Chapter 3
GK's Pov
Napaatras ako ng bigla akong niyakap ni Gael. Nakatingin lang ako sa kan'ya. Ginawa ni Gael. Pababa pa lang ako ng sasakyan ng bigla akong niyakap.
"Congratulations, Kuya GK, engineer ka?" Ngayon ang araw na nagtapos ako sa Guavas University. Hindi ko na kasama ang mga kaibigan ko. Nagsimulang magpaalam ang mga mokong. May kaniya-kaniya rin silang gimik.
"Sabihin mo. Lumayo ka sa akin." Ngumiti lang sa akin si Gael habang hinihila ako. Sinunod ko na lang ang kalokohan ni Gael. Pumasok na kami sa loob. Napatigil ako dahil sa sobrang gulat ko. Hindi ko inaasahan. Simple lang ang gusto ko. Ang party ay kasama ng mga miyembro ng pamilya. Kaya pala ganyan ang reaksyon nila kanina. Sabi ko, iba ang kinikilos ni Gael Kanina. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nila akong pakawalan kaagad. Tiningnan ko lang si Gael, tuwang-tuwa siya.
"Congratulations, GK." Nabingi ako sa mga sigaw nila. Nandito ang mga pinsan ko. At ginulat ako ng aking mga magulang sa masasabing ko isang himala ang kanilang pag-uwi. Si Lolo lang ang dumalo sa graduation ko. Siya lang ang laging nandiyan kapag kailangan namin ng kapatid.
"Ang tanga mo kuya. Hindi ka man lang nagulat. Wala ka man lang reaction." Sabay akbay ni Gaeri sa akin.
"Tsk. Babatukan kita." Hanggang ngayon masakit pa rin sa ulo ang isang ito. Paano ako magiging masaya? Sinabi ko sa kanila. Hindi ko kailangan maghanda. Paulit-ulit kong sinabi sa kanila. Hindi ko na gusto ang party na ito. Dahil plastik sa mga taong kaharap mo. Nakilala ka lang dahil anak ka ng mayaman. Nakikilala ka lang dahil may kailangan.
"Oh Siya, kain na tayo. Mukhang gutom na ang Kuya GK mo." Nakaharap lang ako sa mommy ko. Sigurado akong naisip na ni Mommy ang lahat. Hindi na ako magtataka kung may bisita si Mommy. Ang negosyo ay palaging negosyo sa kanila. Tumahimik na lang ako, bored na kasi ako. Wala akong magagawa; nangyari na.
"Maligayang graduation anak." Dumating na rin si Daddy sa amin. Tiningnan ko lang sila, napahiling. Kaya nga hindi ko ito sinabi sa kanila. Paano nila nalaman? Hindi na ako magtataka kung sasabihin ng mga kapatid ko. Hindi nila ako pinakikinggan. Nagpatuloy pa rin sila sa gusto nila.
"Apo!" Ang lalim ng iniisip mo." Nagulat ako nang humarap ako sa kan'ya. Kinabahan na naman ako nang nandito si Lolo. Isa lang naman ang bukang bibig nito: na mag-asawa ako at may ipakilala sa kaniya.
"Lo," ‘Yon lang ang nasabi ko. As much as possible, ayokong masira ang araw ko na para bang hindi nila ako pinapakinggan.
“Naghihintay na sila sa loob." Sa huli ay sumunod na lang ako, kahit ayaw humakbang ng mga paa ko. Dahil pinalaki kami para hindi bastos, hinarap ko na lang ang mga bisita. Umupo ako sa tabi ni Gaeri. Seryoso silang lahat. Kinabahan ako lalo na sa sulyap sa akin ni lolo alam ko na naman itong mag-asawa. Hindi naman kanin ang kakainin agad ng mag asawa Eh bago ako nakahanap ng babaeng nagpapatibok ng puso ko sa iba Dahil naniniwala ako na may tiyak na oras ang dalawa pusong nagmamahalan.
"Apo, kailan ka mag-aasawa?" Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanila? Pero hindi ko mapigilan—ang kaharap ko habang tumatawa pa ang mga pinsan ko.
“Lo, tamang-tama, graduate na rin naman si Kuya. Mukhang paghahanap ng girl ang atupagin niya." Sa inis ko, binatukan ko si Gaeri. Gago ito, gagatungan pa ang kalokohan ni Lolo. Kaya ayoko ng ganitong set up. Tapos ito ang lakas pang mang-asar.
"Lo, tingnan mo si Kuya, nanakit."
"Well, kung ikaw kaya ang mag-asawa, bigyan mo si Lolo ng apo."
"La, bakit ako? Hindi pa ako tapos, kaya. Tsaka ang dami kong pangarap sa buhay." Kinindatan pa ako ng tanga.
""Isipin ko Kuya GK bakla ka." Isa pa itong Gael. Kailan ba nila ako titigilan? Mukhang kailangan kong patulan ang sinasabi ni Jake. Tama, aalis ako ng hindi nila alam. Gusto kong mabuhay ng walang gumagambala sa akin. Ito ay isa pang paraan upang mahawakan ni Gaeri ang aming negosyo. Kahit gago ito, maaasahan naman, 'wag lang mayaya ng barkada. Isip-bata nga lang kasi minsan.
BINABASA MO ANG
Oh My Boss, Billionaires
RomanceGarien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung may maipakilala siyang babae na mamahalin siya nang tunay at hindi batayan ang anuman yamang mayroon...