Chapter 37

60 5 0
                                    

Chapter 37

Gk’ s Pov

"Magandang umaga mahal." Kumunot lang ang noo ko kay Chelsey. 

"Ang aga mo ganyan." 

"Bakit hindi mo ako ginising?" 

"Gingising kita, pero ang lakas ng hilik mo." Tinawanan ko lang siya. Ang cute ng mukha kahit magkasalubong ang dalawang kilay. "Biro lang, hindi kita ginising kasi ayokong maistorbo ka. Kakain na tayo?" 

"May gagawin ka ba ngayon?" Sinamaan ko ng tingin si Chelsey. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala naman akong nakitang kakaiba sa kanya." 

"Anong ginagawa mo? Bonding day natin ito di ba?"  

"Ay!" ‘Yon lang ang nasabi ko. 

"Kaya nga baka nakalimutan mo na." Pasimple akong tumawa. Ito ang nagustuhan ko sa kanya: ang sweetness niya. 

"Makalimutan ko ba ‘yon? Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Salamat, Chelsey, sa lahat ng pagmamahal mo sa akin. Salamat kasi okay na tayong dalawa." Hindi ko na napigilang yumakap. Ito talaga ang pinangarap ko, na magkasundo kami. Wag mo lang sirain, masisira na naman ang mood ng taong 'to. 

"Ano ka ba. Ginagawa mo! ‘Wag kang ganyan. Boss gusto mo bawiin ko." Hindi ko na mapigilan umiyak sa kan'ya. Niyakap ko na lang ulit siya. 

"Anong niluto mo? Nagdrama pa tayong dalawa. Bakit hindi tayo mamasyal?" Seryoso akong tumingin kay Chelsey. 

"I like that, mahal, pero wag muna ngayon. Magpahinga ka na mahal." 

"I don't need to rest. Ginagawa ko ito dahil sa kinabukasan nating dalawa. Isa ka rin! Halos sabay tayo uuwi. Tapos wala ka pang gana kumain."

 "Eh! Kasi mahal nakakatamad kumain lalo na kapag pagod ako." 

"Eh! Sabi ko sayo wag kang magpapagod eh. I let you do what you want, but I hope you take care of yourself." Sabi ni Chelsey. Natahimik ako. 

"Let's go." Niyaya ko na si Chelsey ako. Ngumiti lang siya sa akin. Kumain kami ng hindi man lang nag-uusap. 

"Ano ba gagawin natin ngayon?"

"Maglinis tayo, Boss. Mukhang may kailangang maglinis; may alikabok na nahawakan ko." Tumango lang ako sabi ni Chelsey. Ngayon ay pareho na kaming naglilinis. Si Chelsey sa buong kuwarto at kusina. Siya ‘yong nag volunteer habang nasa labas ako ng bahay. Inaayos ko ‘yong mga halaman na tinatanim ni Chelsey. 

"Ang lalim ng iniisip mo." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng makita ko si Jungwon na seryoso ang mukha, nilapitan ko siya. 

"Anong Ginagawa mo?"  

"Eh! Dahil hindi ka makontak. ."

"Pinagsasabi mo. Hindi ako nakikipag-usap sa cellphone kapag magkasama kami ni Chelsey. Sinong kakausapin ko? Kasama ko ang mahal ko. 

"Oo, hindi mo na kailangan ulit-ulitin. You already have the perfect love life. Totoo bang okay na kayo ngayon? Anong ginawa mo? Nag-magic na lang." Sabay tawa niya. 

"Anong meron?" sabi ko na lang sa kanya. May binigay siya sa akin, agad ko naman itong tinignan. Kaya tama ang hinala ko na sila ang nasa likod ng amin paputok ni Chelsey. 

"Nakauwi na sila. Ibig sabihin, paghihiganti sila."

 "I think it was just a threat made to you. Kung gusto ka talaga nilang maghiganti, nasa ospital ka na. Pagkakataon na nila para maghiganti sayo, lalo na't nag-iisa ka na alam nilang kaya nila. Patumbahin ka." 

"Naisip ko rin ‘yon kagabi. Pero natatakot ako sa maaring gawin nila. Natatakot ako. Hindi para sa sarili ko. Natatakot ako para kay Chelsey. I think. It's time for me to intervene."

Oh My Boss, Billionaires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon