OL 38: Chance

2.6K 31 9
                                        

*****

SASKIA'S POV

*blaaaaaggggg

"Shit!" usal ko.

May kung anong tumama sa likuran ko na nagresulta sa pagkawala ng balanse ko at nabitawan ko ang mga hawak ko na libro at notebook.

Inis na dinampot ko ang mga nahulog ko.

Habang dinadampot ko ang mga libro at notebook ko na dapat sana ay babayaran ko na sa cashier, may nakita akong kamay na tumulong sa akin sa pagdampot.

Lalo akong nainis!

Etong nagmamay-ari siguro ng kamay na to ang nakabunggo sa akin! Kamay ng isang lalake. Alam ko dahil masyadong malaki at malayo sa kamay ng isang babae.

"Damn you jerk! Sa susunod tingnan mo naman yung dinadaanaan mo! Ang sakit hah! Anong kala mo sa akin pader?!" galit na sabi ko habang dinadampot pa din ang mga nahulog ko.

"I'm sorry miss. Hindi ko talaga sinasadaya." sagot naman ng lalake.

Natapos na kami sa pagdadampot at agad akong tumayo ng tuwid.

"Sorry?! Yan ang mahirap eh! Puro sorry! Mamatay na ang nag-imbento ng salitang yan! Akala mo ba lahat ng sakit kayang pawiin ng sorry?! Aba! Hindi! " sabi ko pa na hindi pa din nililingon ang lalakeng nakabangga sa akin.

Medyo bitter ako at G na G! >.<

Eh bakit ba?! Ang sakit kaya ng likuran ko!

Bwiseet! 

"Miss hindi ko naman talaga sinasadya eh.  Pasensya ka na, hindi lang kita nakita."

"So sinasabi mo na pandak ako?! Ganun? What the heck?! 5'5 naman ako ah! Peste! Hirap sa inyong mga lalake palagi na lang hindi sinasadya. Wala kayong ginawa kundi manakit ng mga babae tapos sasabihin niyo sorry, hindi nyo sinasadya! Bullshit! That makes no sense!" sagot ko sa kanya.

Galit na galit talaga ako.

Nilabas ko na ata lahat ng sama ng loob ko sa mga lalake lalo na kay Gino! >.<

Naglakad na ako patungo sa direksyon ng cashier. By the way, nasa isang book store ako ngayon at namimili ng gamit ko para sa pasukan. Friday ngayon and by Monday may pasok na kami.

"Miss, ako na lang magbabayad niyan." sabi ng lalake.

Nakasunod siya sa akin.

"Anong kala mo sa akin pulubi?! Ganyan naman kayong mga lalake! Kapag hindi niyo kami madaan sa sorry, eh dinadaan niyo kami sa pagiging 'mabait' niyo kuno!" sabi ko.

Patuloy pa din ako sa paglalakad habang siya patuloy pa din sa pagsunod sa akin.

"Miss, kung may galit ka sa isang lalake, wag mo naman sana idamay ang lahat. Hindi naman lahat ng lalake magkakatulad."

Sa narinig ko, parang biglang umusok yung ilong ko!

Nilingon ko siya.

"Hoy lalake! Sino ka para sabihan ako ng-----"

"Saskia?!" gulat na tanong niya.

Kumurap-kurap ako.

"Is this true? Is it you... Ji---jigger?" gulat din na sabi ko.

Syet!

Medyo hindi maganda!

Hindi maganda ang inasal mo Saskia! Maygad! Nakakahiya ka! Gusto ko na lumubog mula sa kinatatayuan ko.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon