*****
Still ROZEN'S POV
I'm home now.
Nakahiga na ako sa kama ko.
Naalala ko pa din yung malungkot na mata ni Saskia kanina habang na kanta siya. The way she sang the song... ramdam ko talaga na may pinagdadaanan siya.
Sana lang hindi si Gino ang dahilan dahil hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko din mapapatawad ang sarili ko dahil ilang beses ko pinaubaya si Saskia kay Gino.
3rd year high school pa lang kami gusto ko na si Saskia. Pinakilala siya sa akin ng isa kong kaibigan. Crush na crush ko siya simula pa nun kaso biglang kumalat sa Section namin na gusto din daw siya ni Gino. Later on, nagkalat pa ang chismis na nanliligaw na daw si Gino kay Saskia.
Dumistansya na ako kay Saskia. Ayoko naman maging karibal si Gino. Magkaklase kami. Ang panget kapag may rivalry tapos babae pa ang dahilan.
Itinuon ko sa ibang babae ang pagtingin ko hanggang makilala at maging kami ni Quincy. Minahal ko si Quincy. Pero kahit kami ni Quincy, paminsan-minsan napapatingin pa din ako kay Saskia. I still like her.
Kami na ni Quincy ng malaman kong hindi naman pala nanligaw si Gino. Yeah, huli na ang lahat.
Quincy?
She's good. But Saskia is better than her.
Oo mas maganda si Quincy sa kanya. Laman ng beauty pageant si Quincy samantalang si Saskia suki ng mga Quiz Bee.
Quincy loves fashion while Saskia loves books. Quincy wears red lipstick. Saskia is plain and simple. Quincy is being chased by a lot of boys. Si Saskia naman nakakailang.
Naiilang ako sa kanya dati. Naiilang in the sense na she's Saskia na matalino, maganda, mabait. Parang hindi ako deserving maging boyfriend niya kaya hindi na ko nag-attempt na manligaw pa.
Until now, gusto ko pa din si Saskia. Lagi ko siya chinachat. Nung gabi na niyaya ko siya manuod ng pageant, tatanungin ko na sana siya kung pwede ako manligaw.
Finally after all these years, I found the courage to court her and to tell her that I do like her. Kaso hindi ko naituloy ng malaman kong kasama namin manuod si Gino. I'm really disappointed pero hindi ko sa kanya pinahalata.
Nung maramdaman ko na there's something going on between Saskia and Gino, iniwasan ko ulit si Saskia. I don't want to be the reason of someone's heartbreak.
Pero nung makita ko ang sakit sa mukha ni Saskia after she saw Gino and Quincy dancing, I told myself that I will protect Saskia from now on.
She deserves to be respected and to be loved.
Pangako Saskia, I'll take care of you! Pinagsisihan kong naging duwag ako. Babawi ako sayo Saskia. Aalisin ko ang mga luha sayong mata. I'll make you happy. I'll make you smile. I'll make you mine. Pero hindi ako magmamadali. Kung sino mang lalaki ang nanakit sayo, he'll pay! Pagbabayarin ko siya hindi sa paraang brutal. I'm not that kind of man! Kapag nakita ka niyang masaya... masaya sa piling ko sigurado magpupuyos ang dibdib niya sa inggit! The best revenge is through showing to that person that you can live and you can be happy without him. Kung sino man ang lalaki na nanakit sayo , wala siyang kwenta! He's an idiot! He lost a precious gem! He's a fool! Damn him! You don't deserved that kind of man, Saskia. You don't.
=================
SASKIA'S POV
2 weeks after the Puerto Azul Experience.
2 weeks na akong broken hearted. Dalawang linggo na kaming walang contact ni Gino.
Dinelete ko na ang number niya. Hindi ko memorize ang number niya. 0927, yun lang ang alam ko sa number niya. I'm not good in memorizing numbers. In'unfriend ko na din siya sa facebook. Hindi ko siya binlock para updated pa din siya sa akin. You know, it's kinda form of revenge?!
Nung nakaraang linggo natawag pa siya at nagtetext. Hindi ko sinasagot ang tawag niya at hindi ko nirereply ang mga text niya. Inaalis ko din sa history ng phone ko ang mga tawag at text niya para mawala sa recent contacts ko ang number niya.
I'm moving on.
Nakatulong ang gimik namin kanina nila Roz. Kahit papano nabawasan ang lungkot ko.
Pasensya na kayo hah kung lagi akong na kanta. As of now, yun na lang kasi yung outlet ko. Wala akong mapagsabihan ng pinagdadaanan ko.
Saka alam niyo yung feeling na lahat ng gusto mo sabihin nasa kanta na? Yung feeling na parang kilala ka ng nagcompose ng kanta dahil yun na yun ang nararamdaman mo?
Tama nga sila!
Maappreciate or mas maappreciate mo lang ang isang kanta kapag in love ka o sawi ka sa pag-ibig.
Haaaays!
So much for this drama.
Goodmornayts! :)) I must sleep.
Hold on. God knows what he's doing.
_______________________________________________
Wahahaha! Madaya talaga kapag sa pepon nagtatype! Feeling ko ang haba-haba na ng tinype ko. Ang ikli lang pala! XD
Toinks!
Si Rozen nga po pala--------------------------------------------------->>>
BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
Fiction généraleMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T
