Bora, eh nuh?" sabi naman ni Fiona.
It's Saturday! 3 days na matapos ang Alumni Homecoming.
Andito kami ngayon sa Puerto Azul. Ilang bayan lang to mula sa amin.
Grabeeee! Ang ganda dito! Breath taking yung tanawin.
White Sand! Parang Boracay lang! Yun nga lang wala pa ganung malalaking mga hotel kasi hindi pa ganu nadedevelop.
It's a virgin Island!
"Oh, sige buhatin niyo na yung mga gamit niyo. Sumunod kayo sa akin." sabi ni Sir Gosiaco.
Si Sir Gosiaco, ang PE Teacher namin nung High School. Birthday niya ngayon kaya andito kami. Treat niya daw kasi kami ng outing. Yun nga lang mga piling students niya lang dati. Mga 20 lang kaming napili.
Maswerte kami ni Fiona dahil kasama kami sa mga paborito niyang estudyante! Biglaan lang to. Pauwi na kami nung Alumni Homecoming ng makasalubong namin siya. Hiningi niya yung number ni Fiona dahil iinvite nga daw niya kami sa birthday niya.
Trololololo! SWERTE! ^___^
****
"Buti na lang lagi natin binobola si sir Gosiaco noon!" natatawang sabi ni Fiona.
"Oo nga! Nagbunga ang mga pambobola natin. Akalain mo yun?!"
Natatawa din ako. Kung sinusuwerte ka nga naman. Tsktsk. Andito na kami ngayon ni Fiona sa Cottage namin. Kaming dalawa ang magkasama sa cottage. Over night kami, bukas pa ng hapon ang uwi namin.
At dahil nga wala pang mga hotel dito. Cottage lang ang tinutuluyan namin na may dalawang kama, may CR, may mallit na cabinet, may TV at electricfan.
Ayoooos na to! Hayahay ang buhay! XD
"Lalabas ako. I'll go for boys hunting. Sama ka?" si Fiona na nagpapahid ng lotion sa mga braso niya.
"Ayoko. Dito na lang ako."
Nakahiga na ako sa kama.
"KJ mo! Sama ka na!"
"Ayoko nga. Manunuod na lang ako dito."
Binuksan ko yung TV.
"Friend, seryoso. Hindi ka pa nakakamove on kay Reid?" Fiona asked. Lumapit siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Nakahiga pa din ako.
Napatawa ako ng malakas. Reid is my ex-boyfriend. Well, isa pa lang naman ang ex ko except kay Gino. Oo, siya yung nakipagbalikan sa akin at pinili ko kaya iniwan ko si Gino.
"Ano ka ba?! Matagal na yun! Natanggap ko na...na hindi talaga kami para sa isa't- isa." natatawang sabi ko.
"Sure ka? Eh bakit hindi ka pa nagboboyfriend ulit?"
Bakit nga ba Saskia?! Ngayon ko lang din yan natanong sa sarili ko.
"Kasi I want to enjoy my freedom. Matagal akong natali sa isang relasyon. Ngayon ko pa lang ineenjoy yung kalayaan na matagal na wala sa akin." paliwanag ko.
Seryoso ako sa sinabi ko. Totoo iyon.
Tumayo na siya.
"Sabi mo eh. Basta hah? Okay ka lang dito?"-Fiona
"Oo naman." I smiled at her.
"Itext mo ko kapag may kailangan ka. Isarado mo yung pinto."
"Opo. Ikaw mag-ingat ka hah?!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
Fiksi UmumMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T
