OL 26: Could it be Love?

3K 71 6
                                        

**** 

GINO'S POV

Iniwan na naman ako ni Saskia. Lagi naman niya ako iniiwan eh.

Galit na galit siya sa akin. Ayaw na daw niya ako makita. Ano bang kasalanan ko? Dahil pinigilan ko siyang mag'two-piece?! Eh gusto ko lang naman na ako lang yung makakita na nakaganun siya eh!

Oo sabihin niyo ng selfish ako! Inaangkin ko siya kahit hindi naman siya talaga akin! Kahit na wala akong karapatan at kahit na hindi ko siya pag-aari! Anong magagawa ko?! I love being with her!

I want her to be with me most of the time. I've got addicted to her kiss. There's really something on her that drives me crazy!

 Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit lagi niya ako iniiwan.

Masakit pa din pala. Akala ko sanay na ko na iwan mo, Saskia.

Naikuyom ko ang mga palad ko. Damn! I hate this feeling! >.<

Pero kahit gaanu pa kasakit. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na kita iiyakan pa ulit. Tama na iyong ilang linggo na iniyak ko sayo dati nung iniwan mo ko at pinagpalit. Ilang buwan din akong malungkot nun.

Tama na yun.

Kung tatanungin niyo ko kung minahal ko si Saskia nun?

SOBRA! Sobrang mahal ko siya nun. Hindi man siya ung 1st girlfriend ko, siya naman yung first love ko!

Nung sinagot niya ako, pinangako ko sa sarili ko na iingatan ko siya. Hindi sasaktan. Yun pala kasi, ako yung sasaktan niya. :((

Alam niyo yung feeling na abot kamay niyo na, yung pinangarap niyo tapos paggising mo kukunin na ulit sayo?!

Ganun kasakit! ':(

Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya nun, hindi ko siya pinigilan makipagbreak sa akin kasi hangad ko yung ikasasaya niya. I'll be happy, if she's happy. Hindi ko pinilit yung sarili ko sa kanya.

What for? Eh, iba naman yung mahal niya. Hindi ko na siya tinext pagkatapos niya makipagbreak sa akin. Kasi nga gusto ko siya maging masaya. At para na rin yun sa akin para maka-move on.

Tinitingnan ko siya ngayon habang naglalakad palayo sa akin.

Masakit.

Masakit makitang lumalakad ka na naman palayo sa akin.

 Iniwas ko na ulit ang tingin ko! Nagfocus ako sa dagat. Sa dagat ko na lang itinuon ang mga mata ko. Ayoko ng madagdagan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng balikan ang nakaraan. Masyadong masaklap!

Siguro, nagtataka kayo kung bakit hindi ko na naman siya pinigilan sa pag-alis niya.

Hindi ko siya pinigilan kasi alam ko galit siya sa akin. Galit na galit. Kasalanan ko naman eh. Alam ko nasaktan ko siya sa mga sinabi ko.

Ayoko lang kasing may makakita sa kanya na ganun iyong suot niya. >.<

Nakakainis! 

Napapapikit ako sa inis.

Sabi ko pa naman kanina. I'll make this night kinda special for her...for us.

BADTRIP! >.<

Everything went wrong.

=================================================

SASKIA'S POV

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon