Chapter 10

86 8 0
                                    

Chapter 10

Chelsey's Pov

 

Maaga akong pumasok dahil nag-aayos ako ng gamit sa J. Construction Company. Maaga din akong mag-inspeksyon sa trabaho para maging ligtas kaming lahat. 

"Magandang umaga, Chelsey." napalingon ako sa nagsalita. Kumunot ang noo ko at hinarap siya. 

"Akala ko babalik ka bukas." Umupo lang siya sa tabi ko ng marinig ko siyang napalunok. Napatingin ako sa kan'ya, nakayuko lang. 

"May problema ba?" Tumayo siya at humarap sa akin. Alam ko na. Kapag may problema siya, lagi siyang nakayuko. 

"Wala lang, pagod lang ako." Hindi ko na lang siya pinilit. Alam kong isang araw magsasalita ito.  Paglingon ko nakatayo na naman si GK na nakakunot ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin. Pareho kasi kaming ganito kapag oras ng trabaho, parang hindi kami magkasintahan. At madalas nagseselos si Engineer Ali. 

"Engineer Chelsey, magandang umaga!" sigaw ni Andrew sa akin. Tahimik si Gerald nitong nakaraang buwan. Hindi ako sanay sa kan'ya. Sanay na akong niloloko ni Gerald, at lagi niya akong niloloko. Ano ang nangyari sa mga tao ngayon? Para bang nasapian ang mga ito, ang tatahimik nila.

 "Magandang umaga din sa iyo. Magandang umaga, Tatay Berto." Ngumiti lang sa akin si Tatay Berto. Sinimulan na ng mga kasama ko ang kani-kanilang gawain. Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Umalis na rin si Engineer Ali. 

"Engineer Chelsey, puno ka na ba?" sigaw ni Andrew. Nandito na naman siya sa pick up line niya. 

"Bakit?" yon lang nasabi ko. 

"Bakit ang hirap mong abutin?" Tinawanan lang siya ng mga kasama niya. Napapahiling na lang ako. Nawawala ang pagod ko kapag kasama ko silang lahat. 

"Bumaba na kayo? Tara lunch na tayo." Iniwan ko ang mga kasama ko. Para ihanda ang aming tanghalian. 

"Good morning, ma'am. May naghahanap po sa inyo." Lumapit ako sa guard na kasama niya. Napatingin ako sa lalaking may dalang bag. Mukhang nahihirapan siya base sa mga kinikilos niya. 

"Sino Manong guard?" Kahit na hulaan ko, tinanong ko pa rin. Ganyan tayong mga pilipino na umuulit kahit alam na natin. Gusto pa naming malaman ang totoo. 

"Dalhin ko daw dito sa J Construction Company. Ito ba ang tamang lugar para puntahan ko?" 

"Opo sir, tama po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

 "Dito ba nagtatrabaho sina Gerald at Andrew?" Nagkatinginan kami ng guard. Kinabahan ako bigla. Anong katangahan ang ginawa ng dalawa? 

"Oo, sir, bakit?" 

"Heto po." Binigay niya sa'kin ‘yong hawak niya kanina. Agad ko naman itong kinuha. Muntik na akong matumba. Medyo mabigat din. Buti na lang at nahawakan ako ng guard ni Manong. 

"Teka, para saan ito?" 

"Order po para sa dalawa." 

"Oh?" Sabay pa kami ni Manong Guard. 

"Bayaran ba yan?" sabi ni Manong Guard 

"Opo sir, ok na po. Wala po kayong babayaran. 

"Anong meron?" tanong sa akin ni manong guard. Kahit ako ay hindi ko alam. Sa kuripot nitong dalawa, hindi naman siguro magsasayang ng maraming pagkain. 

'Sige po, ma'am, sir, mauna na po ako.” Sinundan ko na lamang ng tingin si Kuya deliver na papaalis na. Hindi ko man lang natanong. 

“Ito na ba ito?" Lumingon ako sa dalawa na nasa harapan ko. Nakangiti pa sila. Kakaiba sila. Kanina lang halos hindi ko makausap si Gerald. Ngayon siya ang unang kumausap sa akin. 

Oh My Boss, Billionaires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon