OL 44: Saskia's Day

2.6K 38 13
                                    

*****

Kanina pa ko balisa. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Gusto ko umiyak. Ngunit pinipigilan ko. Not now. Today isn't the right time to cry. Dapat masaya ako! Dapat nagsasaya ako. I should be grateful.Today is my birthday.

"Oh anak...kanina ka pa dyan palakad-lakad. May problema ba?" tanong sa akin ni mama. May buhat-buhat syang isang tray ng bico.

"Wala po, ma." Pilit akong ngumiti. "Tulungan ko na po kayo." Ibinulsa ko sa suot kong short ang cellphone ko na kanina ko pa hawak.

"Ayusin mo na lang iyong mga plato at kutsara na gagamitin. Punasan mo." sagot nya. Nailapag nya na sa mesa ang tray na kanina ay hawak nya.

"Sige ho." Lumapit ako sa isa pang mesa kung saan nakalagay ang mga sinasabi ni mama. Inumpisahan kong gawin ang inutos nya.

Habang pinupunasan ko ang mga ito, naglalakbay ang diwa ko.

"Then, go with him. I'm willing to suffer the pain..."

"I'm giving up this undefine and vague relationship that we have... I'm so---sorry."

Paulit-ulit akong minumulto ng mga pangyayari nung nakaraang araw. Nakakaiyak talaga. But I'm still hoping... and praying that everything will be fine. I texted him last night. I just reminded him about my birthday. Unfortunately, I got no response from him. At hanggang ngayon, hindi pa din sya nagtetext para batiin ako. Alas'dos na ng hapon. Ilang oras na lang matatapos na ang araw na 'to.

Gusto ko magtampo pero alam ko wala akong karapatan. It's all my fault. I hurt him. As of now, wala akong kayang gawin kundi maniwala at manalig na mas matimbang pa din ang pagmamahal nya sa akin kesa sa galit na nararamdaman nya.

  Darating sya... darating sya...

*****

"Ingat kayo hah. Roz, dahan-dahan sa pagdadrive."

"Don't worry. I'll take care of them." Rozen said to me.

"Thanks Roz." I smiled at him.

"Happy Birthday Saskia.." sambit nya sa malambing na boses. Tapos inabot nya ang kamay ko at hinawakan nya ito. "Sana magustuhan mo ang regalo ko sayo." dugtong nya pa. Hinalikan nya ang likod ng aking palad. Hindi ko malaman kung sa paanong paraan ko susuklian ang paglalambing nya. Sa huli, napili kong ngumiti na lang sa kanya at magpasalamat. Rozen and my girl friends are going home now. May pasok pa daw kasi sila bukas kahit Saturday naman bukas!

"Bye friend. Enjoy the rest of your special day." si Sofia. Lumapit sya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Salamat sa food. Nabusog ako! " Zia said with a laugh. Tapos humalik din sya sa akin. Maya-maya si Fiona naman ang lumapit sa akin. Niyakap nya ako.

 "Don't be sad. Dadating sya. Believe me." she whispered into my ear. Ngumiti ako ng mapait. Pagkatapos na paalamanan blues ay umails na sila lulan ng kotse ni Rozen. Medyo may amats na din ang mga iyon! Ala'singko pa lang kasi ng hapon ay nandito na sila. 6pm ng magsimula silang magtagay-tagay at magvideoke.

"Nak...umuwi na ba sila Fiona?" tanong ni mama ng makabalik at makapasok ako sa bahay namin. Nasa dining table namin si mama at pinupunasan to.

"Opo Ma. May mga pasok pa daw kasi sila bukas." magalang na sagot ko. Lumakad ako papunta sa ref at doon ay kumuha ako ng malamig na tubig tapos uminom.

"May darating ka pa bang bisita?" tanong ulit sa akin ni mama. Sandali akong nag-isip at natigilan. May darating pa ba? Mag'a'alas diyes na ng gabi.  Parang wala na naman. Nagpunta na kanina yung mga classmates ko ngayong college. Kakauwi lang nila Fiona. Si Roz din nagpunta na. Yung mga kababata ko, ayun at buhay na buhay pa! Nagbivideoke pa sa labas. Sino pang nilalang ang makikikain sa ganitong oras?

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon