OL 48: Men vs. Women

1K 14 1
                                        

****

SASKIA'S POV 

“Kia, bakit sa akin ka nagpahatid?”

Lalong nagusot ang malungkot kung mukha ng marinig ko si Jigger na nagsalita. Kapag ganitong masama ang loob ko, ayokong magsalita. Minsan kasi pakiramdam ko mas mabuti pang manahimik kaysa magpaliwanag kung bakit ka nasasaktan.

“Bakit ayaw mo ba? Sige, ihinto mo na dyan sa tabi. Bababa na ako.”  Walang ganang sagot ko sa kanya na hindi man lang siya nililingon. He's on the driver seat at ako naman ay nakaupo sa tabi niya.

“Eto naman! Pati ako dinadamay sa init ng ulo. Nag-away siguro kayo ni Gino noh?” Hindi ako sumagot. Bagkus ay binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin.

“I'll take that look as a yes.” He grinned.

“Ewan sayo! Magsama kayo ng best friend mo! Insensitive! Hah. Hindi man lang marunong makiramdam!” Humalukipkip ako. “Answer me Jigger, bakit tanga kayong mga lalake?”

“Ouch! Wag ganyan, Saskia. Kung may galit ka sa mga kalahi ko, wag mong idamay ang kagwapuhan ko. I'm innocent you know.” He let out a loud laugh. Hah! Peste talaga ang mga lalake! Kahit seryoso ka at mamatay na sa galit, tatawanan ka lang. Mga hinayupak talaga!

“Shut up! Lahat kayong mga lalake ay pinanganak na engot! Napakatanga ninyo. Isa kayong malaking tanga! At ang leader niyo ay si Gino Cristobal! Bwisit ang lalakeng yun.” Inis na inis talaga ako. He laughed again. Mas malakas at mas malutong ang pinakawalan niyang tawa. Drat! I glared at him and that's when he stopped laughing.

“Oh bakit? Anong kasalanan niya sayo at halos isumpa mo na siya?” Pigil pa rin niya ang tawa niya.

“Hah! Sinumpa ko na talaga siya sa lahat ng Santong kilala ko. Engot siya! So insensitive. Sinabi ko lang naman na ihatid niya si Quincy tapos tinotoo niya?! Kung hindi ba naman tatanga-tanga! Peste!” Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa inis at anytime sasabog na ako sa galit. Men are born insensitive, really. Damn all those men! Pinalo ko si Jigger ng muli siyang tumawa.

“Wag kang tatawa-tawa dyan kapag ganitong nakulo ang dugo ko at baka mapatay kita!” I saw him faint. Kung hindi lang ako galit ay baka bumunghalit na ako sa tawa.

“Sorry na. Nakakatawa ka naman kasi talaga eh.”

“Anong nakakatawa dun hah?”

“Kasi naman...inutusan mo si Gino na ihatid si Quincy tapos ngayon galit na galit ka. Hindi mo siya dapat inutusan para hindi ka nagseselos dyan.” Sabi nya sa mababang boses habang malayo ang tingin. I cleared the lump starting to form on my throat. Pakiramdam ko isa akong magnanakaw na nahuli sa akto. Guilty. Jigger has a point. Kung hindi ko sana siya inutusan, hindi ako nagkakaganito at kami sana ang magkasama ngayon.

“Insensitive lang talaga siya. Ni hindi man lang nga siya, nagpakipot. Eh testing lang naman yun kung sinong mas pipiliin nya sa amin ni Quincy.” Unti-unti ko na namang nararamdaman ang insecurities ko. I'm starting to feel a little pain somewhere in my heart.

Pumalatak siya. ”Ay ewan ko sa inyong mga babae! Labo niyo talaga! Kakaiba ang mga trip niyo.”

“Hah! Kami pa ngayon? Kayong mga lalake, wala lang talaga kayong mga puso at common sense!”

“Masunurin lang kami. We want our girl to be happy. Kaya sinusunod namin kayo. Ang hirap kasi sainyo, sasabihing 'Oo' kahit labag pala sa loob. Dapat kung Oo, oo na talaga! Kung anong sinabi, yun na talaga. Hindi yung pinag-iisip niyo pa kami! Women are damn complicated. Bakit kayo ganyan?”

“We're not! Men are just freakin idiot!”

Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa galit. Mabuti na lang at wala na akong narinig na salita mula kay Jigger. Narealize niya siguro na hindi matatapos ang pagtatalo namin dahil hindi ako magpapatalo. Hindi talaga lalo na't masamang-masama ang loob ko. He bored his eyes on the road and kept his self busy, driving. Humalukipkip naman ako at tumingin sa bintana.

I caught myself reminiscing what just happened an hour ago. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga ng maalala ko ang eksena kung saan kitang-kita kong buhat ni Gino si Quincy. Naninikip ang dibdib ko sa ala-alang yun. Hindi ko alam kung ilang kamay ang ngayon ay pumipiga sa puso ko dahilan para makaramdam ako ng mumunting kirot. Akala ko ba ako na ang mahal niya, eh bakit mas inuna niya pa yung ex niya? Naikuyom ko ang mga palad ko ng maalalang magkasama sa mga oras na ito si Quincy at Gino. Darn! It should be Gino and us. It's our first monthsary and I'm expecting it will gonna be a day to remember for us. But, it wasn't.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ayokong umiyak. Ayokong magselos. I love Gino and I should trust him. Siguro naman hindi siya gagawa ng kahit ano para saktan ako.

****

-Temarrie/Nics <3 

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon