OL 10: Gino, The Annoyer 1

4.7K 36 1
                                        

****

Kinabukasan.

It's monday.  Papunta kong school namin, kukuha ng classcards. Nag-aabang na ako ng bus.

"Saskiaaaaaa!" Lumingon ako kasi may nasigaw ng pangalan ko. Pero paglingon ko naman wala naman akong kakilala na sisigaw ng pangalan ko. Kaya binalik ko ulit yung tingin ko at nag-abang ng bus. Baka guni-guni ko lang.

"Saskiaaa."

"Ayyy! Anak ka ng nanay mo!" gulat na sabi ko.

"So..sorry." Hinihingal na sabi niya.

"Gino naman! Papatayin mo talaga ko. Ano na naman ba?"naiiritang sabi ko.

"Wala naman. San ka pupunta?"

"Sa school." tipid na sabi ko. Kainis ehh!

"Ano gagawin mo dun?" he asked. Hindi ko sinagot yung tanong niya. Pinara ko yung bus na papalapit samin. Huminto naman at sumakay na ko. Yeeesss! Natakasan ko din ang langhiyang iyon. Sumandal ako sa salamin ng bus at pipikit na sana. Kaso may kumalabit sa akin.

"Matutulog ako. Bakit ho ba?" sabi ko at tiningnan iyong kumakalabit sa akin. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Gino na ngingiti-ngiti at nakaupo sa tabi ko.

"Ginooooo?"

"Yes Saskia? Is there anything that I can do for you?" he grinned.

"Bakit ka nandito?-_-"

"Bakit? Bawal na ba ako sumakay dito?"

"Hindi to papunta ng Manila. Papunta tong bundok! Sa kabila yung sakayan papuntang school niyo."

"Yaaah I know." tatango-tangong sabi pa niya.

"Alam mo pala, eh bakit ka nandito? San punta mo?" I asked. Sakit talaga sa bangs ng batang to! Primature baby ata to ehh. Bwisiiit!

"Sasama sayo."

"Anooo? Kukuha akong classcards, sasama ka?" napalakas na sabi ko.

"Ang ingay mo naman! Oo nga. Bakit si Rozen lang ba ang pwedeng sumama sayo?"

"Pati wala dito, dinadamay mo! Bahala ka nga. Kabwisit ka eh!" sabi ko at sumandal ulit sa bintana. Matutulog na lang ako kesa kausapin tong lalakeng to. 45minutes pa naman ang biyahe, papuntang school namin. Tiis-tiis din Saskia!

"The more you hate, the more you love." sabi ni Gino.

"Old fashion na yang kasabihan mo." sabi ko na nakasandal sa bintana at nakaharap sa labas.

"Eh bakit hindi ka makatingin sakin ng diretso?" Waaaahhh. Anak ka ng nanay mo Cristobal! Pinanganak ata talaga siya para inisin ako at guluhin ang buhay ko.  Humarap ako sa kanya para wala na siyang masabi.

"Edi haharap!" sabi ko.

"Yan! Ng makita ko naman kagandahan mo. Hindi yung si Rozen lang palagi." sabi niya sa mababang boses.

"Namoooooo! Buseeet."

"Bakit maganda ka ba? Feelingera ka pala eh."

"May sinabi ba ko? Alam ko naman na hindi ako maganda eh! Ano bang panama ko sa mga babae na nakikita mo sa Manila? Mga tisay, mga blondy. Eh hindi talaga ako maganda!" sabi ko.

"Alam mo pala eh. Hahahaha!" natatawang sabi niya.

"Kdot!" Nakakainis tong lalakeng to! Napaka-direct to the point naman! Alam ko hindi ako kagandahan. Pero naman? Ganun talaga dapat yung pagkasabi. Paksyeet.

Sakit ahh. Masakit din palang sabihin sayo yun harap-harapan. Tapos ni Gino pa. Ewan ko! Big deal lang yun na sinabi niya yun sakin.  Siguro dahil ex ko siya? Na may nangyari samin? Tas hindi pala ko maganda? Pakyuu ka Gino!  Pagsisihan mo to.

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon