OL 13: It's a Closed Deal

4.5K 35 2
                                        


Tuesday.


9:00 am. Nakahiga pa ako. Napagod kasi ako kahapon.

*tutoot.tutoot
One message received

"Good morning baby. See you later! Ingat :-*" -Gino.

Wew. May usapan nga pala kami ng malanding lalakeng yun! Bumangon na ako. Nagbreakfast, naligo, nagbihis at nag-ayos.

10:30 am nasa bayan na ako. Hinanap ko si Gino sa meeting place namin. Nakita ko naman siya agad. Lumapit ako sa kanya.

"You're 30mins. late." sabi ni Gino ng makalapit ako sa kanya.

"I know. Quits lang tayo. Pinaghintay mo din ako dati." sabi ko.

"Gantihan?" he asked.

"Siguro. San tayo pupunta?" -ako.

"Manila. MOA" - Gino

"Ang layo. Nakakapagod magbiyahe. Gagabihin tayo." -ako.

"Ako bahala sayo. Please?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay. " sabi ko na lang.

"Baby, pwede ba kahit ngayon lang wag mo ko awayin?"-Gino

"Ako pa nga ang nang-aaway? Sabihin mo yan sa sarili mo! " sabi ko.

"Sige, ako na. No more LQ for now hah?" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"LQ your face! Hindi kita susungitan, sa isang kondisyon." ako.

"Ano?"

"Wag mo na ko ulit tawaging baby."

"Bakit?"

"Ayoko lang." sabi ko.

"Ang arte! Edi hindi." sabi niya. Pumara na siya ng bus. Sumakay kami. Sa 2 seaters kami umupo. Habang nasa biyahe kami.

"Ganda mo ngayon. Pinaghandaan mo talaga to nuh? "-si Gino

"Ewan sayo. Sige umpisahan mo ako." sabi ko.

"Eto naman, hindi na mabiro. Pero ang ganda mo talaga ngayon." seryosong sabi niya.

"Salamat." Parang namula ako. Kanina pa may butterflies sa tiyan ko. Kasi siguro magkadikit yung mga braso namin tapos sinabihan niya akong maganda.

"Nilalamig ako." sabi niya.

"Edi hinaan mo yung aircon." sabi ko.

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon