Chapter 44
Chelsey's Pov
Naguguluhan ako sa kinikilos ng mga kaibigan ko. Panay ang tingin sa phone nila.
"Sige!" Napalingon ako sa sinabi ni Andrew. Wala akong masabi. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.
"Tara. Nandiyan na sundo natin. Si Kuya GK nga pala si Ate Chelsey. Hindi siya makakapunta sa atin. Magkita tayo sa bahay." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gael. Sinundan ko lang sila. Habang karga-karga ko si Baby Cheska Klay, pagdating namin sa sasakyan ay agad akong nilapitan ni Gaeri. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako. Tahimik lang sila at hindi man lang nagsasalita, habang cellphone lang ang hawak nila. Bigla akong nainis kay GK. Kung kailan kailangan ko siya, saka pa siya wala dito. Sa aking pag-iisip, namalayan ko na lang na nakarating na rin kami. Agad naman silang bumaba ng hindi man lang ako nilingon. Hirap na hirap akong buksan ang bintana dahil karga-karga ko ang baby CK ko. Sinubukan kong buksan, pero hindi ko magawa. Naiinis talaga ako kay GK. Sasampalin ko talaga ito. Hindi ako makalabas. Nasaan ang mga kaibigan ko? Ilang oras din akong nanatili dito sa sasakyan. Mukhang nakalimutan na nila ako. Tiningnan ko lang ang baby ko na mahimbing na natutulog. Hindi ako makakuha ng sapat na tulog. Wala akong CP dala. Unti-unti kong naririnig ang ingay nila sa labas. Sumilip ako, pero hindi ko sila nakita sa kabilang side. Dahil sa inis ko, hindi ko na lang pinansin. May kumatok sa bintana. Hindi ako nagsasalita. Hinayaan ko na lang. Maya-maya, bumukas ang pinto at si Chello ang bumungad sa akin na nakakunot ang noo. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita. Nagtataka ako kung bakit siya nandito.
"Ano ate? Wala kang balak buksan." Nandoon na naman ang mukha niya.
"Ate!" Binuksan din niya ang kabilang bintana sa tapat ni Cheron.
"Ang cute naman ng baby girl natin." Agad naman itong kinuha ni Cheron sa akin. Sinundan ko lang sila. Bumaba na ako. Nang mapatapat ako sa gilid, lahat sila ay nagpalit ng puwesto. Hanggang sa pinalibutan nila ako ng hugis puso. Bigla na lang isa isa silang may hawak na papel. Unang
Si---
W-Cieron
I-Finn
L-Sunny
L-Chello
Y-Jungwoon
O-Sunoo
U-Jay
M-Jake
A-Gaeri
R-Gerald
R-Andrew
Y-Engineer Ali
M-Heeseung
E-Sunghoon?
Huling may dalang bulaklak sina Tatay Berto at GK, habang kumakanta si Niki Panaginip ba ito? Composed by: Che Reblando,
Una kita makita
Ako'y natulala sa'yo
Hinding-hindi ko maisip
Ikaw nandiyan sa tabi ko
Refrain:
Pag ako'y iyong kausapin
Sabi ko'y panaginip ba ito?
Chorus:
Panaginip ba ito ohh3x
Tumingin ako sa ulap
Para di mo pansin
Ako'y nanginginig sa sobrang tuwa
BINABASA MO ANG
Oh My Boss, Billionaires
RomanceGarien Klein Guavas ay nag-iisang nagmamana ng Guavas Resort and Restaurant na pag-aari ng kaniyang Lolo. Ngunit mapupunta lamang ito sa kaniya kung may maipakilala siyang babae na mamahalin siya nang tunay at hindi batayan ang anuman yamang mayroon...