OL 9: A Day With Roz -2

4.6K 31 2
                                        

 READ.

COMMENT.

VOTE.  ^__^

-Temarrie ♥

*****

"Ate! Dito po. Extra rice pa kami." tawag ko sa crew ng fastfood chain na kinakainan namin ni Roz ngayon.

"Hindi mo sinabi, gusto mo pa pala. Ako na sanang tumawag. I look so ungentleman tuloy." sabi ni Roz.

"Sus. Okay lang yan! Hindi mo naman ako girlfriend para pagsibilhan." sabi ko sa kanya. Lumapit na yung crew. Andito nga pala kami sa Mang Inasal. Bet na bet ko dito kumain kasi affordable, sulit at komportable ka pa.

"Ate, ako po isa pa. Siya din po, isa pa." sabi ko sa crew. Agad naman tumalima yung crew.

"Thank you Ate."-sabi ni Roz.

"Thanks Ate. Maya ulit hah?" I wink at her. Tumawa naman si Ate crew and so Roz.

"Tawa-tawa ka jan!" paninindak ko sa kanya.

"You're so cute talaga. Ang lakas mo pala kumain. Hindi halata sa katawan." natatawang sabi niya.

"Ka-turn off ba? Malakas talaga ko sa kanin kahit unti lang yung ulam."

"Hindi. Lalo nga kita nagugustuhan eh!" he said while smiling at me.

"Kahit na sabihin ko pa sayo na sa school, yung normal na kain ko eh 2 cups of rice tas sa bahay, eh mga 4cups. Normal yun! How about paggutom? See! Ganun ako kalakas kumain. Mabilis lang metabolism ko kaya, sexy pa din ako."

"Whatever you say! Astig ka nga eh."

"Tse!Bolero ka ahh. Let's eat na nga. Baka hindi na natin maabutan yung movie.", sabi ko. Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakalimang rice ako at siya din. Palabas na kami sa Mang Inasal. Papunta na kami sa Cinema. Magka-abre siete ulit kami. He insisted kasi. Eh mabait ako! Pagbigyan!

"Oh diba? Sabi ko sayo maganda sa Mang Inasal. Nakatipid ka na, ang dami pa nating nakain."

"Oo na. Yan mo sa susunod dun ulit kita dadalhin."

"Wow. May nextime pa?" napaharap tuloy ako sa kanya.

"Ayaw mo ba?" napanguso siya.

"Gusto. Basta libre mo." nakangiting sabi ko.

"Of course! Malakas ka sakin eh." sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Masakit ahh!" kinurot ko naman ang ilong niya. Ang saya kasama ni Roz. He's a good friend.   Gumagwapo siya sa paningin ko. Medyo kinkilig ako sa kanya. Pero ayoko muna intindihin ang mga ganyan.  Bonding lang. Yun lang muna.

"How sweeeet?!" Bigalang may nagsalita mula sa likod. Napatingin tuloy kami.

"Hey Roz! Pare! Long time, no see ahh. Hi Saskia."- si Gino. Siya yung nagsalita at siya rin yung unang bumati. Hindi namin namalayan nakalapit na siya sa amin. Buseeet na lalake tooh!  Panira ng moment.

"Hey Pare! Pasensya na hindi kita nakilala agad. Kamusta na?"- si Roz na kinamayan pa si Gino. Nakalas na yung pagka-abre siete namin.

"Oo nga eh. Busy ka kasi kay Saskia. Anyway, I'm good pare." si Gino na nakatingin sakin.

" Haha. Hindi naman. Manunuod kaming movie. Gusto mo sumama?"-Roz.

"No thanks na lang Pare. Maybe next time na lang. Nakakahiya naman dito kay Saskia." si Gino na nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko malaman kung nakangiti ba siya o hindi. Blangko yung ekspresyon ng muka niya at wala akong balak na alamin.

Occasional LoversMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon