OL 47:First Motmot

1.6K 31 19
                                        

Hi there! :)) Bakasyon naaa! Lesduda Harlem Shake! XD Namiss ko ang KiaNo Love team at pati na rin ang lahat ng readers ng OL. Paramdam kayooo via comment! Hohoho. Make your presence felt! XD Hahaha. Love you all! Mwuaaaahh. <3

-Temarrie/Nics

****
SASKIA'S POV


Pasimple kong sinulyapan ang mga taong kanina pang nagkakasiyahan sa hindi kalayuan. Kitang-kita ko sa mga mukha nila at dinig na dinig ko sa lutong ng bawat halakhak nila kung gaano sila kasaya. Nagmamaktol na ibinaling ko ulit ang paningin ko sa tubig at doon ay natanawan ko ang reflection ng nakasimangot kung mukha. Gabi na pero dahil sa liwanag ng buwan at mga ilaw ay nababanaag ko ang reflection ko. Pasimple kung ipinadyak ang mga paa ko. Hah. Hindi man lang napapansin ni Gino na wala ako sa tabi niya. Pinadyak ko ulit ang mga paa ko sa tubig na nagresulta sa pagtalsik ng ilang drops nito sa aking mukha.

“Kanina ka pa dito...bakit hindi ka maki'join sa amin doon?”

Bahagya akong nagulat kay Jigger at ng lingunin ko siya ay nakita kong nakatingin siya sa Cottage kung saan naroon ang grupo nila Gino.

“Ah...wala. Gusto ko lang kasing magtampisaw dito.” Pilit akong ngumiti.

“Samahan na kita. Pinapabayaan ka ni Gino eh.” Ngumiti siya bago naupo sa tabi ko. Pareho na kami ngayong nakaupo sa gilid ng pool habang nakalaylay ang mga paa sa tubig. Buti pa si Jigs napansin. Nakakatampo ka na talaga Gino!

“Hindi naman.” Yumuko ako para itago ang kalungkutan sa mga mata ko.

“Kamusta kayo ni Gino?” tanong niya sa akin matapos ang isang nakakabinging katahimikan.

“Ayos naman.” Tipid na sagot ko na hindi man lang siya nililingon. On my peripheral vision, I know he's intensely looking at me na animo sinusuri ang nilalaman ng isip ko.

Ayos naman talaga kami ni Gino. Matuling lumipas ang mga araw kaya eto na kami at nagcecelebrate ng 1st monthsary namin. Just like any typical relationship, we do fight for some reasons. Ang mga away namin na yun ay masasabi kong parang away-bata lang. At katulad ng ibang magkarelasyon, sweet din kami sa isa't isa. Paminsan-minsan lang talaga ay nagkakatampuhan at hindi nagkakaintindihan.

“Ah. You do love him, don't you?”

“Of course, I do.”

Tumangu-tango si Jigger sa sinabi kong yun tapos ay muling binalingan ng tingin ang kinaroroonan nila Gino. Tiningnan ko din ang direksyon na yun. Napadiin ang hawak ko sa lap ko ng matanawan ko si Gino na katabi si Quincy. I bit my lower lip when I saw Quincy tap Gino's chest. Agad akong umiwas ng tingin. It's Quincy's birthday that's why we're here on a private resort. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magpunta kami ni Gino sa birthday ni Quincy. Eh mag-ex na nga sila. But later on, I found out Quincy is close to Gino's friends. Very close. Kaya naman nandito din sila Jigger. Doon pa lang nagseselos na ako kay Quincy. Imagine, mas close pa siya sa mga friends ni Gino kesa sa akin? Tapos ang ganda niya pa, ang kinis-kinis at mayaman. Nagmamaktol ang puso ko. Monthsary natin, Gino! Moment natin dapat to eh. Pero nasaan ka? Bakit katabi mo yang ex mo?

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon