OL 36: Playful Destiny

2.6K 27 6
                                    

A/N:

Temarrie is back! :))

One week din akong nawala dahil medyo busy sa school. At dahil medyo matagal akong nawala, magtatalumpati muna ako! Nyahahah! XD

Grabeee.

Namiss ko kayooo! Namiss ko si Gino, Saskia at Rozen na mga characters sa story ko na to. Namiss ko si @lukresya1011 at @jinxmagnet na kakulitan ko, si @RezaLentejas na palagi akong chinachat sa Fb man o kay Watty kung mag'u-UD na daw ba ako. Hehe. Namiss ko ang kaguluhan dito sa OL. ♥

Thank you nga po pala sa lahat nag nag'fan sa akin, nagvotes sa OL, nagcomment, nagpost sa MB ko at nag'pm sa akin. Maraming salamat! :))) Nabasa ko po lahat yun! Irereply ko yun isa-isa kapag sinipag ako. Hehehe. ^__^ Pahabol, salamat din po pala sa mga new readers na nag'add ng OL sa RL nila. Keep on reading and voting! :))

Love you all guys! :)))

Eto na po ang UD ko. Read niyo yung mga previous chapters kung nakalimutan niyo na yung huling mga pangyayari. Hehe. Salamat!

Enjoy reading.

Feel free to COMMENT and VOTE.♥

____________________________________________________________

June 1, Friday

"Saskia, bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Sofia.

Nasa school kami. Inaayos at nililinisan namin ang office ng Org. namin. Kasalakuyan namin inaayos ang bulletin board sa office namin. Ala'una na ng hapon.

"Huh? Tahimik naman talaga ako ah!" nakangiting sabi ko.

"Tahimik ka kapag may iniisip ka. What's wrong? You can tell us." may himig ng pag-aalala sa boses ni Sofia.

Napangiti ako. 

She's really a good friend of mine.

"Is it Gino?!" naeexcite na tanong ni Zia na kasalukuyang naggugupit ng mga colored papers.

"Break na ba kayo? o LQ lang? What's the real score between you and Gino?" kinikilig na tanong ni Sofia.

"Common friend, tell us!" sabi ni Sofia na iniwanan ang ginagawa niya.

Lumapit si Zia sa akin. Sumunod naman si Sofia. Nasa harap ako ng computer at kasalukuyang nagtatype ng mga schedule of activities for this sem na ididikit namin sa bulletin board.

Nagbingi-bingian ako. Nagpatuloy ako sa pagtatype.

"Kia!" malakas na tawag sa akin ni Sofia kahit nasa likod ko lang sila.

"Bakit? Ang ingay mo! Kita mong may ginagawa ako eh!" sabi ko sa natural na boses.

"Sagutin mo kasi ang mga tanong namin." sagot ni Sofia.

"Ano bang tanong niyo?" sabi ko na hindi man lang sila nililingon.

"Nakakainis ka naman Kia eh! Kanina pa kami daldal ng daldal tapos hindi mo naman pala iniintindi yung sinasabi namin!" nagtatampong sabi ni Sofia.

"I'm sorry friend. Ano nga ulit yung tinatanong niyo sa akin?"

Tumigil ako sa pagtatype at nilingon ko sila.

"We're asking you kung kamusta kayo ni Gino?!" - Sofia.

"Okay naman." tipid na sagot ko at nagpatuloy ako sa pagtatype.

Aamin ko nandun pa rin yung magkahalong excitement, saya, kaba at galit kapag naririnig ko yung pangalan ni Gino. Pangalan pa lang niya bumibilis na yung tibok ng puso ko.  -___-

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon