****
SASKIA'S POV
It's now one week after that night-out with Roz and my girlfriends.
Eto ako buhay na buhay!
Kaya wag kayong maniniwala sa mga nagsasabi sainyo na ikamamatay nila kapag nawala kayo! Letse! Ikamamatay daw tapos ilang araw lang makikita mo may kasama ng iba. Tsktsk.
I'm still in the process of moving on.
Hindi naman basta mawawala yung sakit eh, diba? Paminsan-minsan naalala ko pa din yung mga araw na masaya kami ni Gino. Minsan, napapaiyak ako kapag naalala ko yun at kung paano niya ako niloko.
At oo paminsan-minsan namimiss ko pa din siya. May mga pagkakataon din na nagiging marupok ako to the point na gusto ko na siyang itext, gusto ko tingnan at bisitahin yung facebook niya. Pero paano ko siya itetext kung wala naman akong number niya? Inadd niya ako ulit sa facebook pero inignore ko.
Nilalakasan ko ang loob ko. Nilalabanan ko ang kahinaan ko, ang sinasabi ng puso ko. Yun naman ang dapat eh. Time heal the wounds, ika nga. Kung gusto mo talaga makalimutan ang isang tao dapat tulungan mo yung sarili mo. Dapat maging pursigido ka.
Mahirap. Masakit.
Dumadating sa punto na kapag nakarinig ako ng kanta na medyo related sa pinagdadaanan ko, naiiyak agad ako. Nakakatawa naman ako kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, kapag katext ko si Roz, at kapag may ibang tao akong kasama. Ngunit, kapag mag-isa na lang ako dun dumadapo yung lungkot. Lalo na sa gabi bago ako matulog, kapag tahimik na ang paligid, kapag mag-isa na lang ako, yun ang favorite time ng pag-atake ng lungkot.
Ganito siguro ang pakiramdam ng mga nagrerehab. Yung feeling na gustong gusto mo yung isang bagay pero alam mong makakasama sayo at makabubuting iwasan mo na lang?
Haaayyyy! Sabi nga nila, hindi mo naman malalaman kung nagmahal ka kung hindi ka masasaktan. Kakambal talaga ni LOVE, ang SAKIT! Bakit kasi kailangan nilang maging twins o kaya love team?
Well, maybe siguro ang nonsense ng buhay kapag puro lang sarap at saya. Kapag malungkot ka kasi may mga bagay na naappreciate ka na dati hindi mo naman binibigyang halaga. May mga bagay na naiintindihan mo na dati hindi. Ang galing talaga ni Lord! Broken hearted man ako ngayon, I'll still be grateful! Forever grateful to you, My Lord! I'm grateful that once in my life or maybe twice, I've experienced love, I love and I'd been loved erotically.
Hindi lang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Guilt. Guilty ako.
Bakit?
Dahil kay Quincy! Kapag naiisip ko yung mga ginawa namin ni Gino tapos girlfriend niya pala si Quincy, napapalunok ako. Nahihiya ako sa sarili ko. What kind of woman am I?
Kung ako nga na hindi naman kami ni Gino, nasasaktan. Ano pa kaya ang pakiramdam ng isang girlfriend kapag nalaman niyang nakikipaglandian sa iba ang boyfriend niya? Sobrang sakit nun!
Doble siguro ng sakit na nararanasan ko!
Sorry Quincy.
I didn't mean to hurt you. I didn't mean to ruin your relationship. Hindi ko kasi talaga alam. Kung alam ko lang iniwasan ko na si Gino. I'm such a fool! Shame on me!
*totoot. totooot.
one message received
"Musta?"
FROM: 0927.....
It's Gino, I guess.
*sighs
BINABASA MO ANG
Occasional Lovers
قصص عامةMay I miss you. Pero walang I love you. Pwede kang masaktan. Pero wala siyang pananagutan. Kapag nilalamig ka, may kumot ka! Walang hassle men! Ligaya lang. ASTIG, diba?! Pero alam mo...masakit din pala. T___T
