OL 11: Gino, The Annoyer 2

4.4K 31 2
                                        

Continuation...

Hindi ko namalayan yung oras. Nawili kasi akong kasama ang mga classmates ko. 12:30 na pala ng tanghali. Lunch na. Naalala ko si Gino.Kasama ko nga pala siya. Eeeerr. Nagmamadali akong lumabas ng room.

"San ka punta friend?", Zia asked.

"Kakain na ba tayo?", si Sofia. Hanggang college classmate ko si Zia at Sofia. Parehas kaming tatlo ng course na kinuha. BS ECE. Si Mandy at Fiona lang ang nahiwalay. Si Fiona kasi BS Accountancy, si Mandy naman BS Psychology. At sa ibang University sila. Hindi kasi nila type sa school namin.

"Mauna na kayo. Pupuntahan ko lang yung kasama ko." mahinang sabi ko.

"Sino?"-Sofia.

"Don't tell me, sinamahan ka ng mama mo?"-si Zia.

"Naaaaahh. Hindi." sabi ko.

"Then, who?"-Zia.

"I'm with a....stranger."sabi ko na lang.

"Hah?"-Zia.

"Sino ba kasi yan?"- Sofia.

"Gino Cristobal... remember him? Yung batchmate natin nung hayskul." sabi ko. Hindi nila alam na Ex ko si Gino. Nobody knows about our past relationship. Wala akong sinabihan kasi ayoko magkwento tungkol sa amin. Ayokong tinatanung ako. Ayoko maalala na si Gino yung nakakuha ng virginity ko.It sucks! Ewan ko lang kay Gino kung may sinabihan siya.

"Huh? Boyfriend mo?"

"Kailan pa?"

Sabi ko na eh. Papaulanan nila ako ng tanong. Yung mga ganyan iyong ayaw ko. At dahil nga nagmamadali na ako. Hinila ko na sila at naglakad na kami. I need to see Gino na. Not because I miss him. Kasi baka nagkalat na siya ng lagim sa school namin. Alam niyo naman ang lalakeng iyon!

"He's neither my boyfriend nor my suitor. It's not what you think, okay?" sabi ko na hawak-hawak pa rin ang mga kamay nila habang naglalakad. Hindi sila nagsalita. Kaya alam ko, hindi sila naniniwala.

"Sumama lang kasi siya dito." pagpapatuloy ko.

Nandito na kami ngayon sa Gynasium kung san ko iniwanan si Gino. Hinanap ko siya. Then, I saw him sitting on the corner of the gymnasiun, sa bench. He's sitting next to a girl. I think Accountancy yung course ng babaeng kausap niya. They are laughing. Flirt ka talaga Gino! You're a certified womanizer!  Bakit nakapa ko na naman yung kirot sa puso ko? Bakit naiinis ako?   Nagseselos ba ko? Eeeehhh! Why would I? Hindi ko siya mahal!   Inggit lang siguro ako kasi nagtatawanan sila, unlike us na nagbubulyawan parati.

"Asan na siya?"- Sofi asked.

"Over there. Tara puntahan natin." -sabi ko na tinuturo ang direksyon nila Gino. Lumapit kami. Nagtatawanan pa din sila. Hindi nila napansin ang paglapit namin.

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon