A/N:
Hi there! :))
Gusto ko po pala muna pasalamatan yung mga nag-Fan sa akin! Maraming salamat. You're not just a fan, you can also be my friend! :)) Friendly naman ako eh! Hahahaha! XD Thanks din po sa lahat ng nag'Vote and Comment. Keep it up! Hakhak! :>
So, this is the day/night we've been waiting for. Ang hatol kay Gino Cristobal!
Acquitted or Convicted?
Matutuloy kaya ang Gang rape na pinaplano ni @jinxmagnet?! Wahahaha!
Let's seeeeeee!
Enjoy reading! :))
PS: Tingin kayo sa right side....baka daw kasi madaan sa kagwapuhan ni Gino ang hatol nyo sa kanya. XD--------------------------------->>>
___________________________________________________________
*****
GINO'S POV
"Tao po!"
"Tao po!"
Sigaw ko.
Wala bang tao? Eh bakit nakabukas ang pintuan? Pero sarado ang gate, yung maindoor lang ang nakabukas. Badtrip naman kasi! Ang daming aso! Hindi ako makalapit gaano sa gate nila. Baka hindi tuloy ako naririnig.
Mula sa kinatatayuan ko natatanaw ko ang apat na aso, malaking Aquarium tapos may love birds pa, lahat nakalagay sa Terrace nila. Akala ko Zoo! Pet Lovers pala ang pamilyang to. Nice!
"Ano yun? Bakit iho?" tanong sa akin ng isang matandang babae.
Hindi naman matandang-matanda. Hindi pa puti ang mga buhok niya. Siguro, nasa early 40's pa lang ang edad niya. Malaking babae. Nakatayo siya ngayon sa pinto ng gate nila. Siguro siya ang mama ni Saskia.
Oo, nasa tapat ako ngayon ng bahay nila.
"Uhmmm. Dito po ba nakatira si Sas--kia?" pautal-utal na tanong ko. Bigla akong kinabahan. Kanina naman kasi eh hindi.
"Oo. Anak ko siya. Bakit iho? May kailangan ka ba sa kanya?" magiliw na tanong niya.
Muka namang mabait ang mama ni Saskia. Hindi naman gaano nakakatakot. Kinakabahan lang talaga ako.
"Opo sana eh. Nandiyan po ba siya?" magalang na tanong ko.
"Ah ganun ba? Classmate ka ba niya? Andito siya sa loob. Halika pumasok ka muna." nakangiting sabi niya.
"Ah..Eh hindi ho. Batchmate po kami nung High School. May itatanong lang ho sana ako sa kanya."
Binuksan niya yung gate nila. Kanina pa naman siya nakabukas kaso ngayon mas pinalapad ang pagkakabukas. Agad nagsilapitan ang mga aso. Grabeee! Ang lalaki. Yung dalawang aso kalahati ng hita ko ang taas. Yung dalawa naman parang medyo mas bata, hanggang tuhod ko pa lang.
"Aw! Aw!"
"Arrff! Arrff!"
" Aw! Aw!"
"Arrff! Arrf!"
Nag-umpisa na silang magsitahulan. Nakakatakot yung dalawang malalaki.
"Shamcey! Polly! Supsup! Blakely! Tinatakot nyo ang bisita ni Saskia. Sige kayo, baka hindi kayo pakainin nun!" saway sa kanila ng mama ni Saskia.
Parang bata namang may isip ang mga aso at agad lumayo sa may pintuan parang pinapayagan na akong dumaan.
"Pasensya ka na iho, hah? Muka lang silang matatapang pero hindi yan nangangagat. Pasok ka na." nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
Aktuelle LiteraturMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T
