OL 3: Disappointed

6.2K 36 10
                                        

*****

 Kinabukasan...

Haaayyy! Kagigising ko lang. Alas'dos na pala ng hapon.Alas'10 ng gabi na ako nakauwi kahapon.  Sobrang napagod ako.Ang sakit ng katawan ko. Para akong na-hazing. Grabeee! Pero nung iniimagine ko yung nangyari kagabi.  Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Naalala ko na naman yung muka niya. Namimiss ko na agad siya. Gusto ko na siyang mayakap ulit.  Gusto ko na siya mahalikan ulit.

*tut. tut. tut.

Ano ba yan! May nagtext. Panira ng moment! Nasira tuloy ang pagpapantasya ko kay Gino.

1 message received

“Hey! Tuloy ba tayo mamaya? :)))”

Si Rozen.  Rozen Tezzoro.  Schoolmate at batchmate ko din nung hayskul. Classmate sila ni Gino noon. At may usapan nga pala kami ng lalakeng to mamaya. Malapit na kasi ang fiesta dito sa baranggay namin.  May Beauty pageant mamaya. Niyaya niya ako manuod. Nahiya naman ako tumanggi. Well, hindi kami close talaga. Nagkakabatian lang kami nung hayskul tas minsan nagkaka-chat.

“Pag-sinipag ako. Itetext na lang kita. Hehe.” reply ko sa txt nya.

*tut.tut.tut.  Aba. ang bilis magreply ng loko.

“Basta tuloy tayo ahh. Minsan lang to. 7 hah? Hintayin kita dun sa labasan.”  reply ni Rozen.

“Sige. Pero Roz sasama daw si Gino. Yung president ng klase nyo nung hayskul, remember?” reply ko sa txt niya. Bago pa man kasi ako yayain ni Roz at bago pa man may mangyari sa amin ni Gino, may usapan na kaming manunuod. Nagpustahan pa nga kami kung sinong mananalo eh.

“Kayo baaa???” reply niya.

“Hoyy! Hindi ahh. Asa ka! Niyaya lang kasi ako. Saya nga nun eh, bonding tayo.” reply ko sa kanya.

“Sana nga. Hehe. Parang ayoko na tuloy  sumama baka kasi makaistorbo lang ako sainyo.” reply ni Roz.

“Grabee ka naman. Hindi yan. Hindi nga kasi kami. Basta, see you! 7 hah? Txt na lang kita. Bye for now.” pagpapaalam ko.

“Sabi mo eh. See you then.”

FAST FORWARD....

7pm na pero nasa bahay pa din ako.  Hahaha. Tinatamad pa kasi ako. Itetext ko muna si Gino. Hohoho! Nasa school pa siya. Sabi niya kasi sakin. 2pm-8pm pasok niya at didiretso na lang daw siya dun sa pageant. Malapit lang din kasi sakanila. Dahil yung brgy. na tinitirahan ko, katabing brgy. lang yung kala Gino. Last day na ng pasok nila ngayon. Kasi nga summer  vacation na.

“Hoy Cristobal! Yung usapan natin hah. Aasahan ko! Ingat. :)))” text ko sakanya. Grabeee! Ilang ulit ko yan tinype. Yung lagay na yan, pinag-isipan ko pa talaga yan. Ewan ko ba.

Tas kinakabahan at nanginginig yung kamay ko habang nagta-type. The heckkkk! Yung totoo What is the meaning of this? Harhar! Lantod mo Saskia! Malandi ka!  Pagkasend ko ng text, umalis na ko ng bahay. Alam ko kasi hindi pa siya magrereply dahil may klase pa nga. 7 pa lang and like what I said before, 8 pa labasan nila.

Lakad. Lakad.Lakad. Lakad. Lakad.

*tut.tut.tut. 1message received

Parang stars na nagning-ning yung mga mata ko! Syeeeet... Baka si Gino na to. Naeexcite ako. Lumulundag na naman yung puso ko. Syemaaayyy! Open it Saskia! Open it!

“San ka na? Wait kita dito sa may waiting shed ahh. :)) Ingat ka.” From Rozen. Geeeezzz.! Para akong nabagsakan ng langit at lupa. I'm so disappointed.

Lakad. Lakad. Lakad.Lakad.

Nawawalan na  ko ng energy!  Haaayyyyy. Eh kasi Saskia, assyumera ka! Yan napapala mo! Wala pa ko sa shed. Sinalubong na ako ni Roz. Siguro nakita niya na ako kahit malayo pa lang ako. Pinilit kong maging masigla. Nakakahiya naman kung magiging boring akong kasama.

“Sinong kasama mo?”  nakangiting sabi niya. Full of energy, take note!

“Ako lang eh. Ikaw?” ako habang pinipilit ngumiti.

“Ako lang din. San si Gino? Kala ko pupunta?”

“Ah.. Ehh... Wala pa eh. Mamaya-maya pa yun. May pasok kasi siya. 8 pa labasan niya.”

“Ahh ganun ba? Tayo lang pala muna. Oh siya. Tara!”

“Sure. Dun tayo sa unahan para kitang-kita natin!”

Pumwesto nga kami sa unahan. Habang nanunuood. Hindi ko mapigilang hindi mapasilip sa phone ko. Wala pa ding text. Kainis!

Nuod.

Nuod.

Nuod.

*tut.tut.tut

Ayan! Baka si Gino na tooo. Geeezzz! Asan na kaya siya? Eeehhh.

“Katatas lang ng klase ko. Pauwi pa lang ako. Diretso ako jan kapag di pa tapos.” si Gino nga ang nagtext.

“Sabi mo  yan ahh. Ingat. :))” reply ko. Hohoho! Excited na ko makita siya ulit.

“Salamat. Ingat sila sayo. Hahaha! Txt na lang kita pagnasa bayan na ko. mwuuuahh!” reply niya. Langhiya! Ano ko mamatay tao? Buti na lang may kiss sa dulo. Yan! Nabuhay ang katawang lupa ko. Hahaha! He's coming. I can't wait.

Nuod.

Nuod.

Nuod

45minutes passed.  Yung biyahe kasi mula Manila hanggang sa bayan namin, wala pang 1hour kapag walang traffic dahil expressway naman yung daanan eh. So, I texted him. At sabi ko, "San ka na?" Ang tagal kasiii! BTW yung lugar namin ay isang province na katabi lang ng Manila. Hulaan niyo! Hihihi.

After 10minutes, he replied.

“Wala akong masakyan. >.< Baka hindi na ako umabot. SORRY!”  Waaaahhh! Feeling ko bumagsak sakin yung langit at lupa. Feeling ko bumagsak ako sa board exam. Syeeemaaayyy! ASAness ka kasi Sakia! Yan napapala mo..

“Daya naman! Abot pa yan. Sige na.” reply ko na gusot na gusot ang muka.

“Mukang hindi na talaga eh. Pasensya na. Babawi na lang ako next time.”  sabi niya. Tuluyan na kong nawalang ng sigla. So I replied, “K.”

“Sino pala kasama mo jan?” reply niya.

“Si Rozen. Yung classmate mo nung hayskul. Buti na lang he comes with me.” reply ko.

“Yun pla eh! I'm no longer needed there na pala eh. May kasama ka na kasi. Enjoy na lang kayo. :(((”  reply ni Gino.

“Sus. Bahala ka nga. Ganyan ka!” Nakakainis talaga siya! Paasa lang. Bwisit! Promises are made to be broken nga talaga.  Hindi na siya nagreply. At tuluyan na akong nawalan ng ganang manuod ng pageant. Hindi ko na lang pinapahalata kay Rozen.

Nakauwi ako sa amin na parang namatayan. I'm so disappointed!

****

A/N: Rozen Tezzoro---------->

Feel free to comment and vote.

-Temarrie/Nics ♥

Occasional LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon