OL 25: Realization

3K 36 15
                                    

**** 

I was hurt.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno ng niyog. Nakaupo. Kung nasaan si Gino? Hindi ko alam.

Malayo ako sa kanila. Tunog lang ng alon ang naririnig ko mula dito. May kadiliman dito pero ayos lang para maitago ang bawat pagpatak ng aking mga luha.

I want to be alone. Gusto ko makapag-isip-isip. Gusto ko malaman kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit naging ganito yung mga pangyayari.

Nung unang beses na nakipagkita ako sa kanya, hindi ko din talaga alam kung bakit ako pumayag. Ayun nga, may nangyari sa amin. Siguro,dala na rin ng init ng katawan at siguro dahil na rin namiss ko siya.

 

After that sex, akala ko magiging kami. Oo, nag-assume ako. Sino ba namang matinong babae ang makikipagsex tapos papayag na wala lang yun, diba? Pero hindi naging kami.

 

I told myself that I must pretend like nothing had happened na lang. I did. Pero alam niyo, masakit din yun. Kaso wala namang magagawa eh kundi tanggapin. Alangang pilitin ko siyang, maging kami diba?

 

He proposed a deal. Yun nga, occasional lovers kami. It's more than friendship but less than a relationship. Flirtationship. Friends with benefits. Kahit ano pang tawag niyo dun!

 

I was shocked nung ginawa niya yun. A part of me was hurt. Naisip ko, kung ganun na lang ba kababa yung tingin niya sa akin para alukin akong maging PARAUSAN niya?! Diba, ganun naman talaga ako? Parausan! T___T

Pumayag ako sa deal na yun kasi sabi ko gaganti ako. I'll make him fall in love with me again.

I played the game he wanted. At first, it was for fun. Gaganti nga kasi, diba?

 

Eh bakit ngayon, nasasaktan ako? Bakit ngayon parang mahal ko na siya?

 

Oo, mahal ko na siya!

 

I betrayed myself. I broke the rules. Bawal ang emosyon? Pero eto ako, mahal ko na siya.

 

Nasasaktan ako kapag binabalewala niya ako, kapag matagal siya magreply, nasaktan ako ng makita ko sila ni Quincy na magkasayaw. Kinikilig ako sa kasweetan niya, gusto ko siya palagi kasama.

 

I love him, right?

 

Mahirap pala yung ganito. I thought I can play this game till the end. But it seems like I'm the one who's been played.

 

Mahal ko siya. Eh, ako mahal niya din ba? :O

 

Oo, sweet siya sa akin. Pero kung mahal niya ako dapat sinabi niya na, diba? Marami namang pagkakataon eh.

 

Ewan ko. 

Ang laki na din kasi ng pinagbago niya.

 

ILOVEYOU Gino Cristobal. 

Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang mahalin ka ulit. Kung gusto mong makaganti sa pag-iwan ko sayo nuon, kung pinlano mo lahat ng to na paibigin ako ulit para saktan, nagtagumpay ka.Kasi mahal na kita.

 


Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Tiningnan ko yung wrist watch ko, past 10pm na.

"Nandito ka lang pala."

Nagulat ako sa nagsalita. Tumingala ako.

Si Gino. Nakatayo siya sa harap ko. May bitbit na gitara.

"Anong ginagawa mo rito? Panu mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. Nilapag niya yung gitara sa tabi niya.

"Nakita ka ni Albert papunta dito."

Tumayo ako. Hinawakan niya yung wrist ko. Nakaupo pa din siya.

"San ka pupunta?"

"Dun sa lugar na hindi kita makikita."

"Bakit?"

"Kasi ayoko ka ng makita! Diba sinabi ko na yun sayo kanina?"

"Galit ka nga."

Hawak pa din niya yung wrist ko.

"Natutuwa kaya ako." sarcastic na sabi ko.

Binitiwan niya na ko.
Dinampot niya yung gitarang dala niya.

"Sige, umalis ka na. Lagi ka namang nang-iiwan eh." sabi niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nagiguilty ako. Alam ko tuwing sinasabi niya yan, tinutukoy niya yung past namin.

Sorry Gino kung nasaktan kita. Sorry. ':(

Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa dagat. Lumakad na ako palayo sa kanya.

Katulad ng dati nung iniwan ko siya. Hindi man lang siya sumunod. Hindi man lang niya ako pinigilan.

Dati nung nakipagbreak ako sa kanya. Hindi man lang niya ko sinuyo o pinigilan. Ni hindi na nga siya nagtext kinabukasan. Naisip ko tuloy nun na hindi siya seryoso akin. Dahil balewala lang sa kanya kahit nakipagbreak na ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. Nakatingin pa din siya sa dagat.

Ganyan ka naman eh. -___- 

Balewala lang sayo kapag iniiwan kita.

Goodbye Gino. T___T



----------------------------------------------------------------------------------

♥ Feel free to comment and vote. :))) Keep on reading! :))

mwuuaahhhh.

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon