OL 41: It isn't a Perfect Day

2.6K 43 26
                                        

A/N:

I'm back! :)) Siguro marami na ang sa akin ay naiinis dahil ang tagal ng UD ko. Sorry po talaga. ^_^ Hindi ko alam kung sapat ang UD ko na 'to ngayon para mapawi ang pagkainis niyo sa akin. Hahaha. Sorry. Read nyo na lang po ulit yung previous chapter kung nakalimutan niyo na, pero wag naman sana. :))

Anyway, Hello po sa mga bagong readers ng OL! Paramdam kayo!  Hahaha. Feel free to comment and vote. :))

Yun lamang.

Keep on reading. Again, feel free to comment and vote.

-Temarrie ♥

****** 

SASKIA'S POV

"Ingat ka hah? Text me when you got home." si Gino habang hawak ang kamay ko.

"Opo. You take care too." nginitian ko siya ng ubod ng tamis.

Ngumuso siya. Aba! Nagpapakiss pa ata babe ko. NO KISS POLICY na nga, diba?! Hmmmp.

"Amp. Parang ayaw na kita pauwiin sainyo. Samin ka nalang kaya tumira?!" seryosong sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumawa ako tapos kinurot ko ang ilong niya.

"Sira ka talaga! Oh babye na." pagkasabi ko nun dahan-dahan niya ng pinakawalan ang kamay ko.

Lumakad na ako papunta sa nakaparadang jeep at sumakay.

It's almost 2 pm. Ngayon pa lang ako uuwi sa amin. Hindi naman siguro ako mapapagalitan dahil nagpaalam naman ako.

Today is the day! Okay na kami ni Gino. We both agreed that we must start over. We must give our relationship a second chance.

Second chance ba talaga?

O third chance na ata?!

Amp. Whatever!

Everybody deserves a chance. Every relationship deserves another chance. Naniniwala ba kayo dun?

Kasi ako, Oo! Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pang manligaw!

Ligaw-ligaw pa ! Mga pauso ni Gino! Eeeerr. >.<

*ring tone alert

FIONA Calling

"He---" hindi ko man lang natapos ang two-syllable word na sasabihin ko.

[Hello Saskia?! Nasan ka ba?! Ipapahamak mo naman ako! Tumawag sa akin ang mama mo at tinatanung ka kung bakit hindi ka pa umuuwi. Nagpalusot na lang tuloy ako!] tuloy-tuloy na sabi ni Fiona.

Waaaah. Ang daldal talaga ng babae na to! Walang preno. Tsktsk. Kasi naman nakalimutan ko pala siya itext kagabi na dinamay ko siya sa kalokohan ko. Hay nako!

"Pasensya ka na friend kung nadamay kita sa kalokohan ko, eh kasi-----" hindi na naman niya ko pinatapos sa sasabihin ko. Y(-___-)Y

[San ka ba? San ka nagsusuot?]

"Kala...Gi..Gi---"

[OMG! Kala Gino?! Doon ka natulog?!] ang OA ng boses ni Fiona! Hindi pa nakuntento at tumili pa. Mygad! Ang sakit sa tenga! Nailayo ko tuloy ang phone ko sa tenga ko tapos tinakpan ko yung speaker ng phone ko. Nakakahiya sa katabi ko dito sa jeep. >.<

[Hoy may ginawa kayo nuh?! Nakooo Kia! Wag ka sa akin magsisinungaling at isusumbong kita kay Tita! Sige ka! Ano nga?! May ginawa kayo?! OMG! Ikwento mo na dali!] excited na excited siya.

"Huh? Ano?" yun na lang ang nasabi ko.

Hininaan ko yung volume ng phone ko. Rated SPG na ang pinagsasabi ni Fiona! Hindi maganda! Y(-___-)Y

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon