A/N:
Hey readers! Wanna say thank you sa mga nag-add ng OL (Occasional Lovers) sa RL (Reading List ) nila. Salamat po! :)) Nakakataba ng puso. Keep on reading pips! ^__^ Enjoy...
Si Rozen, nasa right side... Look! Ayun siya-------------------------------->
Yan yung itsura niya sa lakad nila ni Saskia.
*****
It's a brand new week. Wanna say hello to a new hope and a new beginning. It's been a week nung huli kaming magkausap ni Gino. Siguro hanggang dun na lang din yun. Ayos lang! Matatahimik na buhay ko lalo na't dinatnan na ko. Yahoooo.! Lakas ko talaga kay God. He never let me down. Minsan nga, nahihiya na ako sa kanya kasi alam ko I'm not worthy of his unconditional love. Araaayyy! Pakadrama! Pagbigyan! Minsan lang eh. Hehe.
Anyway, nasa biyahe nga pala ako ngayon. I'm on the way to the nearby shopping mall. Niyaya kasi ako ni Rozen na manuod ng Sine. At bilang isang Filmaholic, gora ako jan! Ayan. Andito na ko sa mall. Malapit lang naman kasi. 20mins. lang biyahe mula samin.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Prestoooo! I'm here na sa Foodcourt. Ayuun! Natatanaw ko na si Rozen nakaupo sa corner part ng Foodcourt. Kumakaway siya sakin habang palapit ako. Bakit parang...parang ang gwapoo niya ngayon? Baka dati na at ngayon ko lang napansin! Bahala siya. Movie ang pinunta ko dito at hindi siya.
"Hi Saskia. I'm glad you came." sabi niya ng makalapit ako sa kanya. Tumayo siya para alalayan ako sa pag-upo.
"Thanks Roz. Why wouldn't I? Filmaholic ako tas libre pa. Go lang ng go!" sabi ko ng makaupo na ako.
"Hmmmp.Yun lang pala. I thought gusto mo ako makasama kaya ka pumayag." he said in a sad voice.
"Anooo? Malisyoso ka palang tao? Hindi maganda yan friend!" sabi ko na napatigil sa pagbubukas ng bag. Hahanapin ko sana phone ko pero nagulat ako sa pinagsasabi ng lalakeng to.
"Friend? Ouch. Sakit. Sakit nun Saskia!" sabi niya na nakahawak pa sa dibdib niya.
"Magtigil ka nga! Muntanga ka kamo." at pinagpatuloy ang paghahalukay sa bag ko. Hindi ko mahanap ang phone ko.
"Hahahaha! Joke lang yun. You're so cute pala kapag naiirita. Lagi nga kitang iinisin. Hahahaha!" natutuwang sabi niya. As in tuwang-tuwa.
"Try mo lang. Makikita mo hinahanap mo." sabi ko sa kanya ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Kasi nga busy ako. Buseet na phone yan! Ayaw magpakita.
"Ano ba yang hinahanap mo? Kanina ka pa jan ahh." he said while staring at my bag.
![](https://img.wattpad.com/cover/2456989-288-k814017.jpg)
BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
General FictionMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T